Chapter 7

887 16 4
                                    

Hii~~!!! Eto na and continuation!! sana magustuhan ^O^

PS. Rated SPG ito. ^ u ^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Maam!!! Kung ano man ang nagawa namin sa inyo.. P-P-Patawarin niyo na po kami!!!"- sabi ni Eman

Greg's POV

"Please ma'am! Please! Maawa po kayo!!" sabi ng isang estudyante

konti nalang silang nakatayo pagka't ang iba ay nakahiga na, duguan at walang buhay

"Hahaha!! Eman, Eman, Eman... "

"Tutal, mabait ka naman sa akin at di mo ako binabastos...Kawawa ka naman kung idadamay pa kita diba? Pero... ano kaya magandang gawin ko sa'yo? Hmmm." sabi ng guro at nag-iisip

"Patatakasin kaya kita? Ay! mali.. Papatayin nalang kita! Pero, hindi ganun ka brutal? Hmm... "

"Pag bilang ko ng hanggang siyam, kelangan mahanap mo ang susi... ang susi ng pintuan."- nakakatakot ang bawat tono ng kanyang pananalita, minsan galit, minsan naman malambing, minsan parang bata.

"Isa"- nagsimula ng maghanap si Eman

"Dalawa..."- di niya pa rin nakita ang susi... pumunta siya sa Teacher's Table at hinalungkat lahat ng mga bagay doon..

"Tatlo"- dun na naman siya sa kabilang banda ng classroom may mga cabinet doon at mga notebooks.. nagkakagulo na ang classroom.. ang mga natirang estudyante naman ay tahimik lang at tulala dahil na trauma sila nung nakita nila kung ano ang nangyari sa iba nilang kaklase...

"Apat... Lima.."- Dun na naman siya sa bintana, nagbabakasakaling may nakasabi doon na susi. at tama nga siya.. may  MGA SUSI... pumunta siya sa pintuan at iniisa-isa ang mga susi

"Anim... ahahah!"- Ang daming susi.. 

"Pito..." mas lalung nataranta si Eman dahilan na nahulog ang isang susi... ang pinaka huling susi..pero may nakita siyang isa pang susi sa ilalim ng floormat nila...

"Walo..." ipinasok niya ang susi at *tick* nabuksan ang pintuan.. dali-daling umalis si Eman sa Room.. 

"May nakalimutan siya..." sabi ni Ms. Palasan sa kanyang sarili

"Hmm.. kayo, ano kaya pwede kong gawin sa inyo?? hmm.. " at nag isip muli si Ms. Palasan "Aha! ALam ko na! Diyan muna kayo tutal, mga bobo naman kayo... tssk! " at pinabayaan niya ang mga natirang estudyante. Nalilito na ako sa mood ni Ms. Palasan, totoo ba talagang galit siya? oh baka naman gusto niya lang talagang pumatay? 

Bumalik na si Ms. Palasan at kinuha niya ang susi na nasa pintuan.. inilagay niya ito sa drawer kasama ang mga Betadine, alcohol.. dun sa first aid kit niya nilagay . ano na naman kaya ang plano niyang gawin ngayon?

"*knock Knock knock* Ma'am?? " boses lalaki

"Oh, pumasok ka muna at i-lock mo ang pintuan" sabi ni Ms. Palasan, napahinto naman ang lalaki at nakatayo pa rin sa labas ng pintuan.

"Ano po ba ang kelangan ninyo sa akin?" sabi ng security guard sa paaralan namin, si Manong Maning...bakit siya nangdito?

"Samahan mo ako, uubusin ko sila, alam kong sabik na sabik ka na sa dugong tao Maning"- nakangiting sabi ni Ms. Palasan

Room 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon