9

20 3 0
                                    

Chapter 9

After ng dinner namin, lahat sila nag iinuman na at nagkakasayahan.

"I texted you." Napalingon ako sa nagsalit at nakita ko si Craig na may hawak na San Mig Light.

"Ah. Di pa ko nagchecheck ng phone eh. I barely use it." I smiled at him.

"Hmm.. I see." Ngumuso siya na pinipigilan ang pag ngiti.

"Kapatid mo ba talaga si Ivan? Parang wala ako masyadong nakikitang resemblance sainyo eh." Tinignan ko siya ng saglit pagkatapos tumingin na ulit sa dagat. Nag indian sit ako tapos sumunod naman siya.

"Oo. You would hardly notice. Pero oo magkapatid kami. Kaklase mo pala siya?" Ang usisero naman nitong si Craig. Tumango na lang ako bilang sagot ko sakaniya.

"Do you like my brother?" Mabilis akong napatingin sakaniya dahil sa tanong niya sakin.

Kumunot ang noo ko, "Why... ask all of a sudden?" Ngumisi lang siya sakin.

"I wanted to get your number dahil sakaniya. Ginawa mong statwa yan nung una ka niyang makita. I was there and I saw how his jaw dropped." Mas lalong namuo sakin ang mga tanong. Statwa? Eh nung nagkita kami sa Starbucks ang yabang niya na nga agad eh. Tsaka... wala dun si Craig,

"What do you mean? Where... did he first saw me?" Naningkit yung mata ko habang nagtatanong.

"I don't know, Jayce Pierre. Ask him, and you'll know." Tumayo siya tapos ininom yung beer niya. Kinindatan ako tsaka tumalikod na ng tuluyan. Gulong gulo pa din ako.

There was a loud knock on my door early in the morning. Tumingin ako sa digital clock at 6:30AM pa lang. "Crap, ang aga aga naman." Bulalas ko sa sarili ko tsaka tumayo at pumunta sa pintuan. "Who's there?" Nagtaka ko ng walang sumagot. Hindi ba ko naririnig sa labas? Binukas ko yung pinto at nanghina sa taong nakita ko.

The signs, oh no.

"Good morning." He timidly smiled at me. Sht, those smiles. Sa ngiti niya parang may kung ano na kumurot sa puso ko. Heck, why am I feeling this way?

"Hi." I responded.

"Ah... Baba ka na. Mag bbreakfast na." He again smiled and... looked at me. Parang gusto ko siyang yakapin. Gusto kong kausapin. Parang miss na miss ko siya kahit ang lapit niya lang sakin.

"Ah, sige. Susunod na ko. Magaayos lang ako." Nginitian ko siya at sinarado ang pintuan bago pa niya marinig ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Napahawak ako sa kung saan malakas ang pagpantig at huminga ng malalim.

Kalma, Jayce. Babawiin mo ang puso mo sakaniya. Pero pano pag hindi ko pa din nabawi? Pano si Ivan? Bakit ba ang gulo gulo ng nararamdaman ko ngayon? Posible bang magmahal ako ng dalawa? Hindi naman diba?

Pumasok agad ako sa cr at nagayos habang umiiling. No, Jayce. No. No chance. Sinuot ko na muna yung sports bra ko na nike dri-fit at pinartneran ng shorts na nike din. Nagsuot ako ng aztec na tank top tapos kinuha ko yung wayfarer ko. Then I'm ready to go.

Dinampot ko na yung wallet ko tapos kinuha ko na yung wallet ko and cellphone. I opened the door and gone out when I saw someone standing right behind my room. "W-why are you still here?" Hindi man lang ako makatingin sa mata ni Carlo.

He smiled and breath heavily. "Let's go." Hindi niya man lang sinagot yung tanong ko. Ano na namang balak mo Zamora? Eto na naman ba tayo?

Sabay na nga kaming bumaba to eat breakfast at nung nakita nila kami, they were all teasing us about getting back together again and I can't help but blush. Kung ibang tao naman yun, hindi ako magb-blush. But it's Carlo Zamora. Napatingin ako kay Ivan at inirapan niya ko.

Ako Na Lang KasiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon