Chapter 12: Riches ❤

369 4 5
                                    

*Ali's POV*

Syet! Sarap talaga ng libre! Totoo pala 'yung sinasabi nila tungkol sa sauce ni manong.

Palakad nako pauwi. Bigla siyang pumasok sa isip ko. Bakit ganon? Bat ang bait niya sakin? May plano yata 'yung kupal na 'yon e. Kakaibiganin niya ako tas ibebebenta niya lamang loob ko? O kaya baka bugaw 'yon. Tangina, nakakatakot pala magkaroon ng kaibigan.

Chill lang, Ali. Lalaki lang 'yon. Matakot ka pag kumakain ng lamang loob kahit na mukhang demonyo 'yung kupal na 'yon.

Nakauwi nako. As usual, wala pading tao sa bahay. Ibinaba ko 'yung bag ko sa sofa at nagmicrowave ng makakain. Tomguts nanaman ako kahit na kakakain ko lang. *sigh*

Habang nagiinit ako ng iniwang ulam ay nagpalit nako. Hirap talaga pag nagiisa. May magulang ka nga, wala namang nagbabantay sayo. Bakit ganon?! Pano pag may nangyari sakin? Edi nga nga ako? Tangina talaga.

*beep*
May nagtext na unknown number.

From: +63975213****
"Hi! Nakauwi ka na ba?"

Aba. Pano nakuha nitong asungot na 'to itong number ko.

To: +63975213****
"Tanginamo san mo nakuha number ko? Stalker? Crush moko agad? Hayz. *hawi buhok*

"Personal records." -Ash

"Ay wow. Iba talaga nagagawa ng pera."

"Sige. Bye."-Ash

Kita mo 'tong gagong 'to. Kahit kailan talaga, bastos. Di ko nanereplyan. Baka sabihin niya may gusto ako sakanya kasi eager akon mg kausapin ko siya. Lumaki pa ulo non.

Saktong tapos na yung iniinit ko kaya kumain nako. Pagkatapos ay nagayos na ng lahat at natulog. Boom panes nanaman bukas.

*Ash's POV*

Agad kong pinahanap ang personal records niya. Nakita ko 'yung number niya at ewan ko kung sino ang sumapi saking demonyo at naitext ko siya agad.

From: +63939866****
"Ay wow. Iba talaga nagagawa ng pera."

Ayan nanaman. Sinasampal nanaman sakin ang kayamanan. Nakakasakit sa loob. Bat ganyan ba tingin nila? Porke mayaman kami, pera lang umiikot samin?! Tindi naman, leche.

Nagpaalam nalang ako. Wala nakong maireply, e. Wala ng dapat ireply.

Natulog nalang ako. Nakaka-asar, e. Pucha, maaga pa kasi bukas. May pasok nanaman. Nakakatamad na kahit ikalawang araw palang ng klase.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Partners in Crime [On going Tagalog story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon