Chapter 11 (Director Hastier)

48 3 1
                                    


"Are you—?"

"Yes. I am."

Nang mapansin niyang nakaalis na ang grupo nito, Hinawakan niya ako sa braso, well hindi naman masakit ang pagkakahawak niya. Hinila niya ako nang mapansing paalis na sana. Ayoko sanang kausapin pa ito dahil medyo nahihiya ako sa nangyare lalo na't ngayon lang kami nakita at sa ganung pangyayari pa.

"Really? Hindi ako makapaniwala." Sabi pa nito. Kinakapa pa niya ang mukha ko, ang katawan ko, ang braso ko saka ako nagulat sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Napangiti nalang ako dahil sa ginawa niyang iyon, at niyakap ko din siya pabalik.

Pinagpag niya ang kanyang damit at tumikhim nang may mga bodyguards pang dumaan. Nastatwa kami nang ilang sandaling iyun at bumalik na kami sa paguusap.

"Anong ginagawa mo dito? What brings you here?"

"Ahh— yeah. Well, hinahanap ko kasi yung nanay ko. Dito kasi siya nagtatrabaho."

"Hmm— I think, I know where she is." Napangiti siya nang mukhang naalala niya siguro ang apelido ko. 'McKenzie'  ang gamit na apelido ko. Well, gamit ko ang apelido ng nanay ko sa pagka-dalaga, and also si kuya. And yes, divorced na sila. Kaya huwag na kayo magtaka kung bakit ganon nalang ang galit ko sa ginawa ng tatay ko.

Anyway! Hindi ito ang tamang oras para mag-emote! As you can see, nakakatuwang nakita at nakasama ko si Secretary Jaen. Actually, Secretary K talaga yon. Pero kahit ano daw ang itawag ko sa kaniya, ay ok lang. nagkakausap naman kami nito through chat and text. Minsan na din kami nagkatawagan, at medyo mataray siya, that time. Pero 'di nagtagal, ay nalaman ko din ang totoo niyang ugali. Madaldal, Maharot, makulit din pero andoon parin ang pagiging mataray niya. Medyo mahinhin na malaki ang boses niya kaya aakalain mong mataray at masungit ito. (Gets nyo? Haha)

"How about June? Hindi ba siya magagalit pagka wala ka sa meeting?"

"Yeah. That meeting." napabuntong-hininga nalang ito at nagsalita muli. Nandito parin kami sa may hallway, at naguusap para malibang at mapuntahan na ang kinaroroonan ng nanay ko.

"Actually, hindi naman ako kailangan sa meeting na iyon. Ako lang naman ang magaasikaso ng mga papers ng mga ka-meeting niya, at aasikasuhin ang powerpoint niya para sa bagong topic or what. Like duh!" Sabi niya habang papasok kami sa isang working area. May mga other rooms sa working area na iyun na mukhang nakaseparate. At napansing huminto na ang kasama ko. Nakita kong binuksan niya ang pinto ng accounting section at itinuro ang pakay ko talaga dito sa lugar na ito.

"Mrs.McKenzie?" Tawag ni Secretary Jaen, kay Mama. Napalingon naman ito sa amin at nang makita ako ay napangiti ito sa akin. Pinapasok naman na ako ni Secretary Jaen. At hinayaan nanag makausap si Mama.

"Papaano mong nakausap ang isang babaeng ubod ng sungit?" Pabulong na tinanung sa akin ni Mama.

"Mamayang pag-uwi nyo nalang po, ang mahalaga makakain na kayo." Ibinigay ko ang lunch box ni Mama at nagpaalam na din. Paglabas ko, nakita kong nakaabang si Secretary Jaen na nakangiti sa akin.

"Kaya pala familiar ang apelido niya. Yun pala, siya pala ang mother mo." Sambit niya habang palabas na kami sa working area. At dinala niya ako sa hindi ko alam na hallway. Actually, hindi ko naman talaga alam ang mga pasikot-sikot dito, kaya wala talaga akong alam.

"San tayo pupunta?" Sabi ko habang pasakay kami sa elevator. Hindi na napansin ang pinindot niyang button kung saang floor kami pupunta dahil nakita ko ang reflection namin sa may pibto bg elevator at nagsara na ito.

"Just trust me." At ngitian niya ako nang napakalupit. Oo. At ang ganda ganda niyang tignan kapag nakangiti. Hindi katulad sa profile picture niya sa chatroom namin, alam mong masungit talaga siya. Hindi ko na din inaasahang naglalakad na pala kami uli sa may hallway pagkaalis namin sa loob ng elevator. Ayon, magkaholding hands lang naman kaming pumunta sa—— rooftop?

"Ito ang secret place ko."

"Na—— hindi na din secret." Tumingin naman siya sa sinabi ko na parang nagtatanong habang bumitaw na ako sa pagkakahawak sa kamay niya at nilibot ng aking mga mata ang kapaligiran. Napaka-peaceful.

"Why?"

"Eh, kasi alam ko na e. Hindi na secret yun." Sabi ko.

Nakarinig naman ako ng isang munting halakhak na nanggaling sa kaniya. Sa kaniya ba talaga galing? Hindi ko mawari na ang isang katulad niya at humahalakhak. Na kung tititigan mo siya, ay aakalain mong wala siyang pinagkakaabalahan kung hindi ang mga paper works na ipinapasa ni Director Hastier sa kaniya or ipaalaga sa kaniya ang pusa nito.

"Why are staring at me, like that?"

"Nothing. Akala ko kasi hindi ka marunong tumawa."

"Anong tingin mo sa akin, robot?"

"Hindi naman. Pero, always wear your precious and that innocent smile huh? Bagay kasi sayo." Sabi ko. Nakita kong namula ang kaniyang pisngi at inasar na

"Kinilig ka, ano?"

"Eh, ano naman? Galing naman sayo." Iyun nauwi sa bolahan ang usapan namin. Natatawa nalang ako pagka sinasabi niyang kinikilig daw siya sa pambobola ko sa kaniya na parang baliw lang siya. Ngayon ko pang na-experience ito. Na nagkaroon uli ako ng kaibigang babae. Alam niyo naman na si Migs lang ang kaibigan ko na ngayon ay may kung anong pader na ang pumapagitna sa amin.

Pero nagkaroon din ako ng mga kaibigan na hindi ko inaakalang makikita ko din sila sa lugar na ito.

"Well,well.."

Napatayo si Secretary Jaen nang may nagsalita mula sa pinto at iniluwa nito ang isang lalaki hahangaan mo. Lalaking hindi mo inaasahang ang baho pala ng ugali. Ewan ko, mula nung hindi niya ako nakilala kanina, at nadagdagan ang badtrip niya dahil sa akin, nainis na ako sa kaniya.

"Hindi ba, sinabi ko na sumunod ka sa meeting, Secretary Keeper?" May bakas na parang naiinis siya dahil sa ginawang hindi pagdalo sa meeting na kanina'y dapat niya talagang puntahan.

"As far as I know, dapat ay nandoon ka kasi kailangan ka kita." Sabi pa nito. Ramdam ko ang tensyo dito sa kanilang dalawa, inaasahang hindi sasabat si Secretary Jaen ngunit nabigla ako sa mga sumusunod na pangyayari.

Umaktong parang hindi mas nakatataas ang kaharap ni Secretary Keeper. Sinikmura niya ito at sinipa ang tuhod nito. Nagulat nalang ako sa ginawa nito na may halong pagkabilib.

"Why did you—" reklamo ni Director Hastier habang nasa sahig ito na kanina'y natumba. Sinipa naman ni Secretary Jaen ang tuhod na kanina niya sinipa na siyang nagpasakit lalo ng nararamdaman ni Director Hastier.

"Ako dapat ang nagtanong niyan, June. Bakit mo ginawa kay Freya yun kanina?" Natigilan siya sa pagrereklamong masakit ang kanyang nataramdaman nang mapagtanto niya na andito pala ako at hindi lang silang dalawa ang nandirito sa roof top.

"What?" Ito nalang ang nasabi niya at sinusubukang tumayo ng maayos at ipinagpag ang kaniyang sarili.

"Alam mo? Pinalagpas ko ang hindi mo pagkakilala sa picture ko na sinend ni Seven sa group chat natin. Pero kung kay Freya? Yung hindi mo siya namukhaan?" Nakangising sisipain niya uli ang tuhod ni Director Hastier nang makatayo na ito uli, nang pigilan ko si Secretary Jaen sa ibinabalak nito.

"Hayaan mo na, Secretary Jaen."pagsusumamong sabi ko.

Ilang saglit na natigil sila sa kakabangayan ng nilamon kami ng katahimikan. Ngunit, sinira ito ni Director Hastier at binanggit ang katagang;

"Pinapatawag ka ni Dad. Pumunta ka sa office niya." Nakatingin ito kay Secretary Jaen. Naintindihan naman niya ito kaya sinabihan niya akong hintayin ko raw siya rito, at ngumiti sa akin habang ito ay nilamon ng pinto.

Nang naglaho na si Secretary Jaen, tanging kami nalang ni Director Hastier ang nandito sa rooftop. At isang malaking awkward, ang mga sandaling ito.

"I'm sorry." Yun nalang ang nasabi niya, habang ako ay hindi maiwasang makipagtitigan sa mga mata niya.

Ang awkward talaga! Ano ba ang pupwedeng ireply?!

MYSTIC MESSENGER IS REAL?! (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon