6

48 5 0
                                    

Chapter 6

Mejo exhausting yung naging afternoon class ko dahil sa sunod sunod na recitation. Naalala ko pang wala akong dalang kotse dahil kay Ivan at ayoko naman na makisakay sakaniya pati sa pag uwi. I thought of hitching a ride kay Lian kaso sabi niya makikisabay lang siya kay Carlo. At umayaw ako na sumabay dahil ayokong makkta si Carlo.

"Kuya, tapos ka na ba sa date mo? Can you fetch me?" I heard him start his car.

"Sige. I'll be there in 20 minutes. Bye bye." He ended the call. At napatingin naman ako sa kotse na pumaparada sa harapan ko.

BMW X5. Ivan Young. Binaba niya yung bintana ng sasakyan niya. "Come in, i'll take you home." Tinignan ko siya maigi.

"Susunduin ako ni Kuya." Matabang kong sagot sakaniya.

"Alright, then." Inangat niya yung bintana niya at pinaharurot yung sasaknyan niya. Galit ba siya? He's acing like nothing happened after I rejected his offer. Pero bakit feeling ko parang nanghihinayang ako? Tss... Di na ko magtataka kung may maibabalita na lang na may nadisgrasya.

-

"Hindi ako nagpaluto kay Manang. San mo gusto kumain?" Tanong ni kuya sakin habang nagmamaneho.

"Akala ko ba may date ka?" Takang pagtatanong ko sakaniya. Tumawa si Kuya tsaka tumingin sakin.

"Ikaw kadate ko, princess." He smiled.

"Kuya, akala ko no secrets?" I felt a pang of guilt on what I just said. Sakin pa talaga nanggaling yun?! Damn. Ako tong di nagsabi na nakipaghalikan ako sa hindi ko naman boyfriend.

"Soon, princess." He gave me a smile of assurance and that made me feel more guilt. Soon din, Kuya. Soon.

He drove off to Sambokojin. Dinner date nga talaga.

"Buti na lang pala nagpasundo ako sayo, Kuya." I beamed a cheerful smile at him.

Kinurot nya yung pisngi ko. "Kahit naman di ka magpasundo yayain kita eh." Pinark niya na yung kotse tsaka kami sabay bumaba.

We ate, talked, ate, talked, ate, talked. Sobrang busog ko, andami kong nakain. Feeling ko nga ang laki laki ng tsan ko ngayon eh.

"Hindi ako makahinga! Ang taba taba ko na!" Pagrereklamo ko kay Kuya.

"Wow ha, taba taba. Asan?" Natawa ko kasi palagi talagang ganito yung reaksyon niya. Sila ni Dad ganto reaksyon pag sinasabi ko to tuwing kumakain kami. Tapos si Mama tatawa din kasabay ko.

"Namiss ko tuloy sila Mama." Napatingin sakin si Kuya tsaka ngumiti.

"Malapit na yun umuwi. Di mo pa kasi sinama eh." Eto na naman nagtatalo na naman kami eh parehas naman akming talo. Kahit gustuhin ko isama sila Mama, di pa yun uuwi. Sobrang dami inaasikaso.

-

Nakarating kami sa bahay past 10 na. Nag ikot ikot pa kami ni Kuya since matagal tagal na din nung last time na ginawa namin to. Nag shower na ako agad at inayos yung sarili ko para makatulog na ko dahil antok na antok na ko.

I opened my facebook account nung matapos kong mag ayos. Wala lang, gusto ko lang naman makita bago matulog.

20 Friend Requests.

Konti lang ang friends ko kasi gusto ko yung mga kilala ko lang ina add ko. Mostly friends ko sa Paris yung nandun. Clarkie Oh yung name ko sa fb kaya yung iba lang nakakakilala.

Ivan Bata wants to be your friend.

I clicked ko the profile at si Ivan Young nga. He has over 4 thousand friends. Inaccept ko na lang din at tinignan ko muna yung profile niya.

Ako Na Lang KasiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon