Kinabukasan ay nagising si Luthriel na masakit ang ulo. Lumabas sya ng kwarto at nakitang kumakain ang parents nya. Si Bon ay nasa school.
"Gising ka na pala?Kain ka na." aya ng mama nya.
"Daig mo pa akong mag-inom eh." Ang papa nya. Hindi man sya nito pinagalitan na gabi na umuwi at lasing na syang umuwi ay alam nyang ayaw ng papa nya na ganun sya.
"Mama may mainit na tubig pa?" tanong nya.
"Wala, painit ka na lang dyan. Madami ba kayo nainom kagabi?"
"Konti lang. Buti nga nakita ako ni Pao---" napahinto sya sa sasabihin ng maalala ang confession nya sa binata. 'Shit!' sa isip isip nya, anong mukhang ihaharap nya kay Paolo. 'Nyemas na alak!' sisi nya sa alak dahil binigyan sya nito ng lakas ng loob para magconfess. Matapos magpainit ng tubig ay umupo sya para kumain. Susubo pa lang sya ay bigla bumukas ang pintuan ng bahay nila. At paglingon nya ay nakita nya ang lalaking hindi nya muna gusting makita – si Paolo!
Ngumiti si Paolo sakanila at tumabi sa upuan nya. "Makikikain po!" sabi ng binata.
"Papasok ka na ba?" ang papa nya na natawa sa asal ng binata.
"May isang oras pa po bago yung subject ko." Ngiti nya. Isang taon na lang ay gragraduatre na din si Paolo.
Hindi nya alam kung paano iiwasan ang binata, binilisan nya ang pagkain para mabilis makaiwas sa binata.
"Aba anak, dahan dahan naman." Ang papa nya.
"Masasamid ka nyan eh." Si Paolo na ikinasamid nga nya. Inabutan sya ng binata ng isang baso ng tubig. "Yan na ng aba sinasabi ko eh." Hinagod nito ang likod nya.
'Nakakahiya!!!' sa isip isip nya. Hindi nya pinansin ang binata. Natapos ang kinain nya at nagpaalam na maliligo. Paglabas nya ay wala na si Paolo, nakapasok na sa university pero may text ito sakanya.
'Let's have dinner tonight, my treat! 😊'
Kinilig naman sya pero hindi ito ni-replyan. Is this the chance she's been waiting for?
Dahil off nya ay tinulungan nyang maglinis ang mama nya ng bahay. Kinagabihan ay dumating si Paolo sa bahay nila.
"Bakit di ka pa bihis?" tanong ni Paolo.
"Ano bang bihis ang gusto mo?mag gown ako?" pabirong tanong nya na akala nya'y walang nangyaring confession nung nakaraang gabi.
"Yan na suot mo?" tinignan sya ni Paolo ulo hanggang paa. Naka Maong Short's sya at naka sleeveless na damit.
"Oo, wala naman masama sa suot ko ah." Sabi nito at ipinusod ang mahabang buhok.
"Magpalit ka nga, kitang kita na balat mo dyan." Sabi nito. 1st time nito na sitahin sya damit nya. 'Oh Dear!' sa isip isip nya.
"Mag cacardigan na lang ako." Pumasok sya sa kwarto at isinuot ang cardigan.
"Tito, Tita alis po muna kami." Si Paolo ang nagpaalam sakanila.
Pasakay na sya ng sasakyan ng sabihan sya ni Paolo na sa likod sumakay.
Then she saw Samantha, seating on the front seat. Smiling at her. "Hi!"
Nginitian nya lang ang dalaga. Sumakay sya sa likod. She then realized that Paolo wants to show that he genuinely loves Samantha and that he just loves her as a friend. Nagising sya sa realidad.
"Kamusta Uriel?" si Samantha na nilingon sya.
"Okay naman ikaw kamusta?"
"Okay lang din, sabi ko kay Paolo isama ka tonight since off mo naman."

YOU ARE READING
Summer Blues
RomansaLuthriel and Paolo are neighbors and best friends. Their families are close as well. From grade school to high school ay magkaklase sila pero nang mag college sila ay nagkaiba na sila ng class. Luthriel is taking Tourism while Paolo is taking Engine...