Chapter 3

7 0 0
                                    

"Frankie samahan mo ko." si Luthriel sa kaibigan.

"Saan?"takang tanong naman nito.

"Sa admin, papaphoto copy ng handouts." ngiti nito dito.

"Ang layo ha! dyan ka na lang sa labas mag pa photo copy."

"Mas mura sa admin eh."

"Ang kuripot mo talaga" biro nito dito.

"Nagtitipid lang noh! tara na dali."

"Pwede ba akong magsabi ng ayaw ko?"

"Hindi." ngiti nito dito.

"Samahan mo na Frankie, di ka titigilan nyan." si Karen.

"Ano pa nga ba." at tumayo ito. Lumabas sila at habang naglalakad papunta sa admin na katapat ng College of Engineering ay naguusap sila.

"Isang linggo na kayong mag-kaaway ni Chelo ah, hindi na healthy yan." umpisa ni Luthriel sa kaibigan.

"Oo nga eh, hindi kasi ako nakapunta sa anniversary party ng parents nya alam nyo naman ang reason diba, di lang talaga nya maintindihan."

"Pero kinakausap mo ba sya?"

"Oo naman, nagtetext ako sakanya, I even went to their house last night pero hindi nya ako nilabas."

"Hays! Try mo kaya isurprise sya, monthsary nyo na bukas. Want my help?" alok nito dito.

"Kaya ka sakin nagpasama noh, alam ba to nila Karen?" si Frankie

"Yep! kaya nga walang nagprisinta sakanila nung mukhang ayaw mong sumama eh."

"Hahaha sige ano bang plano?" si Frankie na super naman sa pakikinig at pagbibigay din ng suggestion dahil gusto nyang magkabati na sila ni Chelo ang girlfriend nya.

Nasa tapat na sila ng Admin at nagpapa-photocopy nang may umakbay sakanya.

"Hi!" si Paolo na todo ngiti.

"Anong ginagawa mo dito?Wala kang class?"takang tanong ni Luthriel sa kaibigan.

"Hindi dumating ang prof namin. Kayo?"

"Nagpasama yang kaibigan mo magpa-photocopy dito."

"Di ka pa din ba makaget over friend?" natatawang tanong ni Luthriel sa kaibigan sa kabila ng reason kung bakit sya nagpasama dito.

"Paolo." ani ng isang boses na nasa likuran nila. Nilingon nilang tatlo ang babae.

"Selena. Bakit?" medyo naka-sense sila ng awkwardness sa dalawa. Dahan dahan tinanggal ni Luthriel ang pagkakakbay sakanya ng binata at tumalikod sa mga ito. Nagsensyasan lang sila ni Frankie ng wag maingay at kinuha na nila ang handouts.

"Ahm, Paolo, Selena balik na kami matatapos na kasi vacant time namin."si Luthriel at kasama si Frankie na bumalik sila sa kubo kung saan nakatambay sila kanina.

"Mukhang broken hearted yung babae sakanya ah."puna ni Frankie.

"Ano pa nga ba?"si Luthriel na iiling iling lang.

Si Selena ang babaeng nagbigay ng love letter kay Paolo 2 months ago sa library. As per Paolo, hindi daw naging sila pero mukhang umasa ang babae na may something sakanila dahil madalas kumain sa labas ang dalawa pag vacant nila pareho. Sweet din daw kasi si Paolo sakanya which is sa lahat naman kahit sa kaibigan nya ay sweet ang binata.

"Nagbreak ba sila?"

"Hindi naman daw naging sila sabi ni Paolo, siguro umasa lang yung babae na may something sakanila. Alam mo naman ang mga babae, masyadong gullible, pakitaan mo ng maganda iisipin nila gusto mo na din sila."

Summer BluesWhere stories live. Discover now