7

34 4 0
                                    

Chapter 7

I ran down the staircase hopeful to catch my schedule. Nalate ako ng gising. Dali dali akong pumunta sa kusina namin. Ayaw ko namang umalis ng walang kinakain.

Kumatok ako sa pinto ni manang, "Manang?"

"Ay ma'am, namalengke na po si Manang. Yung breakfast niyo po nandun sa lamesa." Napatingin ako tapos pumunta na agad ako sa dining table. Heavy breakfast ang nakahanda. Hindi ako pwedeng magtagal so I decided na mag drive thru na lang.

"Paki sabi na lang po kay Manang na di nako nakakain. Nalate ako ng gising. Salamat!" Kinuha ko yung susi ng Montero ko tsaka lumabas. Nakita ko yung driver namin na naghihintay sa labas. "Ay Manong Yves magdadala po ako ng sasakyan. Sige na po, dito na lang po muna kayo."

I hurriedly start my car and drove off. May nadaanan akong McDonalds kaya dun na ko bumili ng breakfast ko. Aabot pa ko nito! Habang nagmamaneho ako, kumakain na ko nung chicken burger na inorder ko. I feel bloated.

Pagkadating ko sa school pinark ko kagad yung kotse ko. Luckily, may malapit na parking space sa building namin. Halos mag sprint ako papunta sa room wag lang malate. Nakakahiya kasi malate eh. And when I finally reached our assigned room, I felt relieved to see na wala pa yung prof namin.

"Jayce!" Masiglang tawag ni Lian sakin.

Nginitian ko siya tsaka nilapitan. "Kala ko malelate ako!" Bumuntong hininga ko tsaka umupo sa tabi niya.

"Kala pala hingal na hingal ka. Tumakbo ka no?" Natatawang tanong niya sakin at tumungo lang naman ako bilang sagot sakaniya.

"Oh asan kambal mo?" Natawa siya sa tanong ko. Pero nakakapanibago lang kasi dati palagi talagang sabay pumapasok tong kambal na to.

Nagkibit balikat si Lian, "Ewan dun. Nag bar hopping nga sila kagabi eh. Ewan ko kung san siya natulog."

I let her change the topic. Kelan pa natutong lumabas labas ng ganon si Carlo? Sabagay... madami nang nangyari. Magtataka pa ba ko.

"Hey. You're spacing out." Pagsaway sakin ni Lian. At mas lalo akong natulala nung nakita ko ang pumasok sa room.

He's so plain wearing a straight cut pants and a black body fitting shirt. Pero ang lakas ng datingan. Di ko naman makakaila na attracted talaga ko sakaniya. Pero nothing more than that...?

"Ang pogi niya no?" Napatingin ako kay Lian, with my utmost shock.

"You like him?" Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong natakot o kinabahan. Ano ba tong nararamdaman ko? Siguro dahil sa takot akong baka masaktan si Lian.

"Okay lang." She said. I was rendered speechless. "15 minutes nang wala si Sir. Siguro wala na yun. Tara na?" She said it, as if we talked about not so important conversation a while ago.

"Hintayin natin. Baka magpaattendance." Napatitig ako kay Lian. Wake up, Jirah. Hindi naman sinabi ni Lian na papakasalan niya eh! Bakit ba ganto pumintig yung puso ko.

"Huy! Huy! Jayce!" She was waving her hand on my face. I gave out a sly smile. "You're mind's not here, Jayce. What's up with you? Masyado ka bang nabother sa sinabi kong I like him?"

My jaw dropped, and for the nth time, I was speechless. I was trying to collet words on my brain and construct sentences to explain that it doesn't really bother me at all but I failed to deliver it to her. All I did was stare at her smiling face.

"Don't worry, Jayce. No competition."

"Hindi. Hindi, Lian. Hehehe. Wala yun." I almost stutter, but I managed to calm myself a bit.

Ako Na Lang KasiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon