Ch.4 (The Unknown)

121 3 0
                                    



Nakakatakot pero ang tanga ko lang dahil nagpapaniwala ako sa isang 'unknown' na taong katext ko lang ngayon. At sino bang matinong tao ang magtetext sayo ng dis oras na ng gabi?

--------------
From: Unknown No.
Time: 3:21 am

-are you there? Sorry if I bothered you. Hindi ko naman maihahatid ang phone diyan dahil kakaalis ko lang at magaabroad ako.

-end-
----------

Talaga lang ha? Bakit ba kasi ako nagpapaniwala dito? Bakit ba kasi pinipilit ng utak ko na ang mga nangyayari sa isang Game app, ay totoo? Walang katotohanang magiging tao ang mga characters na nasa game app. Tsaka kung tutuusin, I mean, napakalabo talaga. Mas malabo pa na maging kayo ng crush mo.

Pero ano bang nangyayari sa akin, at parang may pilit na tumutulak sa akin na gawin ko nalang ang inuutos ng 'unknown' na iyon.

Kagaya sa game, ganun din ang pinapagawa sa akin ng 'unknown', na pumunta daw ako sa unit na iyon, at baka may makita daw akong info ng may ari ng phone, or baka yung may ari. At kung minamalas ka nga naman, sa unit pa na may namatay na babae! Na doon ako pinapapunta ng mokong. At sa ginagawa kong ito, alam kong ang creepy na ng atmosphere ko, lalo na alas tres ng madaling araw, pupunta ka sa tapat ng pinto kungsaan may namatay at doon ka pinapapunta ng taong hindi mo naman kakilala na nagtetext pa sayo?

Alam niyo bang iba ang kutob ko dito sa ginagawa ko? At alam niyo ba na hindi ko alam ang susunod na mangyayare, kung ihahalintulad ko man ito sa game?

Sandali nga lang.


Hindi ko pa nayayari ang game!

Kakalikutin ko sana ang game app na dinownload ko pero, nang mahagilap ko na naman ang android na logo sa may home screen ko, naalala ko na nabura ko na nga pala iyon. At papaanong nangyaring bumalik na naman dito sa homescreen ko ang logo na iyon?

Baka virus.

Imposible, kakabili lang sa akon ito ni Mama nung isang linggo.

Pwede rin na virus, kasi kakadownload ko ng game?

Pero, ang Mystic Messenger ko na Game App, wala sa menu ng phone ko. Sa game folder, wala rin.

Nabura ko ba iyon?

Hindi ko pa alam talaga ang nangyari sa game ko sa app na iyon. Ano bang mangyayari sa bidang character pagkapasok niya sa loob ng unit?

Napatingin uli ako sa cellphone ko, at nakita ko na may text galing kay 'unknown'

--------------
From: Unknown No.
Time: 3:35 am

- Are you in? Did you see something suspicious?

-end-
-------------------

Paenglih-english pa. Feeling ko may tutulong dugo mula sa loob ng ilong ko e. Eto na nga ba ang sinasabi ko! Bakit ba kailangan, Spanshi Language ang matutunan namin imbes na matuto pa kami at mabigasa kami sa english. Pang ka nagsubmmit na naman ang student counsil ng suggestion box, isasuggest ko na talaga na ipatanggal ang Foreign language at ibaling English Subject!

MYSTIC MESSENGER IS REAL?! (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon