12

126 4 0
                                    

Chapter 12

 

"ATE ZY! Tara sa mall! Tara sa mall! Beauty treatment day ko ngayon."

 

"Ha? Bakit mo pa ako isasama? May date pa kami ni---"

 

"ATE! BUMANGON KA NA KAYA! Gising naaaa!" - napa-upo ako bigla. Susko. Naalimpungatan pa ako sa babaeng to.

 

"Fine. Liligo lang ako. Labas ka na." - sabi ko habang pikit parin yung mata ko.

 

"Yeheeeet! Bilisan mo ate haa?" - tapos lumabas na sya. Pumasok na ako sa bathroom kahit pikit parin yung mga mata ko.

 

Binuksan ko yung shower tapos yung cold. And there. Dun lang nagising yung diwa ko. Nagbabad muna ako sa tub for 30 minutes.

 

After an hour, natapos ako sa paliligo. God, ang bilis nun ah. Tapos summer pa. Tss. Ayoko kasing paghintayin si Nathalia eh. -_- mabait kasi ako.

 

Pumasok na ako sa walk-in closet. Kinuha ko yung isang high waist denim shorts tapos loose sando na may black and white wolf design and then heels.

 

Binlower ko yung buhok ko saka ko ipinuyod ng messy bun dahil mainit. After an hour, natapos din ako mag-ayos.

 

Bumaba na ako sa baba malamang tapos nakita ko dun na tulog si Nathalia sa hita ni Nathan habang si Nathan ay bored na bored na nanonood ng tv tapos nilalaro yung buhok ng kapatid. Ang cute nilang tingnan. Magkamukhang magkamukha kasi. -_-

 

"Nathalia, let's go!" - I shouted at her. Tumayo naman agad ito.

 

"Antagal mo naman ate! Two hours ako naghintay! Look, 1 pm na!" - wow. Haha.

 

"Binilisan ko na kaya maligo. One hour na nga lang ako naligo eh."

 

"ONE HOUR, MABILIS NA YUN?" - kambal nga sila.

 

"So, dapat sabay talaga?"

 

 

"Aish. Tara na nga ate. Sama ka Nathan?" - nag-iba yung mukha ni Nathan. Parang nandidiri na natatae na ewan.

 

"Seriously? @_@"

 

"Joke lang. Haha. Dyan ka na. Babay!" - lumabas na kami ng bahay tapos hinanap ko ang baby ko.

 

"Ah, Tyler!" - tawag ko dun sa butler.

 

"yes, Zy?"

 

"Where's my baby?" - tumango nalang sya dahil mukhang alam na naman nya yun.

 

After ilang seconds, dumating na ang aking $1,350,000 Red LaFerrari. 

 

"Oh my god. Ate! That's your baby? Waaah. Papasakayin mo ako dyan? Jinjjaaaa?"

My Crazy Idol HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon