The Chosen Chapter Twenty Six

140 3 1
                                    

Huminga si Gie ng malalim at nagbilang hanggang sampu upang pakalmahin ang sarili.

Pilit niya isinisiksik sa kanyang isipan na kinakailangan tulungan ang bata kaysa

kaysa

Patayin ito dahil lang sa dugo nito .

Kailanman hindi niya ninais na pumatay at lalo na ang paginom ng dugo! Nakakadiri iyon!

Pero ngayon ibang iba na. Ngayon napakatalas na ng amoy niya at paningin niya na tipong naririnig niya ang tibok ng puso nito, nakikita niya ang pagpitik ng ugat nito sa leeg kahit napakalayo niya dito at naaamoy niya ang mahalimuyak ng dugo nito.

Napakabango nito at alam niya sariwang sariwa dahil bata pa ito. Pero hindi! Minsan din siya naging tao at isa pa ay bata pa ito.

Umupo siya, nahihirapan siya pigilan ang sarili.

"Gie tao ka din, hindi mo siya pwede patayin. Tao ka din Gie, please, bumalik ka na sa normal..."

Paulit ulit niyang sinabi iyon sa sarili.

Ngunit hindi din nakatulong dahil naramdaman niyang kumilos ang bata. Dinig na dinig niya ang malakas na tibok ng puso nito. Sa wari niya ay kinakabahan ito.

Bakit kaya?

Bigla niya na lamang naramdaman ang isang hayop,mabangis ito.

Napamulat siya,malapit lang ang mabangis na hayop sa bata at mukhang tintiktikan nito ang bata.

Hindi puwede! Kailangan niya iligtas ito.

Kaagad siyang tumayo.

At bigla nang tumakbo ang hayop palapit sa bata.

Kaagad siyang kumilos at sa isang iglap ay nahawakan ang malaking tigre pala sa leeg nito.

Naamoy niya ang dugo nito.

At hindi niya na nagawang pigilan ang sarili. Kinagat niya ito sa leeg at ininum ang dugo nito....

"May tao po ba diyan?" sabi ng bata sa di kalayuan. Nanginginig ang boses nito. Inulit muli nito ang tanong.

Napamulat siya...

Bigla siyang natauhan, inihagis niya ang tuyong tigre.

Hindi siya makapaniwala na magagawa niya iyon!

Pinahid niya ang mukha niya.

Puro dugo ito.

Napasalampak siya sa lupa.

Gulat pa rin siya sa nagawa niya mabuti na lamang at hindi ito nakita ng bata at mabuti na lamang hindi niya nagawang saktan ang bata.

Ramdam niya na busog na siya. Sa laki ba naman ng tigreng ito hindi pa ba siya mabubusog?

"May tao po ba diyan?Please tulungan niyo po ako..." umiiyak na sabi nito.

Tao? Napaisip siya.. Kalahating tao pala siya pero ngayon ang tingin niya sa sarili ay halimaw.

Bigla niyang naalala ang sinabi ni Ceiv bago sila magkahiwalay.

Layunin ng isang itinakda ang pulbusin kaming mga bampira upang protektahan ang mga tao laban sa 

amin.

Talaga bang layunin niya iyon? Parang ngayon pa lang ay nagdududa na siya sa sarili. Kung siya ang itinakda, bakit parang wala naman siya pinagkaiba sa mga bampira, bakit nagagawa niyang manakit ng iba? Tunay bang itinakda siya o isa siyang sumpa?

The Chosen(COMPLETE!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon