Chapter 12 (Bashful)

61 4 0
                                    


"I'm sorry."



Dumampi sa aking balat ang lamig ng hanging nandirito sa rooftop. Pinakikiramdaman ang mga bagay katulad ng paghuni ng ibon, ang pagaspas ng mga puno dito sa may roof top, ang pagbubusina ng mga sasakyan sa ibaba ng building, at ang bawat paghinga naming dalawa na nandito sa iisang lugar na ito. Pinakikiramdaman ko din na naghihintayan lang kaming magsalita o ano. Kaya kahit nahihiya ako, magsasalita na ako,

"It's ok—" "And sorry—"

See? Nagkakahiyaan pang talaga kami. E, nakakahiya naman kasing ako ang magsalita? Like, duh? Babae ako. Hehe. But anyway, nang matauhan kaming sabay pala kami magsalita, natawa nalang kami. Hanggang sa nilahad niya ang kamay niya sa akin.

"I'm June Hastier. You can call me Director Hastier, or June." Nakangiting sabi niya. Tinignan ko muna siya at nagsalita uli. "Baka kasi sabihin mo na, hindi ako friendly kagaya ng iniisip mo, at kagaya rin ng iniisip ni Secretary Jaen." Saka ko napangiti dahil iyon naman talaga ang iniisip ko sa character niya nung nagkita kami. Inabot ko ang kamay niya at nakipag-shake hands. Baka kasi sabihin niya din na napaka-sungit ko at hindi din ako ganung ka-friendly.

"Freya. Freya McKenzie." Pagpapakilala ko naman.

"Oh! So, si Mrs. McKenzie pala ang nanay mo." Sabi pa niya na parang ngayon niya lang nakilala.

"Well, oo. Napunta lang naman ako dito dahil nagdala ako ng lunch niya."

"I see. " nailang naman siya nung sinabi ko iyon. Siguro nung naalala niya yung ginawa niya kaninang nabunggo ako. Ilan saglit na katahimikan ang nanaig sa paligid. Hindi naman ako makatingin sa kaniya dahil na rin sa nahihiya ako at nakatingin ako sa atmosphere na nandito sa itaas. Sobrang ganda kasi, lalo na kitang kita mo ang mga gusaling nakatayo dito sa syudad. Napatingin naman ako sa gawi niya na katabi ko lang naman siya na parehas naming tinitignan ang atmosphere dito. Nakita ko namang nakatingin siya sa akin kaya naman nagtaka ako.

"Bakit?" Tanung ko. Ngumiti siya sa akin at sinabing,

"Wala naman." at napalingon uli sa pinapanuod naming view. At nagsalita uli, "Hindi kasi ako makapaniwalang nasa harap na kita." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumiti siya sa akin. At nagtaka naman ako sa sarili na bakit may kung anong lumilipad sa loob ng tiyan ko? Kung bakit may kung anong matinding kaba ang naramdaman ko sa dibdib ko.

"Sus! Akala ko naman kung ano." Natawa naman siya ng bahagya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit naman siya natawa. Wala naman kaling nakakatawa sa sinasabi ko. Duh?

"Akala ko, hanggang group chat lang or sa pm lang kita makakausap. Expect ko kasi na, akala ko katulad ka ng mga ibang babae na, maka-chat lang ang iba sa amin, nawiwindang na sila, na hindi ko naman alam kung bakit ganon." Napangiti pa siya. Napansin ko, medyo napakamot siya sa tenga niya. At nagsalita uli.

"Pero, iba ka. Hindi mo hinayaan at ipinakita sa amin ang ganung klase ng babae. Ramdam ko, nang mga ilang araw natin na pakikipag-usap thru chat, ay parang comfortable ka pa na kausap kami." Kailangan ba, talagang tumitig siya ng tumitig sa akin?  Medyo nakaka-ilang tapos nakangiti pa siya nang gano'n?

"Hindi naman kasi ako nakaranas ng madaming kaibigan. Although, meron naman, pero iba kasi ang feeling ko nang makilala ko kayo. Like, nakakatakot but after this few days, pakiramdam ko matagal na matagal ko na kayong kilala." Sabi ko naman habang habang nakatingin sa view dito mula sa taas.

"Anyway, I'm sorry sa inasal ko. Ayaw lang talaga ni papa na makipag-usap ako sa mga bumibisita or sa mga tao dito sa building namin. Sorry kung naging—" naputol ang sasabihin niya dahil alam ko naman yung iduduktong niya doon kaya ako na ang nagtapos ng sasabihin niya.

MYSTIC MESSENGER IS REAL?! (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon