Ch.1 (The installed Game App)

285 9 0
                                    



Bakit kali ang mga tao, hindi makuntento?

Yung nasa harap mo na, naghanap ka pa ng iba? Yung tipong kakapit ka nalang ng mahigpit, pinili mo pang bumitaw. Yung bang, mas pinili mo pa ang uling kaysa sa dyamante? Tapos pagka napili at nalaman mo na ang gusto mo, at mali ka pala bandang huli, magsisisi ka?


Parang ako lang, katulad ngayon.


Nasayang lang ang level ko sa Clash Royals, pati sa Subway surfer. Para lang maghanap ng panibagong Game App. Gusto ko kasing patunayan sa kuya ko na, hindi ako lampa, at hindi lang basta libro at pagbabasa ang inaatupag ko. Pinatunayan ko din na hindi lang rin ako sa Game apps magaling humanap ng distansya at rumesbak. Sa totoong buhay rin.

Nasabi niya kasi sa akin na panay daw ako, pagbabasa at di daw ako gumaya sa kaniya na panay nasa kalsada, skate board, basag ulo pagka may nakaaway. Yung tipong, buwis-buhay na. Yung tipong kailangan mong lumpuhin ang sarili mo para masabing, matapang ka, astig ka, at hindi lampa, nagpapaka-nerd.

At pinatunayan ko yan sa kuya ko, pero nagbago rin ang pagiging ako pagkalipas ng isang taon.

Oo, isang taon. para sa akin napaka ikli pa ng panahon na iyon para patunayan ang sarili ko. Para sa akin, hindi pa sapat ang panahon na iyon para masabing hindi na ako duwag. Na tipong kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa kahit ano mang panganib. Alam niyo bang halos mawalan ako ng kaibigan dahil lang sa pinipilit ko ang sarili kong baguhin ang pagiging ako? Nawala sa tabi ko ang mga ineexpect kong kaibigan na tatanggapin ako hanggang dulo, dahil lang na nagiging adik daw ako sa paglalaro. Video games, computer games, lalo na yung Game Apps na ini-install then, vioala! Instant lang!

Well, actually hindi naman halos nawalan ako ng kaibigan or what. Nandyan parin si Miguel, Migs for short. Siya ang karamay ko. Kasama ang girlfriend niyang si Bianca. Close naman kami ni girl, minsan nga lang napakaselosa. Kaya pagkatinatamaan ng selos si girl, lumalayo si Migs. Inshort, loner na naman ako. Ayos lang maging loner, andyan naman ang Games mo sa Cellphone, or Tablet, Laptop or PC mo. Hindi ka mabo-bored pero hindi mo sila makakausap.

And lastly, ang kamuntik muntikan kong pagiging valedictorian. Oo muntik na ako doon. Pero dahil sa games, ang pagaaral ko, kungbaga sa games, game over. Wala, Wasak na. Nang marealize ko ang lahat, parang hindi ko na yata kayang ibalik pa sa dati ang lahat. Gaya nga ng tanong ko kanina, bakit ang mga tao, hindimarunong makuntento?

"Nice!" Nabulong ko sa sarili ko habang na-install na ang App na dinownload ko. May dinownload akong application na mukhang games. or what? Nakaka-curious kasi ang logo ng app na ito, kaya dali-dali kong dinownload.

"Iya! Tawag ka ni Mama!" Si kuya. Kahit kailan tamad kung tatawagin ako mula sa kwarto.

"Oo! Bababa na ako!" sigaw ko. Nilock ko muna ang phone ko, saka ako lumabas ng kwarto ko at bumaba na. Napansin kong alas-siyete na pasado. Napansin ko naman ang hindi kalakihang dinning area namin, na nandoon pala sina Mama at Kuya.

"Oh, Freya. Halina't umupo ka na at kumain. Alex, pakikuha naman yung juice sa ref natin." utos sa amin ni Kuya. Halos si kuya ata ang naghain ng makakain namin. Buti naman! Mukhang kadarating lang rin ni Mama galing sa trabaho niya bilang isang cashier, staff or crew sa Mcdonald's. Hindi pa naman ganung katanda ang nanay ko. Talagang maaga lang siya nagasawa't nagkaanak. hindi sana daw ganito ang pangarap ni Mama. Pero hindi siya nagsisisi na mailabas niya kaming dalawa sa tiyan niya.

Hindi na kailanman bumalik pa si Papa sa amin. Kumbaga, hindi rin siya nakuntento kagaya ko. Pero mas mabuti nang hindi makuntento sa games na lalaruin, kesa sa puso nang nanay ko ang paglalaruan niya At maghanap ng iba.

Kay kuya din sana kami aasa ni Mama, pero, wala. ang hina ng kinikita niya at hindi pa ganun kasapat para sa pagkain namin. Paextra-extra lang siya pero may pinagaralan at nakatapos. Ng Highschool. Huminto si kuya noong 3rdyear college siya, just for me. Ang sweet no? Pero bakit parang pagdating sa pagiging lampa ko, inaapi pa niya ako?

"Nagawa mo na ba ang assignment mo?" Tanong ni Mama sa akon habang isusuno na niya ang isang kutsarang kanin at ulam.

"Opo, Ma-"

"Sus! E nagdadownload ka nga ng panibagong laro e? Hindi nga kita nakitang nakaupo sa upuan mo s amay study table." sinamaan ko ng tingin si Kuya kahit hindi siya nakatingin at nakaharap sa pinagkakainan niya. Sinipa ko nga ang tuhod niya. Napakapakielamero. Napakadaldal

"Freya? Anong sabi ko pagkadating galing school?" Sabi tuloy ni Mama. Hays. What to do, what to do!? Hmmm~

"Mama?! Ginawa ko naman po ang assignments ko pagkadating gali---"

"Weh? E naabutan nga kitang naglalaro sa computer shop diyan sa kanto? Tas kakauwi mo lang bago dumating si Mama?" this time, dalawang tuhod na niya ang napuruhan. saka ako nagparinig. Sobrang sabog pang ng kuya ko ngayon, at ako na naman ang pinagtitripan.

"Kesa naman sayong batugan ka, skate board ng skate board, ano? May kinita ka bang pera? Nagtrabaho ka ba? ni hindi ka nga naghahanap ng matinong trabaho?" Sumbat ko sa kaniya. Magkaharap kasi kami ni kuya habang nasa may gitna naman si Mama. I mean sa may side ng table. I mean, ugh! Nevermind.

"Freya, Xander?! Dinning table, pagkain. Remember?"

"Sorry, 'Ma" sabay na banggit namin kay Mama.

----------------

Actually, hindi ko naman talaga nagagawa pa ang assignment ko e. Tsaka saglit lang naman gawin ang assignment na gagawin ko. And heto ako, nasa kama at nakasandal sa pader, at nilalaro ang app na dinownload ko lang kanina.

Ang cool ng app na ito, kasi parang nakaset talaga siya sa system mo which is sa phone mo. And then, parang may nagtxt sa akin na 'unknown' tas ang sabi niya kailangan ko daw pumunta sa isang condominium unit. Para daw malaman kung sino yung may ari ng cellphone na nakita niya sa isang train station. Nakalagay din kasi sa cellphone yung address, at picture ng itsura ng unit.

Ang kaso nga lang, medyo familiar ang lugar ng unit. I mean parang nakakita na ako ng ganung pinto dito din sa may lugar namin, mga 5-15 minutes kung lalakarin.  Or nagpagkakamalan ko lang? Siguro.

Sabi pa ni 'unknown', tignan ko daw ang paligid ng unit na iyon. Baka sakaling malaman ko kung sino ang may ari nang phone. Ang strange lang dahil bat alam nung 'unknown' yung address? Like normal bang magiwan ng address sa private things mo like your smartphone? Kasi kahit ako, hindi ako magiiwan dun, lile ita-type mo sa notes or reminder or something? Tsaka kung ako sa character na ito, hindi ako makikipagusap sa estranghero, sasabihan pa ako nang, napulot ko lang kasi ito, na kailangan daw maibalik ang cellphone. Nakoo! Kung sino mang 'Unknown' ito! At pag nagkatotoo talaga siya uupakan ko 'to, harap-harapan!

"Freya?" Sh*t. Si Mama.

Nang makarinig ako ng tatlong katok uli mula sa pinto ng kwarto ko, Dali-dali kong itinago sa ilalim ng unan ko ang cellphone ko, at nagkunwaring tulog.

Naramdaman ko naman ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko, pinakiramdaman ko muna si Mama. Saglit lang at nadinig kong may nagclick, at biglang dumilim.

'Sh*t. Pa'no na?' Sa loob-loob ko. Putik.

Naramdaman at nadinig ko naman yung pagkasarado ng  pinto. At tinalikuran ko ang pader, at humarap sa may gawing kaliwa ko.

Creepy. Ang dilim.

Saka ko pinikit ng mariin ang mga mata ko, pagkatapos hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

MYSTIC MESSENGER IS REAL?! (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon