3

92 4 0
                                    

Chapter 3

"Oh ano na naman nangyari sayo?" Tanong ni Kuya sakin pagdating niya sa bahay. Halos sabay lang din kami pero nauna ko ng konti. Katulad ng palagi kong ginagawa, nagbabasa lang ako sa may living room namin,

"Oh, I met someone sa Starbucks. Annoying. Jerk. Presko. Kainis." Kuya Jaydes started laughing. Tinaasan ko siya ng kilay. "What's so funny?"

"You." Tinuro niya ko with his index finger.

"Bakit?" Nakasimangot kong tanong sakaniya.

Umiling iling siya sakin ng nakangiti. Nakakainis pa din talaga. "Wala lang. Wala kasing lumalabas na magandang word para idescribe mo yung nakilala mo eh."

"Eh wala naman akong makitang maganda sakaniya eh." Inirapan ko si Kuya. Nakakainis naman kasi eh. Feeling niya ang pogi pogi niya. Sus. Matangkad, Moreno, maganda ngipin, tapos yung mata hazel brown eyes. Fak. Puro physical appearance niya lang alam ko eh.

Pinagpatuloy ko yung pagbabasa ko sa bago kong bili na book. 'Psychology: To A New Millenium'. Si Kuya ayun dumiretso sa kwarto niya. Nasa may stairs siya tapos sumigaw, "Manang! Pahanda na po ng pagkain. Baba na po ako in a while. Sabayan niyo na po kami ni Jayce." Tapos tuloy tuloy na umakyat si Kuya. Siguro magpapalit muna yun. Naka suit pa kasi siya eh.

Nagbabasa nga ako, pero walang pumapasok sa isip ko. Bakit? Bwisit kasi yung lalaking yun eh. Lumapit lapit pa kasi kanina eh. Napahawak ako sa labi ko. "AGGHHHH!" Asar na sigaw ko. Ano bang nangyayari? Hindi naman dapat ganun yung first kiss ko eh. Bwisit. Bwisit talaga. Dami kasing drama ayan tuloy. Nakakairita yun, ano nga bang pangalan nun? Ay basta.

"Hoy, nangangamatis ang prinsesa. Anong iniisip mo jan?" Tumabi si Kuya sakin. At napahinto naman ako sa pagiisip. Aish. Lalo akong mamumula nito eh!

"Wala naman kuya. Ang init kasi eh." Excuse ko sakaniya kahit na hindi naman masyadong mainit.

"Pabuksan mo na yung aircon." Sabi ni Kuya sakin. Pumunta ko sa may dirty kitchen tsaka hinanap si Manang.

Naalala ko na naman. Ahhhh. Nakakainis ayaw tantanan nung lalaki na yun yung utak ko. Tinamaan ng lintek naman oh. Hay!

"Manang?" kumatok ako sa kwarto niya. At kaagad naman bumukas yung pinto. Si Manang Lucy kasi matagal nang nagaalaga samin ni Kuya Jaydes.

"Oh ano iyon Hija?" Hinawakan niya ang kamay ko.

"Pabukas lang daw po yung aircon sa may sala. Tapos tara na po, kain na po tayo." Ngumiti ako sakaniya at pumasok siya sa may kwarto niya para buksan ang aircon. Nasa kanya kasi yung control ng mga appliances namin eh. Nauna na ko sa may dining area namin.

"Oh kain na." Yaya ni Kuya Jaydes sakin.

--

Naenrol na pala ko ni Kuya Jaydes kaso dito na naman sa UP. Inayos ko na dadalhin ko. Hindi pa ko nakakapag pagawa ng contact lens na black. Magsasalamin na muna ko. Mag ddrive na lang ako ng sarili ko. Ayaw ko mang abala ng tao. Kukuhain ko na yung schedule ko ngayon eh.

Dumaan muna ko ulit sa Starbucks para bumili ng oh-so-favorite ko na White Chocolate Mocha. Bago ko lumabas ng kotse, tinanggal ko yung eyeglasses ko. Pinalitan ng wayfarer. Mejo madami kasing tao ngayon. Umaga pa kasi. Kahapon wala masyado tao tsaka di pa masyado kapansin pansin yung blue eyes ko.

"Good Morning, Ma'am." Bati sakin ng guard na nagbukas ng pinto.

Pagkapasok ko, napatingin yung barista sakin. Nginitian niya agad ako. Mukhang naalala niya ko. "Good Morning Miss Jirah." Ah. Natandaan nga ako. I smiled back at him.

Ako Na Lang KasiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon