Ch.2 (Bestfriend)

154 7 1
                                    


"Ok, let's start. Uno,dos,tres."

"A,be,ce,de,e,effe---" sabay sabay naming bigkas habang itinuturo ang bawat alphabet letters ng Spanish ng Teacher namin sa foreign language.

Seriously? Bakit namin kailangan matuto ng Spanish Language? Like, hello?! Pwede namang ituro sa amin yung about English, nang mahasa naman ang pageenglish ko. Magiisang oras na akong nakatitig sa harap ng classroom at nakikita kong nagtuturo ang Spanish Teacher namin roon.

At as usual, medyo puyat kaya sleepy ako dahil kagabi. Di kasi ko makatulog ng walang ilaw. Kaya nung pinatay ni Mama ang lampshade ko sa may study table, hindi ako mapakali.

Gaya nga ng sabi ko, muntikan na akong maging valedictorian. At dahil naging muntik-muntikan ang pagiging honor student ko, back to 4th year highschool ako uli. At ang masaklap, nakasama pa ako sa punyemas na k-12.

Yung imbes na, ipagyayabang ko sa bestfriend kong si Migs na hindi na ako aabutin ng junior high, ng k-12? Nakain ko tuloy ang mga nasabi ko sa kaniya, at! Ang masama pa niyan, kaklase ko siya ngayon. Well, ang girlfriend niya ay nagaaral sa ibang bansa ngayon, which is hindi pabor sa kanilang dalawa dahil ayaw nilang maging LDR. Lalaret.

Kung mahal nila ang isa't isa, kahit maging LDR man sila, magiging matatag parin sila. Halatang mga wala silang tiwala sa isa't isa e. Mga parehas pang nangangaliwa.

May isang beses nga, nakita ko si Migs na may kasamang ibang babae e. Hindi ko actually kilala. Kung pinsan man niya iyon, edi sana kilala ko. Close kasi ang family namin sa isa't isa. Dahil yung mama ko at mama niya, mag-beshy. So iyon. Napagkakamalan nga kami minsan na mag-on or kaya naman magkapatid, minsan naman magpinsan. Kamukha ko na ba siya? Eeew.

Oh? si Bianca naman, kung hindi isa,dalawa o tatlong lalaki ang kasama niya, may katawagan naman at ang babae naman iyon? Sobrang pabebe pagka ganun.

Well, ganun din naman siya kay Migs, kaso pag ibang lalaki, iba e. Iba ang dating! Kaya may isang beses, talagang nagmatapang akong huhulihin ko siya sa akto, at nang mahuli ko naman, kung sino sino minsan ang nakakasamang lalaki. Like, may hhww pa na sobrang korny at ew tignan at duh, hindi sila bagay ng mga lalaking nakakasama niya. Well, para sa mata ko talaga, bagay talaga sila ni Migs.

Sobrang bagay na bagay talaga sila lalo na sa paguugali nila sa pagiging two timer. Gaya nga ng sabi ni Janella Salvador, 'Matchy-matchy!'

Ewan ko ba sa kanila. Pare-parehas na nagpapakatanga sa mga ginagawa.

-------

"Erp, doon muna tayo sa unit ko." Sabi sa akon ni Migs habang nagaayos ako ng gamit sa bag ko sa may proper seat ko dito sa may classroom namin which is sa may last row sa may tabi ng bintana. Ewan ko ba, may nababasa akong mga ganito tas yung mga bida, panay mga nasa tabi palagi ng bintana. Malaglag sana sila.

"Ano na naman binabalak mo?" Pagbibiro ko sa kaniya, alam ko namang hindi niya ako type. Ofcourse! Di kami talo!

"Sus! Di kita type!"

"Sinabi ko bang type mo ko?" Napa- 'tss' naman siya sa sinabi ko.

Tumikhim muna siya at nagsalita uli. "Ibig ko sabihin, laro tayong LOL. May bago akong bili na cd e para sa wii ko."

"Binili o pinabili?" Alam ko namang pinabili na naman niya iyon sa Dad niya. At wala akong tiwala sa kaniya na siya 'daw' ang bumibili ng mga game staffs niya. Like yung wii niya, gadgets, etc.

"Bat ba ang dami mong tanong! Ayaw mo ba o ayaw mo ba?"

"Gusto ko siyempre, tsaka sabado naman bukas. Baka payagan naman ako ni Mama na magsleepover sa unit mo."

Paglabas namin sa school building namin, hiniram naman niya ang cellphone ko para daw itext ang mama niya na baka sa linggo na siya umuwi. Doon na daw siya hanggang monday ra deretso pasok sa school. Binigay ko naman ang phone ko, 'wag pang siya kakong gagalaw ng kahit anong game apps na makikita niya.

"Mystic Messenger?" Sabi pa niya. Nakashortcut pa nga pala yon, hindi ko pa naiseset sa may games folder ko. Napatingin naman ako sa kaniya.

"Ano yan, bagong update ng Messenger sa FB?" Sabi pa niya habang nagtatype ng itetext niya na habang naglalakad na rin, papunta sa may terminal ng mga tricycle. Mga 45 minutes din kasi ang biyahe mula school hanggang condominium. E diba nga sabi ko, 5-15 minutes ang paglalakad kapag ka mula sa bahay namin hanggang sa condominium building nina Migs? Oo nga pala doon sa sinasabi kong condominium bldg, doon din nakatira si Migs sa isa sa mga units ng building na iyon. Naalala ko na naman yung pinto ng unit sa may Mystic Messenger.

"Tanga, Hindi! Tsaka diba sabi mo, makikitxt ka lang? E bat kinalikot mo na ata mga games ko?" Sabay agaw sa kaniya ng phone ko, at ibinulsa na sa may pocket ko sa may palda ko.

"Tss. Nagtatanung lang e?" Sabi niya pa at ang damot ko pa daw. Siya na nga pang ang pinapahiram, nasabihan pa ako ng madamot?

Saka lang namin napansin na nasa terminal na pala kami ng tricycle. Nasabi namin kung saan kami pabyahe, kaya naman pagkasabi namin sa driver, umarangkada na siya.

----------

"Ang tahimik mo yata?" Sabi pa ng kasama ko sa akin. Narealize ko na nasa elevator na pala kami ng condominium na tinutuluyan niya. Malayo kasi talaga ang bahay nila. Mga tatlong syudad ata ang layo, at kailangan pang bumiyahe na sakay sa bus para makarating ka doon.

Dati kasi kapitbahay lang namin sila, pero dahil umaasenso na sila, bumili sila ng lupa roon sa tinitirahan nila ngayon at pinagbenta ang bahay na katabi namin. Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami, kulang nalang magkapalit na kami ng bahay at muntikan na din akong tumira sa kanila noon. Ewan ko ba.

"Ano bang problema? Kanina ka pa tulala. Wala ka ba sa mood maglaro? Sabihan mo lang ako." Sabi nang katabi ko sa akin.

Nagising naman ako sa pagkaday-dreaming ko at sinabing, "Wala! Ok lang ako. Chilax ka lang."

Habang naglalakad kami papunta sa unit ni Migs, dito sa may 10th floor, sakto namang napatingin ako sa isa sa mga pinto dito. Looks familiar? Napatigil ako sa pintong iyon, dahil iyon pang ang walang number na nakalagay sa pinto. Creepy. And Nakaka-curious.

"Migs?" Sabi ko at napatigil sa tapat ng pintong iyon.

"Bakit?" Sabi naman niya.

Tinuro ko ang pinto, napatingin sa kaniya at nagsalita. "Kaninong unit ito?"

Nakita ko naman sa mukha niya, na nagtaka siya. Nagulat siya siguro dahil, ngayon lang niya siguro ako nakita na naging interesado ako sa mga tao o bagay na hindi ko pa kilala o alam.

"Ah, e, wala namang nakatira diyan. Namatay daw may ari ng unit na iyan, at wala paring bumibili diyan after a year and a half ago." Sabi niya.

Napatango naman ako, at itinuloy ang paglalakad papunta sa unit niya. Imbis na matakot ako, e nagtataka ako ngayon.

Parang iba ang kutob ko sa unit na iyon, at a year and a half ago? Saan ko ba nabasa iyon?

MYSTIC MESSENGER IS REAL?! (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon