Chapter Four

45.4K 1.2K 145
                                    

Song: Safe & Sound- Taylor Swift ft

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Safe & Sound- Taylor Swift ft. The Civil Wars

Save

Hindi pa namin lubusan nararating ang critical area ay nakakarinig na agad kami ng mga putukan ng bala at pag-sabog ng bomba. I suddenly felt so scared right now. Ayoko pa namang mamatay pa. Marami pa akong gustong gawin sa mundo.

Nagulat ako nang may tumamang bala ng baril sa kotse na sinasakyan namin. Napabuntong hininga ako dahil sa mismong parte ko tumama 'yung bala.

Gosh! Kung hindi lang siguro bulletproof itong kotse na 'to baka patay na ako ngayon.

"You okay?" Ethan asks. Nilingon ko siya at tumango.

"You look so pale." Hinawakan niya ang pisngi ko. Agad ko namang tinampal iyon. Nilakihan ko siya ng mata.

"Duh? Sa parte ko tumama 'yung bala. What do you expect? Matuwa ako? Mag-party?"

Ethan chuckled. "Chill, Margaux!" sabay hinawakan niya 'yung kamay ko. Bumaba ang tingin ko doon.

What is he doing again?

Nang marating na namin ang mismong lugar ay nakita ko ang mga nagtatakbuhang sundalo. Everyone's carrying the same gun Captain Sungit has. Bumuka ang bibig ko nang makita ko ang duguan at wala ng buhay na mga tao.

Gusto kong humingi ng tawad, dahil hindi agad sila nabigyan ng atensyon na kailangan nila. Binaling ko nalang ang tingin sa ibang bagay. Nang huminto ang sasakyan ay bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ngunit agad ring may pumigil sa akin. Si Captain Sungit.

"Wait." His cold baritone voice stopped me from doing anything.

Inalis ko ang pagkakahawak ko sa lock ng pinto at hinarap siya. Inabot niya sa amin ang isang bulletproof vest pati na rin ang isang hard hat.

"This is to keep you both safe." Sinulyapan niya ako ng saglit.

Agad ko rin namang sinuot 'yung binigay niya sa akin. I'm seeing a lot of wounded people already kahit hindi pa ako nakakababa.

Lumingon naman si Captain Sungit sa nagmamaneho ng sinasakyan namin. Saka naman siya nagbilang bago sila sabay-sabay na lumabas ng mga sundalong kasama namin. Nagulat ako at napahawak sa aking dibdib. I wasn't expecting that!

I panicked when I didn't see them anywhere when they got out. Halos mapasigaw naman ako nang may biglang bumukas sa aking pinto. Bumungad sa harap ko si Captain Sungit. Tumango lang siya pero hindi ko nakuha ang nais niyang iparating. Kaya nilakihan ko lang siya ng mata at tinanong kung bakit.

"You should get out now," Aniya.

Oh, right! Somebody seriously needs to knock some sense into me!

At dahil din doon ay nalaman ko na hindi rin pala mapagpasensya itong si Captain Sungit! Medyo natagalan kasi mag-process sa utak ko 'yung sinabi niya. Masyado kasing clouded 'yung isip ko sa biglaan niyang pagsulpot or dahil distracted lang din ako sa kanya.

Until the End of Time (Donovan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon