Chapter 8: Moodswings ♥

579 6 0
                                    

*Ash's POV*

Bigla nalang siyang umalis. Pano ba naman kasi? Sumulpot na parang kabute tong mga barkada kong ungas.

"Hallah! Ang hard naman nun satin no, Kai? Kapapasok palang namin, aalis na siya." Ken

"Tol, mabaho ba kami?" Kai

"Ungas! Panira kayo ng moment. Andun nako eh?! Bwisit talaga kayo eh." Sabay tawanan lang sila.

Maya maya'y time na. Agad na nagsi pasukan ang mga kaklase ko. Pati SIYA. Pagkaupo niya ay hindi ko muna siya kinulit. Hinayaan ko lang muna. HELLO?! Baka ako mapagbuntungan nito eh.

Pumasok na 'yung prof namin. Pilit kong binibigay 'yung atensyon ko sa guro sa harapan ko pero hindi talaga ako makapakali. Tumitingin padin ako sakanya.

"Sa isang sulyap mo, nabighani ako... Huahahahaha!" Kai

"What's funny over there? Gusto niyong i-share para matuwa rin kaming lahat?" Prof namin. Sermon overload!

"Bhuthi nga sayoh!" Bulong ko sakanya.

Hindi ko talaga matanggal tanggal 'yung titig ko sakanya. Napaka ganda niya. Hindi maitim, hindi maputi. Sakto lang. Ang ganda niya....

"A..anoo problema mo?"

"Ah..eh.. Wala. Naisip ko lang 'yung kanina." palusot ko. Caught in act! -___-

"Wala 'yon. Ayoko lang ng maraming tao."

Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae! Moodswings dito, moodswings diyan. Masaya lang kami kanina tapos ngayon biglang wala na. Tapos! AHHGHGHHHHH! Kailangan ko ng "How to Understand Ladies" na libro.

Ang tahimik... Mabasag nga.

"Uy! Gusto mo kain tayo sa labas mamaya?" aya ko sakanya. Total after classes naman na.

"Hindi." tipid niyang sagot.

"Hah?! Bakittttt?" bigla akong nalungkot. 'Yung feeling na mabigat sa dibdib kasi nadismaya ka.

"Marami akong gagawin sa bahay."

"Tulad ngg?" tanong ko.

"Ang kulit mo!" sabay kurot sa tagiliran ko.

"Saglit lang naman. Punta tayo sa Pizza hut o kaya Shakeys!"

"Ayoko. Tara kwek kwek nalang tayo diyan sa labas! Balita ko masarap daw sauce nila dito eh!" suggestion niya na tuwang tuwa.

"Hah? Potek! Madumi daw 'yan sabi ni Mang Karding tapos baka mamatay tayo kasi pinagbabahayan ng ipis 'yung mga nilulutuan nila." Ayoko talaga. Nakakadiri. Pwe!

Tumawa siya ng mahinhin.

"Alam niyo, kayong mga mayayaman, napaka-OA niyo! Matagal na akong patay kung ganyan ang iniisip niyo tungkol sa mga streetfood. Kung ayaw mo, edi wag! Ako kakain. Bahala ka sa buhay mo." sabi niya.

Ahhhhhgghh!

"Sige na nga."

"Okay. Okay." sagot niya.

*Cross-fingers* Goodluck sa kalamnan ko! WOOOO ~

Partners in Crime [On going Tagalog story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon