Chapter Fourteen

40.7K 1K 151
                                    

Song: Crawl- Chris Brown

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Crawl- Chris Brown

Friends

I doubt that he really waited for me until the surgery finished. It lasted for five hours! Hindi ko alam kung nakayanan niya mag-hintay nang gano'n katagal.

The surgery went well. We found out that he has diverticulitis. Kung patatagalin pa, mas lalo lang itong lalala lalo na't wala siyang iniinom na gamot.

I lazily removed my surgical mask and my gloves as I exited the operating room. It's already four in the morning and I can feel my eyes and energy going down.

Hindi ko alam kung paano pa ako makakapagpahinga gayong ngayong araw rin kami pupunta sa critical area. Wala na akong maitutulog pa!

I asked Rico to tell the tribe about how the surgery went. Siniguro rin ni Jaxon na may bantay sa bawat paligid habang nag-uumpisa ang operasyon. He's that paranoid for our safety.

Tama lang ang hinala ko na walang gagawing masama ang tribong ito. They only want their leader to get better. Buti na lang din at nadala nila agad iyon dito. I don't know what could've happened to him if they did not take an action.

I yawned and stretched my body out. I can already feel the exhaustion getting to me. Pagmulat ko ng mga mata ay hindi ko inaasahang makita si Jaxon na nakatayo na sa harap ko at nakatingin na sa akin. Napaatras ako dahil sa gulat.

I was really expecting him not to wait! Sino ba naman kasi ang maghihintay ng limang oras sa labas ng operating room nang wala kang ginagawa 'di ba?

I can't even imagine myself doing that!

"You really waited?" gulat kong tanong sa kanya. Nanatili lang siyang seryosong nakatingin sa akin.

"How was the surgery?" Aniya, binalewala lang ang tanong ko. Kunot noo ko muna siya tiningnan bago ko sagotin ang tanong niya.

"It was successful, of course." I confidently answered. He nodded then moved closer to me.

"The breakfast is already served. We're going at the critical area at exactly six o'clock."

Medyo hindi pa agad nag-sink in sa isip ko kung ilang oras na lang ang natitira bago mag ala sais. It's two hours away from now! Isa lang ang ibig sabihin no'n, wala na akong oras pa para matulog!

I slowly nod my head. Hindi naman obvious sa kanya na hindi siya natulog. Or maybe he did sleep so he calculated the time the surgery might finish so he can wake up on time and check.

"Did you really wait outside?" I couldn't help but ask. May ibang sundalo naman na nagbabantay rito. 'Yung mga nasa night shift talaga.

"Yes," he simply answered. I look at him like he was being ridiculous.

Why is that hard to believe? Anong pumasok sa isip niya para maghintay rito nang gano'n katagal? Hindi ba siya na-bored?!

"Weeeh?" kunot noo niya akong tiningnan. I chuckled a little. "Kasi naman, sino ba naman ang magtyatyaga na maghintay ng limang oras sa labas nang walang ginagawa? There are no chairs here! You have no other choice but to stand! So, I doubt that you really waited."

Until the End of Time (Donovan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon