Ch.7 (The LolololMaster)

80 4 0
                                    


Makalipas ng isang linggo, hindi parin kami nagpapansinan ni Migs. Kaya sa isang linggong iyon, Kahit dumadalaw siya sa bahay ay dedma lang. Pinapasabi ko lang sa nanay ko na masama ang pakiramdam ko kaya ayokong may dumadalaw na kahit sino. Kinausap ako ng nanay ko about sa nangyari sa amin ni Migs. Aba! Pinagsabihan pa ako na sagutin ko na agad-agad. Hindi pa nga nanliligaw e, haler?

Sinabi ko naman sa nanay ko na hanggang doon napang ang feelings ko sa kaniya, na parang kapatid, ka-inuman, ka-bakla, ka-sangga, parang tatay na din, kaibigan, bestfriend. Hindi ko kayang ipilit ang sarili ko na gustuhin siya dahil pilitin ko man tapos bandang huli, e ganun padin? E~! Waley. Diba nga follow your heart? Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo dahil ikaw lang ang makakaalam ng mga gusto mo sa buhay? Iyon lang ang ginagawa ko, tapos sa paningin nang nanay ko parang ang mali ko pa! Bat daw di ko nalang daw tanggapin, at mahalin pabalik? E kasi ano? Dahil yung nanay niya ay bestfriend niya? Tungas niya kamo!

At sa isang linggong din na iyon, ay medyo lumapit na ang loob ko sa RFA members. Panay kong nakaka-pm ang bawat isa sa kanila. Nakuha ko na din ang mga phone numbers nila. At nakilala ko sila ng husto sa loob ng isang linggong iyon. Nalaman ko na allergic si Zenon sa mga pusa, at kinukuha siya leading man sa movie na 'Zorro' . Ang tindi lang daw ng mga action moves. Kaya medyo nagpapractice siyang mag pensing (Not sure sbout the spellings, so I'm sorry) sa ngayon. Si Yuan naman, katulad ko, mahilig sa games. Hindi nga lang katulad niya na mas adik pa kaysa sa akin. At! pinsan niya pala si Rika. Small world. Si June ay tahimik lang, sa tingin ko. Siya kasi ang hindi ko ganoong ka-close sa lima. Si Jaen? Well, ka-vibes ko na siya! Nakakatuwa siyang kausap. Hobby niya ay ang magasikaso ng mga pinapagawa sa kaniya ni June mapa-gawaing opisina man or mapa-gawaing bahay din. Kino-cpntact niya lang si Jaen at maya-maya may taong kakatok sa pinto ng bahay niya at ibibigay lang ang letter or pusa. Sa letter na iyon, nakalagay ang gagawin niya. It's either magpapagawa ng about sa work o kaya naman is aalagaan si Elizabeth the 3rd. Kaya pusa ang nasabi ko. Well, napakamakaluma din siya dahil panay letter, uso magmessage sa smartphone ane? Si Arvin? Madaldal din katulad ni Yuan at Zenon. Hmm... Well para siyang si Kuya. Makulos na parang may pagkamysterious. Madalang lang siyang magreply. Like example, nagtext siya, tas rereply-an ko. Tas next day na niya masasagot. O kaya naman after 5-10hrs. Ganoon na ba siya ka-busy? Well, wala naman masama kung hindi siya magreply, pero ang oa niya sa work niya ha! Curious lang ako.

"Freya, May practice tayo sa Sabado, next week a?"

"Sige, Salamat!" Sigaw ko. Nasa kabilang kanto na kasi ng hallway ang ka-team ko sa volleyball. Well, Yeah. Varsity ako. Ano naman? Joke.

Member din ako sa isang dance troupe sa school. (Hindi naman sa nagmamayabang.) Well, kailangan ko ang dalawang iyon para sa extra culicular ko. Pandagdag ng grades din. Madalang lang kasi magpaattend ng meeting ang dance troupe dahil na rin sa madalang lang magkaprogram or contest dito sa school.

Anyways! Papunta na kasi ako ng canteen, dahil lunch break na. Dito na din ako nagla-lunch sa school dahil ayokong mamasahe or maglakad pauwi. Sayang din yung sampung piso ko. Pambili na rin yun ng zesto or ng coke.

Habang naglalakad, napatingin naman ako sa isa sa mga bulletin board. Actually, kada-floor ng building namin, makikita mo ang mga bulletin boards it's either sa kanan or kaliwa ng hagdan. Sa first floor kasi, nakaharap ang hagdan sa may lobby at ang lobby naman, katapat ang malaking field tas main gate ng school. o kaya naman nasa tapat ng hagdan, pero ang bulletin board na ito, sa may 3rd floor, ay Katapat nitong room ng isa sa mga pangcollege na laboratory. I think, computer lab? Hmm, siguro sinadya talaga. Pa'no ba naman, spoiled ng principal ang namamahala sa computer lab. Si Ma'am Suarez. Pa-bibo minsan daw yon o kaya naman pa-bobo. Well, nadidinig ko lang naman iyon sa mga kaklase ko na minsan nang gumawa ng project sa comp. lab. Pwede naman kaming mga junior high na gumamit sa comp. lab na pangcollege. Dahil siguro sa kakulangan ng onp. Lab at itong comp. lab lang na ito ang meron dito sa building na ito. Napagsasabihan daw sila na ang tamad daw gumawa sa bahay. Bakit daw sa school gagawa ng project? Sasabihan nilang pwede gumawa sa comp. lab ng related sa school tas ganun? Pa-bobo nga! And guys, dapat talaga, nakaseparate kami sa mga college, kaso isa pang pa-bobo ang principal namin. Maganda daw na pagsamahin ang mga junior high at ang college. Da ef!

And then, yun nga. Napatingin ako sa bulletin board na iyon. Nakita kong nakapaskil na about sa parents meeting para s amga college students, yung last 2 months na pa-audition sa dance troupe, at kung ano pa. Pero ang naging center of attraction ko ay ang bagong lagay na computerized na bond paper na may nakalagay na "New Dean's Lister (for college). Tignan mo? Yung sa DL naseparate yung junior high at college hindi? At ang nagtop 1 ay hindi ko kilala. Sa top 2,3,4,5 at 6 ay hindi ko rin kilala. College niya e. Mga familliar din yung mga names nila siguro sa fb? Pero napatingin ako pababa hanggang sa may top 15. Nakita ko ang pangalan ni---

"Aray!" Ayun. Natumba ako. Buti una puwet. Kaso ang sakit din ha? Nakita ko naman ang nakabunggo ko na nakayuko at natumba din. Umakto siya na tumayo, habang ako naman ay nagpapag-pag ng kamay ko.

"I'm so sorry, Miss." Napansin kong inalok niya ang kamay niya. Tinignan ko lang ako kamay niya saka ito tinabig. Umakto ako na kaya ko ang sarili ko at tumayo.

"Minsan kasi, tumingin ka din sa dinadaanan mo. Laki-laki ng hallway, sa may g--" Nanlaki literal ang mata ko. Umurong siguro ang dila ko nang makita ko siya.

Small world.

"Y--yuan?"

-------------------

"Akalain mo, dito ka din pala nagaaral." Grabe kahit papaano, nakaka-starstruck si Yuan!

May katangkaran din siya. Brown hair na akala mo k-pop fanatic siya. Medyo mahinhin kumilos pero ramdam kong lalaki siya. Feeling ko may kasa-kasama akong bata! Cutie.

"Ha--? I'm... Yeah! Hehehe." Ang tanga naman sumagot, Freya. Kahit kailan.

"Please, huwag kang mahiya sa akin o ma-ilang. Sana katulad ka din sa mga messages mo na makulit, mabait at kuwela in personal." Sabi niya nang may ngiti. Hays. Kinakabahan ako. Huminga muna akong malalim at uminom ng zesto. Actually nasa canteen na kami at nakapwesto na sa isang table sa may malapit sa cashier ng canteen. Sabay na din kaming naglunch. Carbonara with garlic bread ang inorder ko while si Yuan naman is honey buddah chip, isang slice ng egg pie, isang sundae, coke at one and a half circle ng pizza. Bale, apat na slice.

"Ok. Sorry kung medyo kinakabahan. Ngayon lang kasi tayo nag-meet, Yuan." Sabi ko nang may ngiti. Nakatingin lang siya sa akin at nagsalita ng may ngite.

"Mas maganda ka pala sa personal lalo na pag ngumingiti."

Aw, ang sweet. Tumawa lang ako ng mahina at sinabing magaling siyang mambola. Ang cute-cute ni Yuan. Ang sarap pisilin ng pisngi. Ang sarap niya din gawing key chain.

Nakiusap siya na magselfie naman daw kami, at isinend niya iyon sa chatroom ng RFA, at ipinost sa fb, pagkatapos naming kumain. Kinausap niya ako kung pwede kaming sabay umuwi, hindi naman ako tumanggi at pumayag naman ako.

MYSTIC MESSENGER IS REAL?! (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon