First meeting

23.5K 352 4
                                    

Chapter 1

Limang taong gulang palang ako noong nakilala ko sya. Ang batang iyon mukha syang anghel at napakabait nya sa lahat ng mga batang kalaro nya lalong-lalo na sa akin kambal na si Emerald.

Sya lang naman si Gabriel Damien Arcussa.

Pangalan palang anghel na ang datingan, at sya rin naman ang bestfriend ng spoiled brat kong kambal.

Bakit ko nasabi yun, well totoo naman dahil lahat ng gusto nya nakukuha nya at binibigay din yun ng parents namin, wala naman akong tutol dun dahil ibinibigay din nila ang dapat na para sakin at sapat na iyon.

Kaya nga lang ay parang mas lamang sya dahil sa kanyang character o ugali, masyado kasi syan bubbly at ako nasa tabi lang, kung titignan ang bawat kilos at galaw nya masyado syang masiyahin that she could light the whole room ika nga nila.

We're really opposite kaya nga siguro lagi akong na bu-bully lalong-lalo na ni Damien ang mukhang anghel na bata na yun.

"Emerald para sayo pala to" ika ni Damien at inabot ang isang plastic na punong-puno ng candies.

"Thank you Gabriel you're so nice talaga" at ngitian sya nito ng napakatamis. ngumiti rin sya dito at hinimas-himas ang buhok nito.

"Sige Gabriel una nako ha!" paalam nya rito "Sige laro uli tayo bukas ha!" tumango-tango naman sya na papalapit sa direksyon ko.

Nakaramdam ako ng inggit sa akin kapatid noon, sa unang pagkakataon... nakatayo ako sa sidewalk ng park habang pinagmamasdan sila.

So, something came up to me and I did the an expected... inagaw ko lang naman yung bag ng candies na masayang hawak nito, na sya namang ikinaiyak nya ng malakas at agad naman syang dinaluhan ni Damien at ikinagulat ang presensya ko.

Siguro ay nagtataka sya sa nakikita nya.

"Emerald sino sya?" O_O na nakatitig samin dalawa na naguguluhan. Patuloy parin ang pagiyak nito at hindi nagsasalita.

Laking gulat ko ng ginawa nyaa ng sumunod... itinulak nya ko at inagaw muli ang bag of candies na binigay nya rito at pinatahan ito.

Na sya namang labis kong ikinainggit.

This is really the unang beses na nainggit ako sa kapatid ko.

"Subukan mong paiyakin syan muli at malalagot ka saken"

Ito na ang simula ng akin kalbaryo mula rito.

The devil in disguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon