Chapter 9: Just a dream ♥

547 5 0
                                    

*Ali's POV*

Inaya niya ako. Sa labas. Kumain sa labas. Kasama siya.

Akala niya papayag ako? Ulul.

Mamahalin pa 'yung mga pinili niyang restaurant. Ano ako? Tanga? Mamaya, magkaroon ako ng utang na loob. Wag na 'no.

Pinilit niya ako. Kulit kulit, potek. Dahil inaantok nako, at gusto ko ng matulog, pumayag ako pero dyan lang sa labas ng school. Balita ko masarap daw kasi ang sauce nila dito sa mga streetfoods nila. Foodtrip na iteeeeey.

Mukhang ayaw niya. Palag pa. Pero sabi ko di ako pupunta. Bahala siya sa buhay niya.

"Sige na nga."

Talo ka, boy!

"Okay. Okay." sabi niya.

Tumango lang ako. Feeling ko nagdadasal na 'to. OA, nakng.

Dumukmo nako. Maya maya'y nakaramdam nako ng antok. Ayos lang. Tinanong ko naman kay Sungit kung may gagawin. Gladly, wala naman.

Tulog..

Tulog..

Tulog..

Ilang sandali, may kumakalabit sakin. Dahan dahan akong umupo at iminulat ang mata ko. Isang anino na hawig lalaki ang tumambad sa aking mga mata. Minulat ko ng maayos ang mata ko.

Si Ash. Si Ash ang nasa harap ko. Magsasalita sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang pisnge ko.

"Ali, maganda ka. Magandang maganda ka. Iba ka sa mga babaeng nakilala ko." Totoo ba 'to?

Hinawakan niya ang kabilang pisnge ko. Papalapit na siya sakin. Hahalikan niya ba ako?

Papalag kaya ako? Ipinikit ko ang mata ko. Handa na akong halikan siya. Bahala na.

Ilang saglit lang, may tumatawag sakin. Isang boses.

"Ali.. Ali.."

Teka lang! Moment ko na 'to eh.

Biglang lumakas 'yung boses.

"Ali! Ali!"

"Ano ba! Hahali..."

"Hah?"

Si Ash...

"Ahh. Ehh."

"Tara na! Time na." sabay hila sa kamay ko.

Ang hawak na 'yan.

"Ano na?! Tara naaa!" sigaw niya.

"Huy. Ayos ka lang?" biglang kumalma boses niya.

"Hah? Ano. Oo. Tara." inayos ko ang bag ko.

Habang bumababa kami, tahimik lang ako. Potek, bakit nagkaroon ako ng ganoong panaginip. 'Yung pang pinakaayaw kong lalaki sa lahat ang mapapanaginipan.

Nakatitig sakin si ASH.

Play it safe, Ali.

"Ano tinitingin tingin mo diyan?" bulyaw ko sakanya.

"Ganda mo kasi eh." sabay ngising aso.

Shet! Bigla kong naramdamang uminit ang pisnge ko.

"Ano bang.. Ano.. Gago!"

"Sana nakikita mo 'yang mukha mo. HAHAHAHAHAHA!" sagot niya.

Ayan nanaman yang tawang demonyo. Bwisit.

Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Mangyayari rin kaya?

Ano bang pinagiisip mo, Ali! Gumising ka nga. Lalaki pa papatulan mo.

Pero, mangyayari kaya?

Partners in Crime [On going Tagalog story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon