After 3 months na pahinga ni Luthriel ay natanggap sya sa isang airline as Customer Service Agent, she's the one checking-in the passenger but later on transferred to departure area.
"Luthriel tara sa dulo, magboard tayo." Yaya sakanya ni Clarisse na katrabaho nya, sya ang dispatcher nito sa bus dahil nasa undershot gate sila at taga intercept ng bulky bags habang si Clarisse ang taga board at taga profile.
"Ilan pa missing natin?" tanong ni Luthriel.
"Lima na lang, maaga pa naman." Sabi nila at umupo sa gilid habang naghihintay.
"Sama ka ba mamaya?" tanong ni Luthriel sa kaibigan na katrabaho nya din.
"Kung sasama ka, sasama na din ako." Sagot nito sakanya.
After ng duty nila ay nagkayayaan ang shift nila na magbar sa MOA. After their shift, they go directly to MOA to have some fun since it's been a stressful week for them.
"Oy Marco ikaw na ang sumagot ng sisig natin." Biro ni Sky dito.
"Grabe isang plato lang ha." Sabi nito.
"Isa lang?" tanong ni Mina dito.
"Sige na nga tatlo na." napipilitan na sabi nito pero natatawa.
"Dami talaga pera ni boss!" si Rose.
"Di naman." Sagot nito.
"Grabe si Ms. Cyrel noh?Bakit ba pinagiinitan ka nun Luthriel?"si Jack.
"Kaya nga anong meron?" takang tanong din ni Sky
"Ewan ko dun, malakas talaga trip nun gawa ng kilay nyang naka arko na akala mo eh Mcdonald's" inis na sabi nya nang maalala nanaman kung ano ang nangyari.
"Ipapatanggal ka daw nya kasi hindi ka nakamake up sa briefing." Natatawang sabi ni Clarisse.
"Lakas nga ng trip."
"Hila hila ko si Luthriel kanina nun g nakita ko si Ms. Cyrel na parating ng gate eh." Natatawang sabi ni Shem.
"Hahahaha, oo talagang dinala mo ang bag ko sabay hila sakin papasok ng CR."
Nagkakasiyahan sila nang narinig nya pangalan nya sa gilid nya. Paglingon nya ay nakita nya si Paolo kasama si Samantha.
"Uy Pao!" medyo tipsy na si Luthriel at tumayo para batiin ang mga ito.
"Gabi na ah bakit di ka pa umuuwi?" si Paolo na tinignan ang mga kasama ng kaibigan na nakatingin din sakanya.
"Ah, bonding moment lang. Nga pala guys si Paolo best friend ko and si Samantha jowa nya. Mga katrabaho ko." At pinakilala nya isa isa ang mga kasama.
"Sino maghahatid sayo pauwi?" nagaalalang tanong ni Paolo.
"Ah, mag commute lang. Sabay kami ni Clarisse."
"Umuwi ka na ihahatid na kita."
"Babe!" si Samantha na parang nakalimutan ni Paolo.
"Sorry babe pero ihahatid ko lang si Luthriel." Sabi ni Paolo.
"Pero nandito na sila Claire." Tukoy nito sa mga pinsan nya na tatagpuin nila.
"Luthriel wag kang aalis, babalik ako." Sabi nito at nagpaalam sakanila.
"Sya ba yung dahiln kung bakit ilang taon ka ng single?" si Clarisse, nakwento na nya dito ang love life nya. Kumbaga ito ang best friend nya sa trabaho nya.
"Yeah, babalik daw, pero di nay un babalik. Ilang beses naman n nya ginawa yang ganyan. Wag ka masyado iinom ha mahirap nab aka sabay tayo malasing."

YOU ARE READING
Summer Blues
RomanceLuthriel and Paolo are neighbors and best friends. Their families are close as well. From grade school to high school ay magkaklase sila pero nang mag college sila ay nagkaiba na sila ng class. Luthriel is taking Tourism while Paolo is taking Engine...