Chapter 4

1.2K 24 9
                                    

So, HERE'S CHAPTER 4!! hope you like it! ^O^

------------------

"Kelangan niyong tapusin ang buong school year na 'to sa classroom ni Ms. Palasan, room 9... sana malagpasan niyo lahat ng test niya...kakaiba ang test niya.. tandaan niyo yan.. buhay ninyo ang nakataya dito" sabi ni Sir Andi

Gellai's POV

papunta na kami sa bahay namin ngayon... this time, hindi na namin kayang itago ang aming emosyon...
takot na takot na talaga kami...
"P-pano na yan? Sabi ni Sir Andi, sa classroom ni Ms. Palasan tayo buong school year..." sabi ko
"I guess, kelangan natin harapin ang babaeng yun." sagot ni Cheska
"ampota! *aray!* " si Greg
"bakit ka nagmumura?" sabi ni Cheska
"Di ko talaga mapigilan eh! nakakainis na talaga ang teacher na yun... pandamay!" sagot ni Greg ka Cheska.
"Fafa Greg!! I'm scared!!! PA HUG!!!" Drew... tong baklang to talaga oh.. pero atleast, pinatawa niya kami kahit papano..
"haha, loko ka talaga Drew. " sabi ni Darlyn sabay batok kay Drew.
si Kier naman sobrang tahimik
"Kier?" tawag ko sa kanya
"Oh?" - siya
"Okay lang yan, malalagpasan rin natin to... tiwala lang" sabi ko naman sa kanya
"Haha, oo nga eh, di ko akalain na aabot tayo sa ganitong situasyon, siguro sinubok lang nito ang pagkakaibigan natin." sabi niya
"haha, ikaw talaga! " yun nalang ang nasabi ko...
sana nga malagpasan namin to...

~~~~
Next Day


Third Person's POV

Umaga na ng magising ang magkakaibigan, hindi gaya noon na masaya sila tuwing gigising sila sa umaga... Iba na ngayon dahil bawat araw ay kelangan nilang harapin ang teacher na yun sa room 9
Natatakot man sila ngunit di nila yun ipakita sa teacher na yun para kahit papano ay hindi mahalata ng teacher na yun ang takot nila at baka di na tuluyin ang plano niya
Kelangan nilang magpakatatag para sa kinabukasan nila at sa pamilya nila.


Nakapasok na sila sa classroom na iyon... sabay sabay silang pumasok at sinisiguradong walang mahihiwalay o mawawala sa landas nila

Nang makapasok na sila lahat, biglang nagsara ang pintuan ng classroom na iyon at may isang napakalakas na tawa ang narinig ng anim na magkakaibigan.
Hinanap nila kung saan nanggaling ang boses na iyon pero ang nakita nila ang ang teacher na nasa harapan nila... Di naman medyo nakakatakot ang mukha ng teacher na yun pagka't walang galos ang mukha nito at walang dugo ang damit... di gaya nung unang nakita ito ni Gellai...

Gellai's POV

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA~~" tawa ng isang babae...
Hinanap namin kung saan nanggaling ang boses na yun pero hindi namin nakita...

sa Likod, sa Kaliwa sa Kanan.. wala

pagharap ko

"Kyaah!" di ko mapigilang mapasigaw sa gulat...
nasa harap na kasi ang TEACHER namin...

"I'm Ms. Palasan, your teacher for the whole school year" - walang ka emo-emosyon na sabi niya.
 tahimik lang kami... hanggang sa nagsalita na siya...
"Ano ba? tutunganga lang ba kayo diyan?" tanong niya.
"G-good morning Ms. Palasan" mautal-utal na sabi ni Kier

"so, isa lang pala ang babati sa akin... " -sabi niya at bigla nalang nag-iba ang aura niya at naging kaawa-awa na siya kung tingnan

"Mga salbahe talaga kayong bata!!!...
..Di na kayo naaawa sa akin!...
...Ano pa ba ang gusto niyo???...
... ang mawalan ako ng trabaho?...
..Pwes, DI AKO AALIS SA CLASSROOM NA ITO!!!...
.. ang pagiging guro ko ang BUHAY ko at hindi ito mamamatay KAHIT KAILAN!!!!..."  puno ng poot at galit niyang sinasabi ang mga katagang iyon...
ano ba talaga ang nangyari sa kanya?
bigla nalang siyang humiga sa sahig... nahimatay siya... nahihimatay ba ang multo? Naguguluhan na talaga kami...
agad ko siyang nilapitan nung nahimatay siya.

Room 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon