Chapter 6: Bestfriends-kuno ♥

641 5 0
                                    

*Ali’s POV*

Wait.. Did he just asked me to be he’s girl bestfriend?!

Pero tama naman ang desisyon ko di ba? Na pumayag. Kasi pag hindi ako pumayag, mas malaking gulo ang aabutin ko. Paano nalang pag kinulit niya ako tuwing nasa klase kami? Edi bagsak ako n’yan. Imagine, hindi ako papasa at maiiwan ako sa 4th year. Mas masaklap ‘yun.

And besides, sa labas lang ng campus. Kaibigan lang ang kailangan niya. Kaibigan. KAIBIGAN at hindi KA-IBIGAN.

“K.” nalang ang naisagot ko. Wala na akong lakas para pahabain pa ang diskusyon namin. Napagod nako sa kakatakbo. Tama na.

Wala na akong paki alam sa mga susunod na mangyayari. Sa ngayon, gusto ko lang matulog. MATULOG ng walang nanggugulo.

Pero bago ako matulog. Kinausap ko saglit.

“Pst.”

“May pangalan ako.”

Ang sungit naman ng hayop na ‘to.

“Ash-ungot na Ash-ungit din.”

“Ulol mo.”

“Ehhhhh! May tatanong ako.”

Hindi niya ako pinansin at nagsulat sulat lang sa papel. Nung sisilipin ko naman kung anong sinusulat, nilalayo sakin. Bano. Mukha namang di importante kaya tinanong ko nalang ng diretso.

“May gagawin ba tayo ngayon dito sa subject na ‘to?”

“Hmm?” tipid niyang sagot.

“Punyeta ka. Meron nga?!”

“Wala. Unang araw ng pasukan. Usually, ganito lang kami dito. Walang maingay. P’wede magsalita, wag lang malakas. Bakit?” paliwanag niya saakin.

Ayos! Isang buong araw na tulog! Masaya dito. Balita ko nga puro culminating activity tapos may mga field trip na parang nagbabakasyon lang eh. Astig talaga dito.

“Sige. Matutulog ako.”

“’Wag muna! Mag-usap tayo. Gusto kitang makilala.” tutol niya saakin.

Uminit ang pisnge ko. Gago kasi masyado ‘tung ungas na ‘to.

“RULE NUMBER 3.” at dumukmo ako agad. Pagkadukmo ko ay wala na akong narinig mula sakanya. Mabait naman pala ‘tong hayop na ‘to eh. Sumusunod! Kung ganito siya palagi, aba! Magkakasundo kami!

*Ash’s POV*

Nakatulog na ata ‘to. Di na umimik eh. Gusto kong ugain ang upuan niya para maalog ang utak at gumising man lang. Gago talaga ‘tong babaeng ‘to.

Sa totoo lang, ayoko sakanya. Maton siya. Lalaking lalaki. Mas lalaki pa nga ata ‘to kesa sa mga barkada ko eh.

“Pre! May tatanong ako sayo.” sabi saakin ni Ken.

“Ano?!” irita kong sagot.

“Chill, tol. May gusto ko ba sakanya?”

“Hah?! Anong ka-putanginahan ang sinsabi mo?”

“Wala. Naisip ko lang. Ganyang mga mata rin ang nakita ko noong minahal mo si---”

“Pakyu ka. ‘Wag mo ng ituloy. Ayokong marinig ang pangalan niya.” Sagot ko. Ayoko na talaga kasing maalala ang sakit ng kahapon.

Masaya na siya! Dapat masaya na din ako. If I’ll keep thinking of the past, my present will ruin me like shit. Ayokong mangyari ‘yun. Ayokong isang araw, humihithit nalang ako ng shabu diyan at gabi gabing umiinom dahil gusto kong mag move on.

Isa siyang nakalipas. Na ayoko ng balikan. Isa pa, malayo na siya. Bitter na kung bitter. Punyatera.

“Okay! Fine. Pero ingat ka bro, hah. Masakit pag umasa.”

“Gutom nako.” Kahit kalian naman ‘tong Kai na ‘to. PANIRA ng moment!

Speaking of time. Bell na. Recess time! Pero heto siya. Tulog pa din. Should I wake her up or what?

“Yehey! Time na!” sigaw ng sigaw si Kai dahil namiss daw niya ang Lasagna ng chef ng school. Abnoy forever!

“Ano ‘tol? Baba na tayo.” Habang inaayos ang bag ni Ken at nakatingin sakin.

“Sige. Tara.”

Iniwan ko si Ali sa loob. Ayokong magising siya kasi kasama sa usapan namin ‘yun bilang magkaupo.

Pagkababa namin ay marami nanamang babaeng nagkakandarapa saaming tatlo.

ANG HIRAP MAGING POGI.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako assuming. Totoo lang ang mga sinasabi ko.

Lahat ata ng mga babae at binabae, nagkakandarapa saaming tatlo. Iba daw kasi ang charisma namin. Para kaming F3 na Koreanong hilaw. At higit sa lahat, malakas ang sex appeal namin. Astig.

Si Kai. Kaizer Zed Arellano. Pogi na maputi. ‘Yan talaga ang may lahing Koreano. Kaso medyo childish. Kinakapatid ko ng bunyag. Simula’t sapul na linilipad lipad palang kami ni Ken sa hangin, magkakaibigan na kami. Kalog ang utak nito. Matangkad. Masayahin. Parang walang iniindang problema. Nasa kanya na ang lahat. Pero hindi pa naiinlove at hindi pa naging seryoso. Torpe ‘tong gagong ‘to eh.

Si Ken. Kenneth Andrew Millanes. Kayumangi na pogi. Pinoy na pinoy. Kalog din minsan pero mas seryoso ‘to kesa kay Kai. Kapatid ko din sa bunyag. Kasama namin ni Kai sa lahat ng bagay. Minsan may habit ‘to na nagsasalita magisa tapos papangaralan kami ni Kai sa mga pinaggagagawa namin. Siya ang pinaka matalino saaming tatlo. Madalas kopyahan ng assignment as mas madalas na wala kasi nasa basketball ang buhay niya. Single din ‘tong mongoloid na ‘to. Mas torpe pa kay Kai at walang paligoy ligoy pag sa babae. Hindi ‘to KJ at sasabayan niya lang kayong tumawa at gumawa ng katarantaduhan.

Mga kaibigan kong kahit gaano man ako gaguhin at biruin, nandiyan parin sila at palagi naming nilulutas ang mga POGI PROBLEMS namin.

Partners in Crime [On going Tagalog story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon