Chapter 7: Sincerity ♥

589 6 0
                                    

*Ali’s POV*

Gumising ako na walang tao sa room. Nag-panic ako ng kaunti pero nakita kong nasa baba na sila. I checked my watch and its 9:50AM. Recess time. Great! Munggago talaga ‘yung hayop na yun. Di manlang ako ginising! Syet.

Pero on the first place, wala akong balak bumaba para kumain. Tumitingin lang ako sa may bintana ng may pumasok sa bulwagan.

“’Di na kita ginising kasi baka magalit ka sakin.”

Ang boses na ‘yun…

“Okay lang.” sagot kong ‘di parin tumitingin sakanya. Nahihiya padin ako.

“Bakit ‘di ka bumaba?”

“And dami mong tanong! Ikaw ang bumaba. Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo.”

“Asus!” Naramdaman kong papalapit na siya sa may upuan ko.

“Alam mo, walang rason para mahiya ka. Nagtution ka din naman eh.” Sabi niya habang kinakagat ang chocolate slice cake. Nakakalaway. Bwisit!

“Hindi naman ako nahihiya. Ayoko lang. Tsaka wala na din akong pera. Excuse me, malaki ang nakaltas sa baon ko na ginamit ko para sa damit mo ngayon.” Sabay turo sa damit niya at tingin sa bintana ulit.

Narinig ko siyang tumawa. Pero hindi ko na inindang.

“Oh eto.” sabay abot saakin ng isa pang slice cake.

“Ano ‘yan? Suhol?”

“Hindi, tangek! Bilang bestfriend mo, lahat ng kakainin mo, sagot ko.” Naramdaman kong uminit ang pisnge ko sa sinabi niya pero di ko siya hinarap.

Tumawa lang ako ng malakas. Hindi niya ata alam na ang ginawa niyang kaibigan ay matakaw. Bahala siya! Ginusto niya ‘yan. Sasakayan ko nalang.

Tumingin ako sakanya at kinuha ang iniabot niyang cake.

“Sabi mo ‘yan ah! Walang bawian!” at tumawa ako ulit ng malakas.

Mukha naman siyang mabait at walang anumang balak saakin. Pero ayoko padin siyang maging kaibigan. Marami akong makaka away na mga nagkakagusto sakanya. Dyahe ‘yun! Lalo pa ‘yung mga fans niya, DIE-HARD fans. Kahit sino papatulan pag lumapit sakanya.

Pero ang pangit naman siguro pag tinaggihan ko ang pagiging friendly niya tapos nagsusungit ako palagi.

Ehh! Ang gulo. Basta pumayag ako para sa RULES ko din. ‘Di bale, tuwing breaks lang naman.

Walang problema sa breaks kasi recess lang siguro kami nagkakausap. Kung gusto kong lumayo, p’wede akong pumunta sa secret place ko. Tapos babalik nalang ako pag time na. Tuwing lunch naman, ayos lang kasi p’wede ulit akong tumambay sa secret place. Pag uwian, uuwi ako agad para di niya ako makulit pa. Di ba? Lahat ng problema, may mga solusyon. Ang galing mo talaga, Ali! Woo.

Binubuksan ko ‘yung cake na binigay niya. Sa totoo lang, isa sa paburito ko ‘to maliban sa pizzas, lasagna, burritos at French fries dipped in ice cream sundae. Laway laway -_-

Kinagat ko muna ng maliit. Baka di ko magustuhan. Sayang pag iluluwa ko lang. Pero nilasap ko ito’t sobrang mas masarap pa kesa sa mga nabibili sa Goldilocks at Red Ribbon. Kumagat ako ng mas malaking parte.

“Ayam mo an suarap!” sigaw ko sakanya.

“Ano? Lunukin mo nga muna!” utos niya sakin. Arte naman nito. Pero linunok ko nalang at nagsalita.

“Masarap kako!”

“Naman! Gawa ng nanay ko ‘yan eh!” mukhang proud siya habang sinasabi niya sakin ‘yun.

Ngumiti ako at inubos ang binigay niya. Iniabot niya saakin ang isang bottled water. Uminit nanaman ang pisnge ko at agad na tumalikod sakanya. Mang-aasar nanaman ‘to pag nakita niya. Ku!

“Tell me about you.” sabi niya agad. Muntik ko ng ibuga ang tubig sa bunganga ko. San galing ‘yun? Hallah.

“Huh?”

“Ano nga? Magkwento ka naman tungkol sayo.”

“Curious?” tapos tawang mahina sakanya.

Tumahimik lang siya at isang udyok na dapat ko ngang ituloy ang sinasabi ko.

“Uhm. Ano ba? Babae ako. Pero ugaling lalaki. One of the boys ika nga. Kita mob a ‘tong sapatos ko?” sabay turo sa Converse low cut.

“Walang panama ‘to sa mga heels ng mga kakilala mong mayayaman. Kaya gago ka kasi ewan ko kung anong naisip mo at ako pa naging kaibigan mo!”

Ngumiti lang siya.

“DoTa player. Tapos nakakainis pala ‘tong school niyo! Bawal skateboards! Napilitan tuloy akong tumakbo!” reklamo ko sakanya.

Tumawa siya.

“Alam mo, mas lalaki ka pa ata sa mga barkada ko. Pero alam ko na pala ang rason kung bakit pinili kitang maging kaibigan.”

“Huh? Bakit?”

“Lalaki ka din katulad ko.” at humagalakpak siya ng todo.

Hinampas ko siya at sinuntok sa may braso. Pero tawa lang siya ng tawa. Yung mga tawa niya, dadalhin ka sa langit. Parang anghel ang mukha niya pag nakangiti siya.

Bigla siyang tumigil. Agad kong iniwas ang tingin ko sakanya at baka napansin niyang nakatitig ako sakanya.

“May dumi ba ako sa mukha?” sabay punas sa may malapit sa bibig.

“Wala. HAHAHAHAHAHA!” Uhh. He’s cute but MAS CUTE NA CUTE AKO!

May sasabihin pa sana siya, kaso agad na dumating ang dalawang asungot na kasama niya.

"Naks, pre!"

"Ungas ka, Ken! Ulol ka pa!"

"Deffensive!"

Agad akong tumakbo papalabas at hinanap ang CR. Uhgh. Bumalik ata ulit ang inis ko sakanya at bakit nasuklam agad ako sa mukha niya. Tsss (-_-)

Partners in Crime [On going Tagalog story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon