Chapter 9
-BEA'S-
Psh. First time nag-switch ng POV and luckily, sakin napatapat. Bwahahaha. Anyways, nag-aayos na ako ng sarili ko dahil aalis na ang mahal kong pinsan. Ewan ko ha. Dapat masaya ako kasi aalis na sya pero hindi talaga ako mapakali. Hindi ako masaya eh. Lalo na sa mga narinig ko kahapon.
Nalulungkot ako para sa kanya. Kasi naman, actually, dapat, nung panahon na nagpunta ako sa bahay nila ni Chanyeol, magsosorry na dapat ako sa kanila kasi nagsisisi na talaga ako. Maniwala kayo sakin. Kaso nga lang, kundi nga lang ako may sayad sa utak, napagtripan ko si Chanyeol. Huhu. Sorry na. XD
Hindi ko naman talaga minahal si Chanyeol eh. Kundi lang kay Seung Ji (yung ex ko) kasi sabi nya, hihiwalayan nya ako kung hindi ko pagtitripan si Chanyeol. Hindi ko naman aakalaing mahuhulog talaga ng tuluyan si Chanyeol at hanggang ngayon ay meron parin pala. Lakas ng alindog ko. Hahahaha.
Nung panahon na nasa kanila ako, sabi ko nga, magsosorry ako kaso nga lang, kung ano-anong sinabi sakin nitong luka-luka kong pinsan. Nainis tuloy ako sa kanya kaya kung ano ding nasabi ko. Pero nung narinig ko yung usapan nila ni Chanyeol at kung pano sila magyakapan, hindi ko naiwasan yung sarili kong mapangiti. Eh nakakatuwa kasi sila eh. Manhid pareho. Susko.
In the end, hindi ako nakapag-sorry. Nawala na yung momentum kong mag-sorry. Kagabi naman, ayokong mag-sorry kasi makiki-iyak din ako sa kanya. Tamang pagtripan ko muna sya at kay Chanyeol muna ako magso-sorry. O sya, babay na. Ihahatid ko pa si Zyleighn sa airport. Babay. :P
-ZYLEIGHN'S-
It's my last day here in Korea. Di ko alam kung babalik pa ako o dun ko na ipagpapatuloy sa Pilipinas ang studies ko. I don't know what will happen.
Pinadala ko nalang yung gamit ko dito sa bahay nina Bea kahit nakakahiya. Ako nalang at yung driver ko ang pupunta ng airport. Ayoko muna makakita ng tao.
Papalabas na sana ako ng bahay nila Bea kasi 7am ang flight ko nang biglang lumabas ang gaga.
"Hoy, bitch." - wow. Ang aga ha!
"Good morning din. Nag-abala ka pang gumising. Matulog ka na ulit. Alam ko namang tuwang-tuwa ka at aalis na ako. Bye."
"Luka luka ka talagang masokista ka ano?! Sa tingin mo worth yung pag gising ko ng maaga para lang matulog ulit ako? Letse. Nagising ako dahil ang ingay mo maligo. Badtrip. Sasama na ako sayo tutal di na rin ako makakatulog."
"Awtsu. If I know, gusto mo lang talaga ako ihatid. Ayieee"
"Ihatid? Ihatid mo mukha mo."
"Fine fine. Whatever you say. Kung sasama ka sakin, tara na. Baka maiwan pa ako ng eroplano." - sumakay na kami sa sasakyan ko tapos nagdrive na papunta sa Incheon.
"Hoy bitch!"
"Bakit, bitch?" - sabi ko with a smile.
"Diba broken hearted ka?"
"Oo?"
"Eh bakit nakakatawa ka pa at hindi ka na naiyak?"
"Natutunan ko yun sa kanya. Hindi daw dapat iniiyakan yung mga ganun na bagay. At saka kung iiyak, isang beses lang. Once is enough. Nakakapagod din umiyak. Teka, HINDI AKO BROKEN HEARTED!"
"Bahala ka sa buhay mo. Andaming alam, in denial naman." - sabay irap. Napakataray netong babaeng to. -_____-
After ilang hours, nakarating na rin kami sa Incheon airport. Medyo maaga pa kaya naghintay lang muna ako dito. Naka-upo ako at nagsa-soundtrip katabi si Bea. Di daw kasi muna aalis yung driver ko hanggat di pa ako nakakasakay sa eroplano kaya malamang, dito muna si Bea.
BINABASA MO ANG
My Crazy Idol Husband
FanfictionE.X.O He's crazy. He's autistic. He's my husband. Why?! If I'm just dreaming, will someone wake me up? Please! No, I'm just kidding If I'm just dreaming, I'll PROBABLY kill whoever wakes me up. Why? I'm the luckiest person to have this crazy autisti...