The Chosen Chapter Three

722 6 2
                                    

CHAPTER THREE

“OH darling, how are you?” tanong ni Eliza sa kanya. Nginitian niya  ito. Maganda pa rin ito sa suot nitong black and white dress.

“Ok lang, ikaw? Happy birthday nga pala,” nakipagbeso siya rito.

“Oh thank you. Buti na lang at naka-attend ka akala ko hindi ka papayag dahil escort mo ngayon si Ceiv,”

“Ano ka ba, hindi naman ako papayag na hindi makadalo. Ito ang pinakamahalagang  birthday mo,”

“Oh thank you. Anong school sa college ang papasukan mo at accountancy pa rin ba ang kukunin mo?”

“Sa UPLB, Oo accountancy pa rin ang kaso gusto ni papa mag-flight attendant daw ako para makapangasawa ako ng piloto,” biro niya dito ngunit totoo. Sinabi ito ng kanyang papa na di malaman kung nagbibiro o seryoso.

Natapos ang kanilang usapan nang lumapit sa kanila si Ceiv. Nagyaya ito ng sayaw. Tinanggap niya iyon para lang hindi madismaya si Eliza na kinikilig sa kanilang dalawa. Bago makaakyat sila sa stage sumenyas ito sa isa sa mga DJ doon. Nagulat siya dahil pinatugtog nito ang paborito niyang kanta, ang Heaven By Your Side. Ngunit nagtaka siya kung bakit alam nito iyon gayong wala naman siyang sinasabi na personal na impormasyon tungkol sa kanya? Pero bakit pa siya magtataka, kapatid nito si Eliza kaya malamang ay sinabi nito ang tungkol sa kanya.

Halos labi-limang minuto na silang sumasayaw ngunit walang nagsasalita sa kanila. Tahimik lang itong nakatitig sa kanya tila minimemorya ang bawat detalye ng kanyang mukha na ikinaiilang niya pero nagugustuhan niya iyon. Alam niyang marami ang pumupuri sa kagandahan niya ngunit sa tuwing nakatitig ito sa kanya tila ba siya ang pinakamagandang babae sa mundo.

Ngunit hindi na niya matiis na kausapin ito. “A-anong kurso ang kukunin mo pala?”. Hindi niya alam kung nagmalikmata siya nang makita niya ang lapad ng ngiti nito.

“Akala ko ba wala kang balak alamin ang tungkol sa’kin?,” nakangiti nitong sabi.

“H-hindi ah. Gusto ko lang naman malaman eh pero kung ayaw mo di’ wag!” aniya sabay irap dito.

“Ikaw naman, nagmamaldita ka nanaman. Criminology,”

“Criminology?,” bulalas niya.  Huli na para takpan niya ang bibig para lang pigilan ang sarili sa paghiyaw. Nakatuon na ang pansin sa kanila ng mga sumasayaw doon kaya gumawa ng paraan si Ceiv para hindi mabaling sa kanila ang tuon ng mga ito. Hinila siya nito at idinikit ang katawan nito sa kanya. Ipinaglapit pa nito ang kanilang mukha na ikinagulat niya. Masyado naging mabilis ang kilos nito.

Nagtagumpay nga ito. Mukhang nailang ang mga ito sa ginawa nila at ibinaling sa iba ang mga paningin nito. Pilit niyang itinutulak ito palayo ngunit masyado itong malakas at mahigpit sa pagkakayakap sa kanya.

Malakas ang tibok ng puso niya at lalong lumalakas iyon sa tuwing humihigpit ang yakap nito. Kahit anong pagtulak niya ay hindi niya magawa. Lalo lang nito pinapalala dahil nahahaplos niya ang matigas nitong dibdiban. His chest was perfectly sculptured by a great sculptor of his time. Kamangha-mangha iyon.

Mayamaya pa ay inilayo na nito ang katawan niya sa kanya. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sariling akto kaya iiling-iling ito tumingin sa kanya.

“ I’m so sorry,” wika nito na hindi tumitingin sa kanya sabay walang kaimik-imik na tinalikuran siya nito at bumaba ng stage. Hindi niya naman ito ikinagalit. Alam niyang naiinis ito sa sarili sa pagpilit nito sa kanya. Nasaktan siya pero bakit? Iiling-iling din siyang bumaba.

MADILIM ang mukha ni Ceiv nang masalubong niya si Gie sa daan kinaumagahan ng Sabado. Hindi niya alam kung paano niya haharapin si Gie pagkatapos ang nangyari kagabi. Hindi niya alam ang ipapaliwanag niya dito.

“ Goodmorning Ceiv,” Nakangiting bati nito sa kanya bagaman bakas dito ang pagkailang.

“ M-morning,” bati niya ngunit di’ pa rin makatingin dito. Shit! Bakit ganito? Harapin mo nga siya! “ T-tungkol nga pala sa nangyari kagabi. Sorry talaga.”

“Ayos lang iyon. Naiintindihan naman kita. Huwag kang mag-alala di ako mahilig magtanim ng sama ng loob,” ngayon ay maaliwalas na ang mukha nito. Nagpasalamat naman siya dito.

Hindi niya maaaring sabihin dito ang dahilan. Baka iwasan lang siya nito kapag nalaman na muntikan na niya itong pagtankaan angkinin kagabi. Nais niyang  sakupin ang mga labi nitong nakamaang sa kanya at hayaang manood doon ang mga sumasayaw. Buti na lamang at natapos ang kantang ni-request niya kagabi.

Naiinis siya sa mga kaibigan niyang pilit na pinanood sa kanya ang porn video para lang daw ganahan sa pag-attend sa party, maging attractive sa mga babae at para na rin makasimpleng mang-angkin sa mga babaeng papayag na sumama sa kanila. Tuloy ay hindi niya napigilan ang sariling muntikan kunin ang pinakamamahal na babae.

NASA bungad sila ng pinto nina Ceiv pagkatapos dumaan sa hardin nito nang makaramdam siya ng panlalamig. Naramdaman na naman niya ang kakaibang emosyon na kamakailan lang niya naranasan. Alam niya naramdaman na niya ito noon ngunit hindi niya malaman kung kailan. Ang alam niya lang ay habang pauwi siya kasama ang mga kaibigan galing sa school ay hinimatay siya. Wala naman nakitang deperensya sa kanya ang doktor kundi ang mahinang resistensiya ng kanyang katawan kaya ni-resitahan na lang siya nito ng multivitamins.

“Are you okay?” tanong nito na bakas ang labis na pag-aalala. Nilingon niya ito at sa isang hilagap ay nawala ito sa harapan niya. Nanumbalik na naman ang pandidilim ng paningin niya, nanlalabo ngunit alam niya malinaw ang mga mata niya. Ipinikit niya ang mga mata ngunit hindi nakatulong iyon, ipinaalala lang nito ang mga nakita niya nakaraan at pagmulat ng mata niya, ganoon na lamang ang pagkasindak niya. Sa harapan niya, nakita niya ang nanlilisik na mata na palagay niya talaga ay isang bampira. Kung makatingin ito ay tila anumang Segundo ay lalapain na siya nito ngunit nakatayo lamang ito doon. Kahit matalim ang ipinupukol na tingin nito sa kanya nakikita niya ang halo-halong emosyon nito ngunit nangingibabaw ang kalungkutan nito.

“GIE! Gie! Wake up!” pukaw ni Ceiv sa kanya habang nakahiga siya sa malambot na couch nito. Ramdam niya ang pag-yugyog nito sa kanyang braso. Kaagad naman siyang nagising ngunit ramdam niya ang panghihina ng katawan. Halos habol hininga siya nang magising buti na lamang at nandoon si Ceiv. Binigyan siya nito ng kalahating maligamgam na tubig, itinapat pa nito ang electric fan sa kanya ngunit Kaagad din nito pinatay at pinangko siya. Idinala siya nito sa hardin upang makalanghap ng sariwang hangin. Nakatulong iyon dahil unti-unti nawala ang pagkahilo niya at pandidilim ng paningin.

“Ayos na ba ang Pakiramdam mo?” tanong nito sa malumanay na boses hindi katulad kanina. Alam niyang sobrang nag-alala ito sa kanya. Nakahinga na ito ng maluwag nang manumbalik na ang kulay sa kanyang mukha. Tumango siya bilang tugon.

“Buti naman. Pinag-alala mo ako ng husto. Ano bang nangyari sa’yo? May sakit ka ba ha?.... Ah mas mabuti kung tumawag ako ng doctor. Teka, dito ka lang ha,” pagkataranta nito. Akmang tatayo ito nang pigilan niya ito sa braso.

“Ayos na ako. Wag’ ka ng mag-alala. Pasensiya na sa nangyari,” wika niya sa mahinang boses.

“Sure ka?” wika nito sabay nagpakawala ng hininga. “Don’t do that again Gie. Don’t make me worry again. Okay?” sa pagkakataong ito ay naging mahinahon na ito.

“Salamat sa Tulong. Pasensiya na talaga,” tugon niya. 

The Chosen(COMPLETE!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon