The Chosen Chapter Sixteen

290 4 0
                                    

UNTI-UNTI nagliwanag ang paningin ni Gie. Napahagulhol siya. Hindi niya akalain na si Josepina pala ang tunay niyang ina at ang sakripisyo nito para lang mabuhay siya. Nakaramdam siya ng awa para sa biological mother niya. Saglit lang kasi sila nagkasama ni hindi niya naalala ang masuyong haplos nito. Ngunit hindi niya rin matanggap na ito ang tunay niyang ina. Matagal na pala inililihim ng kanyang mama Remy ang tunay niyang pagkatao. Bakit inilihim ito sa kanya? Bakit hindi nila sinabi na ampon lang pala siya? Bakit?

Nakadama siya ng galit sa kanyang mga magulang lalo na sa mama Remy niya.

"Gie... anak bakit ka umiiyak?" 

Liningon niya ang nagsalita.

"Ma.." sabi niya at niyakap ang ina. Humagulhol siya sa balikat nito.

"Anak.. anong problema? Bakit ka ba umiiyak?" tanong nito at hinaplos haplos ang kanyang likod.

"Diba ma ikaw lang ang nanay ko? Diba ma kaw ang nagsilang sa akin? Ikaw lang ang tanging nanay ko diba? Diba ma?.." sabi niya sa pagitan ng pag-iyak.

Nadama niya ang pagluwag na yakap sa kanya ng ina. Tiningnan niya ito.

"Ma.. h-hindi iyon totoo diba? M-mga imahinasyon ko lang ang mga iyon. Ikaw ang nanay ko ma.. Ikaw lang.."

"A-anak... P-pasensya na.. Alam ko mahirap ito tanggapin p-pero ---"

"HINDI YAN TOTOO MA! BAKIT? BAKIT TINAGO NIYO ANG LAHAT SA AKIN?!" bulyaw niya sa kanyang ina at nagkumahog lumabas ng rest house.

Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Totoo ba ang lahat na ito? Sa loob ng labing pitong taon ni minsan walang nakapagsabi sa kanya na ampon lamang siya. O pawang kasinungalingan lang ang ipinapakita sa kanya?

Ayoko ng ganito! Pakiusap wag  niyong guluhin ang buhay ko!, sigaw niya sa isipan.

Anak.. maniwala ka.. ako ang tunay mong ina.. sana tanggapin mo ang katotohanan, tinig iyon ni Josepina.

"Pwede ba tigilan mo ako! Hindi ka totoo! HINDI KA TOTOO!!!" sigaw niya sa hangin.

Anak.. totoo ang lahat ng mga nakikita mo.. pakiusap bumalik ka kay Remy, sasagutin niya ang mga katanungan mo.... huwag ka naman sana magtanim ng sama ng loob sa kanila.. anak.. pakiusap..


"HINDE! HINDI! HINDI KAYO TOTOO! WALANG jOSEPINA WALANG ANTONIO! WALANG BAMPIRA! MGA ILUSYON LANG KAYO! NABABALIW LANG SIGURO AKO! kAHIT KAILAN HINDING-HINDI KO KAYO PANINIWALAAN!"



Anak.. 


Sa kakatakbo niya ay nakarating siya sa masukal na kagubatan at hindi niya alam kung paano makakabalik. Ni hindi niya na maalala kung saan siya dumaan. Wala na rin bakas ng buhangin ang lugar ni kinaroroonan niya dagdagan pa na napakatataas ng mga puno kaya malamang maliligaw siya nito. Sinubukan niyang tahakin muli iyong mga naaalala lamang niyang daan ngunit hindi siya sigurado at salamat sa mga naaalala niya lalo siyang naligaw. Pakiramdam niya lalo pa siyang napalayo.

Ano ba naman kasi iyong mga naisip niya. Kung bakit lumayas layas pa siya! Iyan tuloy naligaw siya at nakakatakot pa itong kinaroroonan niya! Haayy.. ano ba naman tong ginawa niya.

The Chosen(COMPLETE!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon