The Chosen

196 4 1
                                    

Epilogue

NAPABANGON si Gie mula sa lap ni Ceiv dahil sa sinabi nito.

"Ibig sabihin, habang buhay na nila makakalimutan ang lahat ng nangyari?Pero bakit tayo, hindi natin nakalimutan?" tanong niya dito.

"Dahil sayo Gie, ikaw ang may gawa nito. Siguro hindi mo lang namalayan pero hiniling mo na maging normal ang lahat, na walang bampira... Hindi ko alam kung paano mo nagawa iyon, pero nagawa mo talaga tanggalin ang sumpang ito. Kaya ngayon, mga normal na tao na tayo..."

"Hindi ko alam, ang huli ko lang naalala ay nakita ko si tatay pero may sinabi siya sa akin. Na magiging panaginip na lang ang lahat.. Siguro nga, baka hiniling ko na maging normal na ang lahat. Kaya ba bumalik tayo sa petsang ito?"

Tumango ito. "Nagawa mo ng patayin si Vincelido, wala na sila. Kaya naging payapa na. Bago pala magdilim din ang paningin ko nakakita ako ng ilaw, napakalawak na ilaw na iyon pero parang may enerhiya. At ang enerhiya na iyon ang nagpabuhay sa mga namatay na inosenteng tao at mga mabuting bampira.."

"Ibig sabihin..."

"Oo, buhay si Tito Christopher..." sabay ngumiti si Ceiv.

Niyakap niya ito sa sobrang tuwa. " Hindi ko akalain. Diyos ko salamat talaga ng maraming marami!" napaiyak na siya.

umlis na siya sa oagkakayakap.

"Siguro, mabuti na nga lang ang ganito, di bale na hindi nila maalala basta ang mahalaga ay mamumuhay tayo ng normal, at makakasama kita nang wala nang hadlang..."

Hinimas nito ang mukha niya." Ako din Gie, sobra akong natutuwa na makita ka muli..." ngiting ngiti nitong sabi.

Pero may bigla siyang naalala...

"Teka! Bakit ngayon ka nga lang pala nagpakita ha?!"

Napakamot naman ito sa ulo.

"Eh kasi ang gusto ko ay isurprise ka, magpapakita lang ako sa birthday mo.."

Nagpantig ang tenga niya. "Ah ganon? magpapakita ka lang sa birthday ko?Sana tinuloy mo na hindi magpakita!Hiyang hiya naman kasi ako eh!Hindi mo man lang inisip ang nararamdaman ko!Alam mo ba for all this months ikaw lang... Ikaw lang ang iniisip at iniiyakan ko!"

Pero tumatawa lang ang loko. Kaya binatukan niya at hindi pa siya nakuntento pinagsusuntok niya ito pero katulad pa rin ng dati, siya pa rin ang nasasaktan!

"Hay nako!Bato ka pa rin! Kainis!!"

"W-Wait Gie, ang totoo kasi talaga, kinakabahan ako na baka isa ka rin na walang naaalala, na baka nakalimutan mo na ang tungkol sa atin at suaungitan mo nanaman ako, but thank you dahil hindi mo kinalimutan..." ngayon ay seryoso na ang mokong.

" Ganoon ba? Pero hindi iyon excuse, iniwanan mo pa rin ako sa ere. Kung alam mo lang talaga kung gaano ako nakokonsensya sa mga pinaggagawa ko sayo..."

"Hindi Gie, araw araw binantayan kita hanggang nga sa pagtulog mo, nasanay na kasi ako sa mga ginagawa ko noong bampira pa ako..."

Kaya napatitig siya sa mukha nito nang husto, "Kaya ba ganyan na kalaki ang eyebags mo?Saka nakikita mo ba ako kung gaano ako naghirap ang kalooban ko ng wala ka?"

"Oo naman, hindi nga lang kita malapitan noon kasi nga kinakabahan ako, hindi ko akalain na miss na miss mo pala ako.." at ngumiti ng nakakaloko..

"Tse! baduy mo.." nasabi niya na lang.

Pero nagulat siya ng hinapit siya nito sa bewang palapit dito.

"H-hoy!!"

"Pero mas miss na miss kita... Mahal na mahal kita Gie.. Ang pagmamahal ko sayo ang hinding hindi ko makakalimutan..." at inilapit nito ang mukha nito sa kanya.

Tumulo nanamam tuloy ang kanyang luha. "Im so sorry Ceiv, sa lahat lahat ng ginawa ko sayo pero heto, nasa tabi pa rin kita at hindi mo ako iniwanan...Mahal na mahal din kita Ceiv, wala ito kapantay!" at ngumiti siya.

Inilapit niya din ang kanyang mukha...

They are about to kiss

When...

" Ayieeeeee!!!" napalingon sila sa mga humiyaw.

At nanlaki ang mga mata niya. Tae!Pinipicturan pa pala sila.

Napalingon siya kay Ceiv, ngiting ngiti pa ang loko at kumakaway pa. Munatanga lang.

Hayy... panira naman eh...

"Oh ngiti ngiti din pag may time!" sigaw ni Lyn.

"Oh pose naman diyan! Sayang picture hahahah...." segunda ni Rain.

" Oo nga dali kiss na kayo!!" sabat naman ni Cess...

At ayun, nagkagulo na silang lahat. L

Lahat as in lahat!Pati magulang niya maliban sa Papa niya dahil for sure nagiinum nanaman iyon!

At..

"KISS KISS KISS KISS!" sigaw nilang lahat. Tae, ano to baginh kasal lang ang peg?

Napahuhot hininga naman siya nang maramdaman niya ang hininga ni Ceiv sa lewg niya.

"Ano babe?"

"Ano ka!" pero wrong move ang paglingon niya dito dahil sobra na ang lapit sa mukha niya. Magkadikit na nga ilong nila eh.

Hayy.. sige na PDA NA KUNG PDA!

AND

THEY FINALLY KISS

AND KISS

AND KISS PA MORE!

--

Okay, tapos na ang kwentong to hehe... pasensya na kung hindi konnabigyan ng matinong ending... aayusin ko nalang pag may tym hahah.. and expect sa mga dagdag.

pasensya na rin kung puro typo error kasi tab lang gamit eh at sa wrong grammar ko sa ENGLISH!! hahah ayan ang epekto kapag nanonood ng anime tas wrong grammar ang translate pero expect na aayusin ko din yun,,, pag may time!

Okau, isang magarbong palakpak namam diyan! hahah... at least may natapos na din akong kwento. sa daming kwento sumisiksik sa utak ko, nalilito na ako sa plot ng story eh kaya ganyan.

bawi nlng sa sunod ko pang story..

Again, thank you thank you po talaga sa mga nagtyagang magbasa nito kahit alam kong walang kwenta haha... so proud of you sa nagbasa...

Un lang po, thank u very much po... XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Chosen(COMPLETE!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon