Summer break na at mag o-outing na ang family nila at family nila Paolo. Umuwi galing states ang mga kapatid at daddy ni Paolo.
"Paolo dyan na lang sa kotse mo isakay tong cooler puno na kotse namin eh."si Luthriel sa kaibigan.
"Okay sige, Dad sainyo na tong Tent" si Paolo sa daddy nya.
"Okay sige ilagay mo na lang sa likod."
"Buti nakauwi si Oliver." si Mila kay Jacky.
"Kaya nga eh, 4 months pa lang sya ulit dun buti nakauwi, pinayagan ng company nila."si Jacky.
"Ma nasan ang timbulan ko?"si Bon ang kapatid ni Luthriel.
"Nasa sasakyan na.Tawagin mo na si Papa at aalis na tayo."
"Paaaaa!!!!" takbo nito sa loob habang tinatawag ang ama.
"Batang bata pa talaga si Bon eh."si Jacky na natatawa.
"Paolo sayo na din tong bag ko."si Luthriel.
"Ayoko nga!"
"Nalagay ko na!"nakangiting sabi nito. Napailing na lang ang binata saka ngumiti.
"Tignan mo yang dalawang yan, kung hindi lang sila best friend iisipin ko na magkarelasyon yang dalawa na yan." si Jacky.
"Kaya nga eh, tinanong ko naman na sila. Magkaibigan lang daw talaga ang tingin nila sa isa't isa." sabi ni Mila.
"Sayo na ako sasabay Paolo." si Luthriel na akmang sasakay na sa front seat pero pinigilan ni Paolo.
"Dun ka na sumabay kila Tita, may dadaanan pa ako eh."
"Eh di samahan na kita sa dadaanan mo."
"Wag na makulit, baka matagal kasi medyo out of the way. Alam naman na nila Mama kaya dun ka na para may katulong sila sa pag aayos." sabi nito and started the engine of his car. Naiwan si Luthriel na nagtatampo kay Paolo.
"Ate! Dito ka na aalis na tayo!"sigaw ni Bon sakanya.
Bumabyahe sila papunta sa The Farm sa San Benito Batangas kung saan sila magoouting. After a 2 hour drive nakarating na din sila. They started to go to their rooms and set up the canope tent. Luthriel together with Paolo's sisters, Pauline and Chloe changed into their swimsuits. Naka royal blue two piece si Luthriel na lalong nagpaputi sakanya habang si Pauline ay naka black backless one piece at si Chloe ay naka yellow one piece.
"Kasesexy naman ng mga dalaga namin ah!" puna ni Jacky.
"Mag tshirt ka nga Luthriel" ang papa nya.
"Ano ka ba naman Bong, nasa beach tayo kaya wag kang KJ."ang mama nya.
"Hindi naman sexy si ate kaya okay lang yun papa."biro ni Bon.
"Wala kang ice cream sakin bukas." pananakot nito.
"Ay sobrang sexy mo ate ang ganda ganda mo pa!" pambobola nito.
"I know right!"
"Ibili mo na din akong cake bukas ate ha." malambing na sabi ni Bon.
"Wow! uto pa more!"si Chloe sa kapatid nya.
They started to grill the bbq while Bon and Chloe are playing. Pauline and Luthriel are sunbathing. Dumaan ang ilang oras.
"Ate Uriel may question ako."si Pauline.
Ibinaba nya ang binabasang libro at tumingin dito.
"Ano yun bebe?"
"Wala ba talaga chance na maging kayo ni kuya?"
"Ay! Ano ba yan akala ko naman kung ano na." natatawang sabi nito.

YOU ARE READING
Summer Blues
RomanceLuthriel and Paolo are neighbors and best friends. Their families are close as well. From grade school to high school ay magkaklase sila pero nang mag college sila ay nagkaiba na sila ng class. Luthriel is taking Tourism while Paolo is taking Engine...