Chapter 10: Unofficial date ♥

603 6 0
                                    

*Ash's POV*

Pababa na kami pero etong si Ali, parang wala sa sarili niya. May problema ata.

Tinitingnan ko lang siya. Mukhang di naman niya ako pinapansin eh. Nakadukmo lang siya habang yung utak niya lumilipad.

Kung tutuusin, maganda naman siya eh. Kaso lalaki lang kumilos. 'Yung buhok niya brownish. Naka-cap siya ngayon kaya di ko masyadong makita kung ano talaga ayos ng buhok niya. 'Yung mga mata niya, brown din. Saktong sakto sa kulay ng balat niya. Hindi maputi, hindi maitim. Simple lang. Maganda siya.

"Anong tintingin tingin mo diyan?" bulyaw niya sakin.

"Ganda mo eh." nginsian ko lang para di ako mahalata.

"Ano ba.. Ano.. Gago!" sigaw niya.

Pulang pula na 'yung mukha niya. Cute!

"Sana nakikita mo 'yang mukha mo. HAHAHAHAHA!" feeling ko naasar na 'to.

Hindi na siya sumagot sa sinabi ko. Nahiya na ata kasi nakita ko siyang namula.

Pagkalabas namin ng gate, nakita ko na nakangiti na siya. Bigla akong ninerbyos.

Eto na. Eto na nga 'yun. Goodluck sakin.

Pumunta siya sa isang stall ng matanda. Sinundan ko lang siya. Walang masyadong katao-tao. Bakit magkakatao dito? Sa sobrang yaman ng mga estudyante dito, di sila magdadalwang isip na huwag kumain dito. Kasama ako.

Kakaiba 'tong babaeng 'to. Lakas ng sikmura.

"Oh?! Ano na? Are you afraid of me Mr. Ashungit?" sabi niya sakin habang sinusundot sa ere ang kinakain niyang fishball.

"Ofcourse not, ugly." lumapit pa ako sa stall at mukhang nabadtrip siya sa sinabi ko.

Tumuhog nako. Fishballs lang alam ko dito. Yung ibang lumilitaw na ewan ko kung pagkain talaga di ko pinakialaman. Sinawsaw ko sa sauce. Dont get me wrong! Ginagaya ko lang tong mokong na 'to.

This is it. First bite.

Not bad.

"Ano? Kumusta? Masarap ba, hah?" si Ali habang sinisiko ako.

"Hindi na masama."

"Sabi ko sayo eh! Masarap 'yan. Kayong mga mayayaman kasi minsan, hindi niyo alam ang masarap sa hindi." pangaral 101.

"Shut the fuck up. Kumain ka nalang. Ayan ka nanaman sa sermon mo." sabi ko.

Tumawa lang siya.

"Whatever you say, big guy!"

Ikinalat ko ang tingin ko sa mga tinitinda ni manong.

"Kuya, ano po itong pula?" tanong ko.

"1 day old 'yan." sagot niya habang naglalabas ng mga pakete ng ewan ko kung ano.

"Eto po? Boiled egg?" turo ko sa kumpol kumpol ng itlog.

"Balot. May nabubuong pato sa loob."

"What?! Is that freaking legal, kuya? Aborted eggs. PWEDE KANG MAKULONG! No mercy!"

"OA? Balot lang 'yan. Legal'n mo mukha mo." Asar talaga tong babaeng to. Walang awa basta busog.

"Whatever." simpleng sagot ko.

"Masarap no? Grabe!" kain lang siya ng kain.

"Magkano po lahat?" tanong kong maayos kay manong.

"Bale, P134 po lahat." Iniabot ko ang dalawang daan.

"Keep the change po." sabay hila kay Ali.

"Uhaw nako."

"Starbucks?" aya ko sakanya.

"Nope. May samalamig diyan oh. Mas mura 'yan. Masarap pa!" sabay takbo.

"Look, wala akong barya."

"I know. Ako na magbabayad."

Bumili na siya. Papalapit na siya sakin at iniabot ang inumin.

Hinihintay niya akong uminom. Lumunok muna ako. Sumisip ako sa straw ng konti na nakapagpangiti sakanya.

"Kumusta?" tanong niya sakin.

"Ayos lang naman."

Ngumiti siya. Cute niya talaga!

"Padilim na. Uwi nako. Uwi ka na rin." pagbasag niya sa katahimikan.

"Hatid na kita." aya ko sakanya.

"Di na. Ayan lang yung bahay namin eh." turo niya.

"Ahhhh. Sige." sagot kong matipid.

"Salamat hah!" sabay kindat sakin at tumawid.

Pagkatawid niya ay kumaway pa siya sakin upang magpaalam.

Hayyyy. Nakakaasar siya at the same time, nakakatuwa.

Anong pinagsasabi mo, Ash?

Partners in Crime [On going Tagalog story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon