Chapter 4: A friend and a foe ♥

723 5 0
                                    

*Ali’s POV*

I really hate that guy! He’s getting into my nerves! I hate him until his last breath will be breathed. Gaaaaaah!

Lord, masama ba akong tao? Bakit ganyan po ang mga nakatadhana sakin? (-/\-)

Tumakbo ako ng napakabilis. Sobrang bilis. Yung tipong mas mabilis pa kay Flash at halos lahat ng suot kong damit ay matanggal na sa bilis kong takbuhan ang mga nangyari. Sinusumpa ko siya at lahat ng mga barkada niya. Fuck them all with feelings! t(^^,

Pero atleast di ba? Nakaganti nako. Kahit sa nakakadiring paraan. Nadampian ang tuhod ko ng dumt. Dumapo kasi sa “ano” niya. Pero hanep! Gumagana pala sakanya ang ganda at charms ko? Tangama niya kasi hindi kami talo ‘no.

Nakalabas nako. Hindi ko alam kung saan ako ipupunta ng mga paa ko. Pero bahala na. Gusto ko ng magtransfer habang maaga pa. Habang wala pang nangyayaring iba. Habang hindi pa naming napahiya ang isa’t isa. Bwisit talaga kasi ‘yung lalaking ‘yun eh! Sarap bigwasan!

Naglalakad-lakad ako. Naghahanap ng p’wedeng ma-hangout’an. Hangout kasama ang anino ko. Gusto ko lang mapagisa. Total, wala naman akong magiging kaibigan dito. Gusto ko ding lumayo muna sa kung anong kabig ng demonyo sakin. Dalawang grupo ng mayayaman ang nakalaban ko sa UNANG araw ko sa BAGO kong eskwelahan. Aba! Astig ang lola mo! Kingama.

Ewan ko kung saan patungo ang direksyon ko. Pero hindi ganoon kalabo ang paningin ko dahil may nakita akong daan. Daan papasok na tila walang nagbabalak tumambay. Nasa likod ng building ng OOA (Office of Admissions). Malalaki ang mga puno at may mga matataas na damo. Pero parang may pasukan. Madilim dahil may borders na naghahati sa isa pang lugar sa kabila nito. Sinubukan kong pumasok.

BINGO! Grotto pala dito. May isang bench at may malaking bato sa harap nito. Bermuda grass and lapag at may malaking puno na nagsilbing paying sa mga upuan. TAHIMIK. MAKALMA.

Umupo ako sa may bench. Tumingin ako sa paligid. Walang tao. Ako lang.

Kinapakapa ko ang upuan. Baka kasi marupok na. Nilundagan ko ng upo para siguruhing hindi ako mahuhulog pag humiga na ako.

Medyo mahaba ang bench at inayos ko ang higa para hindi masilipan kung sakaling may makakakita saakin.

Ginamit ko ang bag ko upang magsilbing unan. Pagkatapos ay itinapal ko sa mukha ko ang cap ko.

Gusto kong matulog. Gusto kong kumalma ang puso’t isip ko. Pero hindi ko nagawa ‘yung kaagad dahil masyado akong maraming iniisp.

Paano ng aba ako makakakuha ng GOOD IMPRESSIONS kung malalate ako sa UNANG klase ko ngayong umaga?

Gusto ko munang maidilip. Pero ayaw talaga ng utak kong matulog. Tinanggal ko at dahan dahang inangat ang cap sa pagkakatakip sa mukha ko. Tiningnan ko ang langit at tirik na tirik pa ang araw.

“Hay buhaaaay!” ika ko habang nag-uunat.

“Parang li ---” bago pa ako matapos ay may nagsalita.

“Anong ginagawa mo dito?”

Isang lalaki. Boses lalaki. Amoy lalaki.

Shit na malagkit! Agad akong umayos ng upo at sumagot.

“Ahh.. Ehh.. Wala.”

“Wala?” napakunot siya.

“Tambayan mob a dito? Sorry. Naghahanap lang kasi ako ng lugar na tahimik. Sige. Aalis nako.” Tumayo ako at pinagpag ang palda ko’t isinuot ang cap.

“P’wede kang tumambay kung gusto mo. Tayo lang ang nakaka-alam dito. ‘Wag mo nalang ipagsabi sa iba na nakita mo ‘tong lugar na ‘to.” Kalma niyang bigkas.

“Sige ba. Salamat. Pero mauuna nako. Uhh….”

“Brenon nalang.” Sagot niya at dahan dahang iniangat ang mukha.

“Sige, Brenon! Bye!” at agad akong tumakbo papalabas.

Pagkaalis ko sa lugar at wala ng tao.

TIME NA. At LATE nako.

Agad ulit akong nagtatakbo papuntang building four. Fourth floor. Habang pataas ako, iniisip ko kung wala bang klase si Brenon at bakit siya nakatambay sa Grotto? Pero biglang nawala sa isip ko ang lahat ng marinig kong may teacher na ang UNANG klase ko.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa pintuan. Ewan ko kung anong idadahilan ko.

“Bahala na!” at kumatok ako sa pinto.

Sumenyas lang ang guro ko na pumasok na daw ako. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay ang demonyong nakangisi ang nakasalubong agad ng mata ko.

“Your cap, miss.” Sabi ng teacher.

Eto siguro ang adviser namin. Maganda siya. Bata ang mukha. Hindi katangkaran. Sakto lang ang height. Brown ang buhok. Maganda. Magandang maganda.

Shit naman! Nakakahiya! Lahat ng mata nasa akin. Tinanggal ko agad ang cap ko at humingi ng tawad.

“Sorry po, ma’am.”

Ngumiti siya. Nagliwanag ang mukha niya. Nakakatunaw ang mga tingin niya. Nakakatuwa siya.

“Ikaw lang ang transferee dito. Would you mind to introduce yourself?”

AKO lang?! WTF! Magkakakilala na silang lahat tapos AKO nalang ang hindi pa?! Wisit. Malas.

“Ahh. Ehh. M-my name.. Uhm.. My name is.. Ano.. Allison Rivera. You can call me “Ali” if you want. I’m 16. Uhh. That’s all.” Sabi ko. Tahimik parin sila. Walang kibo at lahat ng mata, nasa akin. Parang CCTV na walang emosyon ang mga tao dito.

Naramdaman ko nalang na uminit ang pisnge ko dahil sa hiya.

Then finally, nagsalita na ang guro ko.

“Okay, Ali. You may sit beside, Ash.” Then she smiled.

Pahirapan maghanap ng bakante. Ng may tumawag sakin at sinenyas na umupo ako sa likod niya.

Nasa gilid ang upuan ko. Natuwa ako bigla kasi:

1.      Sa tabi ng bintana.

2.      Medyo kaunti lang ang mga babaeng maarte sa column ko.

Pero sa kamalas malasan naman ng pinaka malas! Anak ng tipaklong, aso, pusa, langgam, t-rex, giraffe, dolphin, LAHAT LAHAT NA! Nung nakita ko yung katabi ko, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. Sa ini-utos ng teacher ko. Hindi ako kumibo. Ayokong umupo.

“Is there any problem, Ali?” yung teacher ko.

“Ma’am. Sa likod po doon, may nakaupo po ba?” tanong ko sakanya. Baka kasi magbago pa isip niya at p’wede pala akong umupo doon.

“Hindi na, Ali. May nakaupo na doon. Bakit?”

“Ma’am. Ayoko po kasi --”

“Obey before you complain.” Then the conversation was over.

Dahan dahan akong naglakad pa-upo. Hindi ko siya tinitingnan. Ayokong tumingin sakanya. Napakamalas ko talaga. CAN SOMEONE KILL ME NOW, PLEASE?!

Partners in Crime [On going Tagalog story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon