8

30 3 0
                                    

Chapter 8

Medyo masakit ang ulo ko nung sumakay ako sa sasakyan. After kasi naminbumili ni Lian sa National, nag decide na rin kami na umuwi agad kasi marami pa daw gagawin si Lian. At ako? I need to call Francine.

I drove home habang iniinda yung headache ko. Wrong timing, di pa ko nagdala ng gamot. Nagmadali ako sa pag ddrive para makauwi agad kasi naluluha na yung mata ko sa sobrang sakit ng ulo ko. Pagkapark ko sa sasakyan, agad akong pumasok sa bahay at humingi ng gamot kay Manang. Ang sakit talaga eh. Mamaya ko na lang tatawagan si Francine. Baka busy din yun. Magpapahinga na muna ko.

"Hija, oh ipinaghanda kita ng maligamgam na tubig sa bathtub mo. Magrelax ka na muna at baka stress lang yan." Pinat ni Manang yung likod ko tsaka ako inalalayan papasok sa cr.

"Salamat po Manang ha." Ngumiti sakin si Manang tsaka umalis at nilock yung pintuan ng cr ko.

I removed my clothes and soaked myself in the bathtub. Pinikit ko yung mata ko at nagflashback lahat sakin ng nangyari kanina. Natawa na lang ako, instant celebrity ang peg ko ha. Hay. Bakit kaya bumili pa si Carlo ng issue ng magazine ko? Nakakahiya naman. Ano kayang nakain ko at napapayag ako ni Francine na gawin yun. Nakakahiya talaga.

Minulat ko yung mata ko at nakita ko yung maliit na flat screen tv sa may upper left ng bathroom. Inabot ko yung remote tsaka ko binuksan. Damn this headche. Tumambad sakin ang poging mukha ni Brad Pitt habang nakikipag barilan kay Angelina Jolie. All time favorite to ah. Naaliw ako sa panonood.

Tinapos ko na muna yung movie bago tuluyang naligo. Pagkalabas ko ng cr, malamig na sa kwarto ko. Naka bathrobe lang ako at dumiretso na sa walking closet ko. Wala ako sa mood lumabas ng bahay after pa nito. Gusto ko na lang magpahinga muna. I decided to wear spandex shorts and loose t-shirt.

Bumaba ako para kumuha ng tubig at uminom ng gamot.

"Oh," Napatingin si Kuya Jaydes sakin tapos sa relo niya, "1 o'clock. Aga mo ah?" Nginitian ko siya tapos tumuloy sa pag inom ng tubig.

"Sobrang sakit ng ulo ko eh." Nilapag ko yung baso tapos pumunta sa may sala. "Ay oo nga pala Kuya, here." Iniabot ko sakaniya yung magazine na binili namin kanina.

Kumunot yung noo niya, "Damn, Jayce. Boys will go gaga over you. Look at you here. You look ravishingly hot and cute, at the same time. Kapatid nga talaga kita!" Tumatawa siya. "Anong naisipan mo at pumayag ka?"

Napatingin ako kay Kuya tapos nag kibit balikat ako. "Hindi ko nga alam eh. Nakalunok yata ako ng moriatic acid niyan eh. Hahaha!" Sa pagtawa ko, pumintig ng konti yung ulo ko kaya sumandal ako sa sofa.

Umupo din si Kuya sa sofa habang nagbabasa nung magazine. "Bakit pala ang aga mo dito Kuya?"

Tumingin siya sakin tsaka binalik yung tingin sa mag, "Punta ko sa Zambales. Mag extreme. Wanna join? Kaso masakit ulo mo diba?"

Naisip ko, di ko na din to mararamdaman. Baka kulang lang to sa tulog eh. Hmmm... "Sama ko." Napatingala si Kuya sakin.

"Go pack your things. Ikaw lang naman talaga sinadya ko dito." Agad agad akong umakyat sa kwarto at parang nawala na nga talaga yung sakit ng ulo ko. Naexcite kasi ako bigla. I'm into sports. Lalo na extremes. Gusto ko ngang mag paragliding. At matry mag parachute. Yun na lang kasi di ko pa natatry. Ayaw kasi nila Mama. Delikado daw kasi yun masyado. Duuuh, extremes nga eh.

Kinuha ko na mga kailangan ko. Inayos ko sa backpack ko na malaki. Pang hiking nga to eh. Nagdala ko ng tatlong pang swimming tapos yung iba pamalit na at toiletries. Nagpalit na din ako ng damit tapos dinala ko na yung shades ko. Isang wayfarer tapos yung pang sports na na oakley. Palagi namin tong sinusuot ni Kuya pag nag ssurfing okaya nag jejetski kami. Pag kasi nag bbeach kami, gusto namin puro snorkling, jetski, surfing para mas naeenjoy namin.

Ako Na Lang KasiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon