Chapter Five

45.7K 1.2K 388
                                    

Song: Drunk- ZAYN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Drunk- ZAYN

Drunk

Pagkabalik namin sa headquarters ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Ang iba sa team ko ay sinasalubong ako upang ibalita ang nagawa nila rito pero hindi ko sila pinansin. I'm too tired to hear reports.

My patient's death always has this effect on me. Matagal bago ko malimutan iyon. Masakit para sa akin ang hindi mailigtas ang buhay ng isang pasyente. Even though I don't really want to be a doctor, hindi talaga maiiwasan ang ganitong sitwasyon. May puso naman ako kahit papano.

Gabi na nang mapagdesisyonan kong lumabas sa kwarto. Nakasalubong ko pa ang iba kong kasamahan na may dala-dalang pagkain.

"Oh, Doktora! Sumama ka po sa amin. Magkakaroon lang po ng kaunting salu-salo sa labas." Nakangiti niyang sinabi sa akin.

"Para saan?"

"Ah! Para sa unang gabi po natin dito sa Afghanistan."

Kumunot naman ang noo ko. Wow! Hindi ako na-inform na kailangan palang i-celebrate ang unang gabi namin dito?

"Edi bukas magce-celebrate rin kayo kasi unang umaga natin dito?" Sarkastiko kong sinabi. Tumawa naman siya.

"Si doctora talaga! Tara po! Nandoon na rin po si Doc Ethan."

Sumunod naman ako sa kanya. May nakalatag na banana leaf sa lamesa. Mukhang boodle fight pa ata ang gustong mangyari ng mga 'to ah?

"Saan kayo nakakuha ng mga pagkain?" tanong ko nang sumali ako sa kanila. Lahat sila ay lumingon sa akin at ngumiti. Ang iba naman ay bumati pa.

"Ah! Bigay po ng mga sundalo 'yan! May nakahanda na po kasi talagang mga pagkain sa atin, e." Sabi ni Erin. Tumango naman ako.

Mamaya maya pa ay may mga naglabas na ng alak. Agad akong napangisi nang makita ko ito. Ang tagal ko na ring hindi nakakainom! Lagi na lang kasing kape ang iniinom ko. Nakakasawa na!

"Oh? Saan naman kayo nakakuha niyan?" Tinuro ko ang mga alak. Humarap naman sa akin si Ethan.

"I asked a soldier to buy it for us."

"I can't believe you did that, Ethan." He winked at me.

Napailing ako at tiningnan muli ang mga nakahandang pagkain. Nae-excite na akong uminom ulit!

Sana walang sundalo na pinoy rito ang magsumbong kay Daddy. Because I'm dead! Baka isipin no'n ito lang ang inaatupag ko rito. Libo-libong sermon pa ang aabotin ko sa kanya or worse... pabalikin niya ako roon! Wala pa akong ilang araw rito!

Siguro, kailangan ko na ng kakunchaba na sundalo rito para walang magsusumbong sa akin? Si Captain Sungit kaya? Hmm...parang 'di pwede, e. Masyadong loyal ang isang 'yon kay Daddy. Maybe I could use my charms para ma-convince siya na 'wag akong isumbong kung makikita niya man kami.

Until the End of Time (Donovan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon