"Papasok ka na?"si Paolo na nakaabang sa labas ng bahay nila habang nakasandal sa sasakyan nito.
"Obvious naman siguro." sabi nito at nilampasan ito pero pinigilan sya ni Paolo at sapilitan na isinakay sa loob ng sasakyan nya.
Nasa byahe na sila pero tahimik lang si Luthriel. Inabot naman ni Paolo ang paborito nyang Cheese Pandesal At Cheese Bitso.
"Sorry." hinging paumanhin ni Paolo.
"Eto lang suhol mo?" tanong ni Luthriel.
"Ano gusto mo? bibilhin ko promise." sabi nito sakanya na nguti dahil alam nyang hindi na ganun kagalit sakanya ang dalaga.
"Ikaw." simpleng tugon nya.
"Ano?!" gulat na tanong ni Paolo sakanya. Nilingon nya ito na nanlalaki ang mga mata.
"Ikaw na bahala, alam mo naman kung ano wekness ko." nangingiting sagot nya.
"Akala ko ako ang gusto mo eh." natatawang sabi nito.
"Bakit pag sinabi ko ba na ikaw talaga, iiwan mo jowa mo?" mahinang sabi nya.
"May sinasabi ka?" Si Paolo.
"Ha?Wala." iling nya.
"Sorry talaga kahapon Uriel ha, nagalala lang naman ako sayo."
"Okay na, sorry din kasi inaway kita." sabi niya sa binata.
"Wag na tayo ulit mag aaway ng ganun ha." hinawakan ni Paolo ang kamay ng dalaga.
'Kilig to the bones!' sa isip isip nya. Napansin nya na lumiko ito imbes na dumeretso papunta sa school nila.
"Daanan lang natin si Sam." ngiti ng binata dito.
"Ah Okay." simpleng tugon nya. Maya maya ay nakita nila si Samantha na naghihintay sa tapat ng bahay nila. Binuksan ni Samantha ang pintuan ng side nya. Hindi sya kumilos at nginitian ang dalaga. "Hi!"
"Uriel."si Paolo na sinenyasan sya na lumipat sa likod.
"Ay! Oo nga pala." kunwaring wala sa sariling sabi nya. Lumipat sya sa likod at sumakay si Samantha ng kotse. Habang nasa byahe ay tahimik sya habang ang dalawa ay naguusap. Ngadecide syang kumain na lang.
"Ano ka ba Uriel para ka talagang bata." akmang aalisin ni Paolo ang asukal sa pisngi nya pero maagap na inabutan ni Samantha ng tissue si Luthriel.
"Salamat."tipid na sagot nya at nginitian lang sya ni Samantha.
"Bakit sabay kayo ni Samantha pumasok?"tanong ni Chlei.
Ikinwento nya dito ang nangyari.
"Pinagseselosan ka friend." si Chelo.
"Wag kayong maingay baka madinig kayo." Napatingin sya sa direction kung nasaan si Samantha. Busy ito sa pakikipag-usap sa katabi.
"After ng cake wala na syang ginawa diba, hindi ka na nya inapproach." si Karen
"Eh ganun naman talaga mga pumapapel, pag nakuha ang gusto deadma na." si Jane.
"Imbyerna mode on!" si Mia.
From hours to days to months and year. Ngayon ay graduate na sila. Umattend si Paolo sa graduation nila para na din kay Samantha.
May celebration sa bahay nila Luthriel kinagabihan.
"Congrats anak!" si Bong sa anak na panganay.
"Thankie papa. Regalo ko?" sinahod nito ang mga palad sa harap ng ama nya. Binigyan naman sya ng give-me-five nito. "Papa naman eh!" nagtawanan ang lahat.
"Nasan ba si Paolo?" si Tita Jacky nya.
"Nandito lang po yun kanina eh." inikot nya ang paningin para hanapin si Paolo 'Na kila Samantha siguro.' sa isip isip nya. Nagkibit balikat na lang sya saka muling itinuon ang atensyon sa celebration ng graduation nya.
"Congrats Luthriel." nagulat sya dahil nakita nya si Samantha sa part nya kasama si Paolo.
"Uy Samantha! Congrats din!" bati nya din dito.
"Sorry wala kong dala."
"Ano ka ba okay lang yun pareho naman tayong grumaduate eh. Type ko kwintas mo." sabi nya dito.
"Ah bigay ni Paolo." ngiti nito sabay hawak sa kwintas na nakatingin sakanya.
"Ah..Kain ka lang dyan, puntahan ko lang mga kaibigan ko." tumalikod ito at pinuntahan ang kaibigan nya na nasa party din nya.
"Kakaloka yang si Samantha ha, gate crasher." si Chelo.
"Pabayaan mo na. Si Paolo ang nagdala sakanya dito."
"Eh nasan si Paolo?" si Lloyd
"Ewan ko, si Samantha lang nakita ko eh." sabi nya pero di pa rin nya matanggal sa isip ang niregalong kwintas ni Paolo kay Samantha.
Sya ang pumili sa kwintas nung nasa mall sila ni Paolo, akala nya ay sakanya ibibigay dahil ang tanong sakanya ni Paolo ay kung ano ang gusto nya sa mga nakadisplay. Akala nya lang pala. Natapos ang party na hindi nya nakausap si Paolo. Nasa loob na sya ng kwarto at nagbrobrowse sa facebook nya ng magtext si Paolo sakanya at pinapalabas sya sa may swing nila. Lumabas naman sya at nakita nya ang binata na nakaupo sa swing. NIlapitan nya ito at umupo din sa katabing swing.
"Bakit?" tanong nya dito.
"Congratulatrions!" sabi nito dito na ginulo ang buhok nya.
'Ganun lang?Walang hug?' "Thank you." simpleng tugon nya.
"Oh gift ko sayo." abot nito sa isang maliit na box.
"Wow!" kinuha nya ito, binuksan nya ito. "Brooch?"
"Yes!Lucky charm mo sa pag-aapply mo yan." ngiting ngiting sabi ni Paolo.
"Thank you." okay na din yun atleast naalala sya nito, it's just that she didn't expect to receive such gift from him then she compared his gift to her vs to Samantha's.
"Si Samantha ang namili nya kasi tinanong ko kung ano pwede iregalo sayo kung necklace na lang din, sabi naman nya mas okay daw ang brooch kaya yan ang binili ko."
"Ah I see.." dissapointed. Yes she is dissapointed.
"Napapansin ko lang Uriel, ayaw mo ba kay Samantha?" tanong nito dito.
"Hindi naman bakit?" pag dedeny nya.
"Para kasing aloof ka sakanya kahit mga barkada mo pansin ko na ayaw sakanya."
"Bakit mo naman nasabi yan?"
"Sinabi kasi sakin ni Samantha, nafeel nya daw lalo na pag nasa loob daw kayo ng classroom everytime na i-aapproach ka nya iniiwasan mo daw sya. Hindi mo daw sya nginingitian."
"Oh dear! Me?inaapproach nya?Iniiwasan ko?" natatawang sabi nya.
"Oo daw."
"And you believed that?" hindi makapaniwalang tanong nya sa kaibigan.
"Kaya nga sinabi ko sayo eh para malaman ang totoo."
"Paolo you've known me for what? 21years? and then gusto mo malaman ang totoo?"
"I know, could you please calm down?"
"You know?!and how can I calm down?Mas pinaniniwalaan mo si Samantha."
"Ofcourse she's my girlfriend!" sabi nito.
Napatahimik sya sa sinagot nito.
"Look I'm so---" hindi na natapos ni Paolo ang sasabihin.
"Yes she's your girlfriend for a year now and I'm JUST your best friend for 21 years. Salamat sa brooch." itinaas nito ang box na binigay ni Paolo at pumasok sa loob ng bahay nila. Dissapointed and all, tears won't fall down from her eyes, pagod na sya.

YOU ARE READING
Summer Blues
RomansaLuthriel and Paolo are neighbors and best friends. Their families are close as well. From grade school to high school ay magkaklase sila pero nang mag college sila ay nagkaiba na sila ng class. Luthriel is taking Tourism while Paolo is taking Engine...