The Chosen Chapter Five

534 6 2
                                    

CHAPTER FIVE

NAGISING si Gie sa malakas na tunog ng kanyang cellphone. Nais pa niya sana matulog nang mapansin niyang iba ang desenyo ng kwarto niya o mas tama na sa ibang kwarto siya natulog. Kaagad siya bumalikwas at bumuluga sa kanya ang napakalaking kwarto kanyang kinaroroonan. Napatili siya nang bumukas ang pintuan at naghanap ng panangga. Naisip niya ang unan kaya pinagbabato niya ito sa kung sinuman ang nagsamantala sa kanya.

“Wait Gie!Teka!Si Ceiv to’,”wika nito nang hindi malaman kung paano makaiwas sa dami ng unan kanyang pinagbabato. Natigilan siya nang marinig niya ang pangalang Ceiv.

“Gie ako ito si Ceiv. Huminahon ka lang please,” saad nito at lumapit sa kanya.

“P-pasensya na akala ko kung sino eh. Sorry talaga masyado lang akong paranoid,” depensa niya. Nanukot ang noo niya sa pagtataka na kung ano ang ginagawa ni Ceiv sa Palawan. Sinundan ba siya nito pero masyado naman siyang feelingera baka nagkataon lang na ditto din ito nagbakasyon. Itatanong niya sana iyon nang haplusin nito ang kanyang mukha.

“Are you okay?” tanong nito. Bakas dito ang pag-aalala. Tumango siya.

“Teka, bakit pala ako nandito at anong ginagawa mo ditto sa Palawan? Sinundan mo ba ako?” huli na para bawiin niya ang huling sinabi. Napangiti ito.

“Oo sinundan kita para Makita ka palagi. Nami-miss na kasi kita,”

“Bola! Bakit nga kasi ako nandito?”

“Wala kang naalala,”mahinang sabi nito ngunit narinig pa rin niya ito.

“Kung may naalala ako magtatanong pa ba ako?”

  “P-pasensya na. Sige na kumain na tayo bago kita ihatid,”

“T-thank you,” wika niya sabay nagpatiuna palabas.

Nagtataka pa rin siya kung bakit napunta siya sa bahay bakasyunan nila Ceiv. Ano nga ba ang nangyari kagabi at wala siyang naaalala? Ang alam niya lang ay kinuhanan niya ng litrato ang palubog na araw at may narinig siyang sigaw at….. Oh shit! What the hell is that imagination!. Halos mabitawan niya ang kutsara dahil sa mga kanyang pinagiisip. Hindi man iyon malinaw pero parang totoong totoo ang mga pangyayari.

“Gie gusto mo ng dessert?” untag sa kanya ng mama ni Ceiv na si Tita Amanda. Sumabay kasi sa kanila ito mag-breakfast. Napakagandang babae ito tila hindi kumukupas kailanman kahit turning to fifty na ito.

“Ah sige po. Salamat po,”

“Good. Manang pakilabas po diyan ng fruity caramel flan,” aniya sa matanda.

Napakasarap talaga gumawa ng dessert si Tita Amanda kahit tingnan mo lang ay nakakatakam na. In-enjoy niya ang pagkain niyon kaya hindi niya namalayan na namantsahan na niya ang kanyang damit. Nakakahiya at si Ceiv pa ang nakapansin niyon.

“Mabuti pa magpalit ka ija. Puti pa naman ang suot mo. May mga damit naman akong kakasya sa iyo,” aniya ni Tita Amanda. Noon niya lang napansin na dirty white na ang damit niya. Bakit pa kasi niya naisipan magsuot ng puti.

Tinapos niya lang ang pagkain at iginiya na siya ni manang Rosa papuntang shower room. Napakayaman talaga ng pamilya ni Ceiv dahil mistulang hotel ang kanyang pinasukan. Airconed ang buong bahay nito at napakalaki ng hallway. Kung hindi siya sumusunod kay manang Rosa kanina pa siyang naligaw.

Matapos ang mahabang lakad sa hallway ay napuntahan na rin nila ang shower room.  Pumasok siya doon at kumuha ng tuping tuwalya sa may drawer. Talagang handa ito para sa mga bisita. Nakakamangha ang interior design niyon. Napakalaki at napakaganda. Made of glass ang shower room. May painting din doon kaharap ng napakalaking salamin na nasa baba ay bathtub.

The Chosen(COMPLETE!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon