Nasa cafeteria sila at kumakain.
"Nakakainit ng bunbunan yung hinayupak na yun!" si Luthriel na tuloy sa pagsubo ng pagkain nya.
"Sumbaterong palaka, buti na lang di ka talaga nagkagusto sakanya."si Chlei.
Tahimik lang sya at hindi nagcomment sa sinabi ng kaibigan.
"OMG!Don't tell me nagkagusto ka nga sakanya?"si Lloyd na tinutukoy si Matthew.
Siniko naman ni Paolo si Luthriel nang hindi nanaman ito umimik. "Ano? Nagkagusto ka sa mokong na yun?"
"Un poquito." sabi ni Luthriel na nagmwestra pa ng konti.
"Ay anak ng!"si Frankie. "Nadala ka sa plowers,chakalate at foodang?" dugtong nito.
"Grabe ka! hindi naman masyado hahaha."si Luthriel na dinaan sa tawa.
"Ayusin mo nga yang salita mo kaya ka napapagkamalan na bakla eh." si Chelo na girlfriend ni Frankie. "Sweet naman kasi si Matt, malay ba natin na pinagpustahan ka lang nila diba."
"Aray! ipagduldulan mo pa." biro nito na hinawakan ang dibdib na akala mo ay nasasaktan.
"Pinagpustahan ka lang kaya wag kang magfeeling. Pinagpustahan ka para makascore sayo. Pinagpustahan ka!" si Paolo na pinagdiinan ang dalawang huling salita.
Binatukan naman nito ang binata. "Pinagduldulan nga!" si Luthriel.
"Buti na lang kahit muntik ka ng mafall eh wala kang planong sagutin yun." si Paolo at tinanggalan ng butil ng kanin sa pisngi si Luthriel. "Para ka talagang bata kung kumain eh."
"Ayyyyiiieeeeeee!!!!" si Jane na parang bulate na kinikilig.
"Anong ayyyiiieee ka dyan." si Luthriel.
"Kinikilig talaga ako sainyo."
"Tantanan mo nga kami Jane."si Luthriel naiiling iling.
Inakbayan naman ni Paolo si Luthriel "Ako na nga lang ang maging boyfriend mo."
"Pwede ba Paolo, kilabutan ka nga."inalis nito ang pagkakakbay ng binata.
"Kinilabutan nga ako eh hahaha." sagot ni Paolo dito.
"Naku, fan nyo talaga kaming dalawa. Pag nagkatuluyan kayo kahit di kami invited sa kasal nyo pupunta kami."si Mia.
"Hahaha! Goodluck friend." sagot ni Luthriel.
Natapos ang araw nila at sabay nanaman umuwi si Paolo at Luthriel.
"Ma!" tawag ni Luthriel.
"Andito ka na pala, paluto na ang pagkain."silip ng mama nya na nasa kusina at nagluluto ng hapunan nila.
"'Kay! sa kwarto lang ako ma!" at pumasok na ito sa kwarto nya. Nagpalit sya ng damit pambahay, isang maong shorts at loose t-shirt. Inayos na din nya ang mga dadalhin sa school bukas. Nahiga sya at nagstart manood ng series na pinapanood nya - CSI. 30minutes has passed at natapos nya ang isang episode nang may kumatok sa pintuan ng kwarto nya.
"Anak labas na dyan kakain na tayo." ang mama. Lumabas sya para kumain.
"Bakit andito ka?"kunot noong tanong ni Luthriel kay Paolo.
"Dito ako kakain bakit ba?"sabi ng binata na nakapwesto na at kumukuha ng kanin. Umupos sya sa tapat nito at nagsandon din ng kanin nya.
"Wala ba sila tita and tito?"tanong nito dito.
"Wala, nagpunta sa kapatid ni Daddy, pinapasunod ako pero ayoko na sumunod. Nakakatamad." explain nito dito.
"Pabayaan mo na Uriel at kawawa naman yang si Paolo." ang papa nya.
"Kaya nga po tito nakakaawa nga po ako."
"Aguy!"si Luthriel.
"Kuya Paolo laro tayo after natin kumain ha?"si Bon ang kapatid niya.
"Bon magpapahinga na si kuya mo pagkatapos kumain."ang mama nila.
"Okay lang po tita, wala naman po akong assignment kaya pwede ako makipaglaro kay Bon." ngiti ni Paolo sa kapatid nya. Spoiled ang kapatid nya sa kaibigan, palibhasa sya ang bunsong lalaki at babae na ang sumunod sakanya.
"Papasok ka na sa kwarto mo?"si Paolo kay Luthriel nang mapansin na pagkatapos mag hugas ng pinagkainan nila ay derederetso papunta sa kwarto nito.
"Oo eh, nanonood ako ng CSI. Bukas na lang ulit." at pumasok na sya sa kwarto ng hindi hinihintay ang reply nito.
Kinabukasan sa university habang nasa library sila ay may lumapit sakanila na isang babae.
"Kuya ikaw po ba si Paolo?" tanong ng babae.
Napatingin naman si Luthriel sa mga ito.
"Oo bakit? nagtataka pero nakangiting tanong nito dito na lalong ikinasimangot ng mukha ni Luthriel.
"Ibibigay ko lang po sana to."inabot nito ang papel na mukhang love letter
"Ah sige salamat." kinuha nya ang letter at umalis naman ang babaeng hindi mawala wala ang ngiti sa mukha. Sinundan ni Luthriel ang dalaga at tinignan ang mga kaibigan nito kinikilig din.
"Kung makakapatay lang ang tingin namatay na yung mga yun sayo." biro ni Paolo sa dalaga.
"Whatever, ano nakalagay sa sulat?"lumipat ito sa tabi nya at nakibasa. Hindi nga sya nagkamali, love letter nga ito. Confession of a freshman from college of Business Ad.
"Ang corny!" nilakasan nya talaga ang boses para madinig ng dalagang nagbigay ng love letter dito. Bumalik sya sa pwesto nya.
"Hahaha selos ka naman!" sabi ni Paolo na amused kay Luthriel.
"As if naman!Kawawa lang sayo yung babae sa sobrang pagiging babaero mo."irap nito dito.
Paolo is a player and because he's handsome, girls are drooling over him. Okay lang sa mga babae, ang dahilan, kaya daw nila baguhin si Paolo - in their dreams! Swerte na ang babae pag tumagal ito ng 6months. But all infairness kay Paolo, kahit player sya hindi sya nakikipagcommit sa iba or nakikipaglaro sa iba pag may kalaro ito. A player that is stick to one. Naawa din sya sa mga babaeng hindi sineseryoso ng kaibigan, babae din sya at alam nya kung anong sakit nararamdaman ng mga babaeng nasasaktan nito. "I tried to love them as much as they want to be loved but I just can't" ang laging sinasabi sakanya ni Paolo everytime she was asking him why? She somehow understand him,niloko si Paolo ng ex - girlfriend nya, not once, not twice but many times. And now mukhang nagsawa si Paolo makipaglaro and currently single for almost a year now.
"Anong iniiiling iling mo dyan?"si Paolo na nakapangalumbaba na nakatingin sakanya.
"Wala, mukhang may mabibiktima ka nanaman."biro nito dito.
"Grabe ka sa part na yan!Hahaha."
"Bakit hindi ba?"
"Hindi"
"Weh?"
"Hindi ko alam hahaha"
"Sira ulo ka talaga."si Luthriel na ibinalik ang atensyon at focus sa pagbabasa ng book.
"Sabi ko naman sayo tayo na lang eh."si Paolo
"Tigilan mo ko Paolo.Kilabutan ka."sabi nito na hindi tumitingin sa binata.
"Nakakakilabot nga, teka cr lang ako nasusuka ako sa sinabi ko."biro nito dito at tumayo. Napansin nyang sumunod ang dalagang nagbigay ng love letter dito. Napailing na lang sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/117952315-288-k455670.jpg)
YOU ARE READING
Summer Blues
RomanceLuthriel and Paolo are neighbors and best friends. Their families are close as well. From grade school to high school ay magkaklase sila pero nang mag college sila ay nagkaiba na sila ng class. Luthriel is taking Tourism while Paolo is taking Engine...