The Chosen Chapter Nine

426 4 0
                                    

CHAPTER NINE

NAGISING si Gie sa sobrang hilakbot sa napanaginipan. Hingal na hingal siya at pawisan. Mabilis din ang tibok ng kanyang puso. Kailangan niya ng tubig dahil sa panunuyo ng kanyang lalamunan. Kakaiba ang panaginip na iyon at kahit gising na siya sariwa pa rin sa alaala niya ang bangungot na iyon. Mas masahol pa nga yata sa bangungot.

“Gie, anak gising ka na ba? Maghapunan ka na kaya bumangon ka na diyan,” ang kanyang ina ang nagsalita habang kumakatok. Hindi siya makapagsalita dahil sa sobrang panunuyo ng kanyang lalamunan.

Hapunan?

Doon niya lang napansin na gabi na pala. Wala pa naman ilaw sa kanyang kwarto kaya malayang nakakagawa ng imahe ang kanyang isip. Imahe ng mga bampira. Muling kumatok ang kanyang ina kaya sa sobrang takot ay tumakbo siya palapit sa pintuan at binuksan iyon. Niyakap niya ang  kanyang ina. Nagulat naman ito sa ginawa niya.

“Bakit anak may problema ba ha? Ano bang nangyayari sa iyo?” pag-aalala ng kanyang ina. Alam niyang madaling mataranta ang kanyang ina ngunit hindi niya napigilan ang umiyak kaya para tuloy siyang bata.

“O bakit ka umiiyak ha? Ano ba nangyayari sa iyo. Sus maryusep kang bata ka. Ano ba kasi nangyayari sa iyo. Magsalita ka nga Gie!”

Sumigok muna siya bago nagsalita. “Ma totoo po ba ang mga bampira? T-totoo po ba sila? Nandito po ba sila?” wala sa sarili niyang naitanong. Hanggang ngayon kasi natatandaan niya pa rin ang mga imahe ng bampirang nabuo sa kanyang isipan.

Nagtaka siya kung bakit kumalma ang aura ng kanyang ina na dapat ay magalit sa kalokohang naisip niya o humalakhak. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha ng kanyang ina, parang tuloy hindi niya ito kilala.

“Sige na bumaba na tayo at nang makakain na,” utos nito at nagpatiuna na. Nais niya man ito tanungin ay hindi maari, baka ilusyon niya lang lahat. Tinapik niya ang kanyang mukha para makasigurong gising siya at gising nga siya. Umiling na lang siya para bumalik sa huwisyo.

Pagbaba niya ay nakita niya si Eliza na kausap ang kanyang ina sa may sala. Seryoso ang ekspresyon ng mga ito. Napaisip siya kung kailan naging close ng mama niya si Ate Eliza kung titingnan mo kasi ay parang magkakilalang magkakilala ang dalawa.

Mayamaya ay nadako ang tingin ni Eliza sa kanya. Bakas dito ang pagkagulat. Lumingon din ang kanyang ina ngunit saglitan lang iyon at nagpaalam na kay ate Eliza.

Ano bang nangyayari? Bakit bang ang daming nangyayaring kawirduhan sa akin?

Nang mailapag nito ang dalang kopita ay humakbang ito palapit sa kanya. Tinititigan siya nito sa mata. Habang lumalapit ito sa kanya ay nagkakaroon ng imahe ng bampira dito. Nanghilakbot siya sabayan pa ng mga tinig na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Mayamaya ay rumehistro sa kanyang isipan ang pinanggalingan ng mga tinig na iyon. Sa panunumbalik ng mga alaala ay nasagot ang mga katanungan niya. Simula ng mahimatay siya kasama ang mga kaibigan hanggang sa kanyang bangungot.

“Gie? Are you all right?” untag sa kanya ni Eliza.

Luminaw sa mga mata niya ang magandang mukha ni Eliza. Napanganga siya dito.

“Bakit Gie? May problema ba?” tanong nito at hinaplos ang kanyang buhok. Binawi niya ang tingin dito at muling nagsalita.

“S-sino ba talaga kayo? A-ano bang kailangan ninyo sa akin?” naguguluhan na talaga siya. Bakit nagpapakita sa kanya ang mga….mga….

“Gie,” bigkas nito ng pangalan niya sa mahinahong boses. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. “Gusto mo ba malaman ang lahat Gie?” kapagkuwan ay tanong nito.

Tumango siya. Batid niyang kinakabahan siya sa mga isusuwalat nito ngunit tinibayan niya ang kanyang loob. Sunod-sunod siyang lumunok. Humugot naman ito ng hininga.

“Totoo ang mga nakikita mo at napapanaginipan mo,” pagsisimula nito. “Mga bampira kami Gie at habang nabubuhay ang itinakda ay hindi rin matatapos ang aming buhay at ikaw ang itinakda Gie.

“Alam ko napanaginipan mo rin ang tungkol kay Josepina at Antonio, sila ang mga ninuno natin. Si Josepina ang ginawang itinakda ni Antonio dahil sa nais na magpatuloy pa ang buhay ng babae. At nanggaling kayo kay Josepina. Ang dugo ni Josepina ang nanalaytay sa iyong ugat, dugo ng isang itinakda at hangga’t hindi nagagamit ng tinakda ang kanyang kakayahan ay patuloy na maipapasa ito sa susunod na henerasyon.

“Ang itinakda ang magiging susi sa hinahangad na kapangyarihan ng mga bampira kaya sa oras na makuha ka ng angkan ni Redel maari nila gamitin sa masama ang iyong kakayahan ngunit bago nila makamit ang hinahangad, huwag naman sana mangyari ay kailangan ibuwis mo ang iyong buhay.

“Isang ritual ang gagawin upang maipasa ang dugo ni Josepina sa kanila hanggang sa maubos ito sa iyong katawan. Hindi ko alam  kung anong klaseng ritual iyon ang tanging may alam lang ay ang lubos na pinagkatiwalaan ni Antonio si Rafaelo. Isa rin itong Pureblood na nanggaling sa Alemanya. Isa itong tapat na tauhan ni Antonio at hindi nga nagkamali si Antonio. Bago mapatay ng grupo ni Vincelido- anak ni Redel, si Rafaelo ay naipamana niya na sa kanyang anak na si Eden ito at si Eden ang lolo namin ni Ceiv, sa kasawiang palad ay hindi nagkaroon ng anak si Eden kaya ipinasa nito sa pamangkin niya at iyon ang aming ama.

“Sa ngayon ang aking ama ang tanging nakakaalam ng ritual at alam ko ay ipapasa nito ang kaalaman kay Ceiv. Kailangan kang protektahan ni Ceiv laban sa grupo ni Vincelido kaya hangga’t maari ay huwag kang lalayo sa amin. Kung may katanungan ka pa mababasa mo ang mga nakaraan sa diary ni Antonio. Nasa silid-aklatan iyon. At sa ilalim ng altar ay isang baul kung saan nakahimlay ang diary at abo ni Antonio,” pagtatapos nito.

Tila napakarami pa ang hindi niya alam. Isa lang siyang ordinaryong babae ngunit napakalaki pala ng responsibilidad ang kanyang haharapin. Natuwa siya sa isiping para siyang babasagin na Kristal na kailangan lubusan na pagingatan.

“Sige mauna na ako sa iyo,” wika nito sabay napabuntong hininga na tila nabunutan ng tinik. Tumango lang siya. Speechless siya sa kwento nito. Biglang may pumasok sa utak niya.

Eh kung bampira si Ate Eliza ibig sabihin Bampira si Ceiv! Oh no pero hindi siya ang protector ko, siya ang hero ko! Oh my God!

But wait, siguro kaya pala lumapit sa akin at pinakisamahan ako ay dahil…..dahil ako ang itinakda. Siguro kung hindi ako ang itinakda maaaring hindi ako pansinin ni Ceiv. Wala akong halaga kay Ceiv.

Napaiyak siya sa naisip. Oo nga marahil na hindi siya pansinin ni Ceiv kung hindi siya ang itinakda pero salamat kay Josepina at naging itinakda siya. Ngunit hindi! Nalalagay sa piligro ang kanyang buhay at si Ceiv lang ang makakapagligtas sa kanya ngunit dahil iyon sa  tungkulin nito. Sinadyang mapalapit ito sa kanya upang bantayan siya at hindi dahil mahal siya nito. Mahal niya ito, oo inaamin niyang mahal na mahal niya ito hindi niya alam kung kailan nagsimula basta mahal niya ito. Nakakalungkot lang dahil pagproprotekta lang nito ang makukuha niya dito. Pero oo nga sino ba naman siya, itinakda lang siya at hindi kasintahan nito kaya wala siyang karapatan upang pilitin na mahalin nito.

Naputol ang kanyang malalim na pagiisip nang may lalaking huminto sa harap niya. Tumikhim ito.

“Parang ang lalim ng iniisip natin ah,” puna nito. Nakangisi ito na lalong nagpapaguwapo sa mukha nito.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa malamig na tono. Ayaw niyang ipaalam dito ang pinagdadaanan niya. Inamin niyang mahal niya ito ngunit ayaw niyang ipagsiksikan ang sarili dito. Tila napansin naman nito na wala siya sa modo.

“Okay. Nagpunta ako dito para kamustahin ka. Alam ko kasi naiinip ka kapag nandito ka lang pero kung ayaw mo muna ako Makita hindi kita pipilitin.” Pagkasabi niyon ay umalis na ito. Hinabol niya ito ng tingin.

Ayos lang Ceiv. Hindi mo na kailangan magpanggap pa, tanggap ko naman ang katotohanan kahit masakit. Muling tumulo ang kanyang mga luha.

The Chosen(COMPLETE!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon