Chapter 9

820 18 3
                                    

Hi there!!! ^ u ^ Maraming salamat sa pagsusuporta ninyo sa Room 9!! So, Here's Chapter 9

Happy Mother's Day na rin sa mga mama, mommy, at nanay ninyo.. :D  

Dedicated to @LearoseGandaraa  LALABS you chaNAK.. :* muwah muwah para sayo ang chapter na ito.. :D

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

*lub dub lub dub lub dub* ang bilis na ng tibok ng puso ko... natatakot na ako. Mama, papa, kung dito man ako mamamatay, please sana sa pagpikit ng akin mga mata ay makikita ko kayo... Namiss ko na kayo.. Alam kong impossibleng makapunta sila dito pero umaasa pa rin ako.

Gellai's POV

"Isang galaw niyo lang diyan ay mamamatay na kayo. AHAHAHAHAHA"- sabi ni Ms. Palasan at biglang naglaho... Nilibot ng aking dalawang mata ang paligid. nagtataka ako, pano kami mamamatay eh wala naman kahit anong mga bitag o kung ano mang pamatay na bagay na nakalagay sa paligid namin? "Ch---" Nakalimutan ko, di dapat ako gagalaw. Kahit bibig man lang. Baka ito na ang katapusan ng buhay namin.

Greg's POV

"Nasan na ba sila Cheska??" Nag aalalang tanong sa amin ni Darlyn habang ako naman ay halos mababaliw na kakaisip kung nasan na sila. 

"Greg, pati si Ms. Palasan ay nawawala rin.. baka isinama niya ang dalawa."- sabi ni Drew

"Naku, wag naman sana.. Oh God, please tulungan niyo po kami dito." sabi ni Darlyn habang nakatingala sa kisame ng classroom. 

"Oh God, please tulungan niyo po kami dito. HAHAHA."- sumabat si Ms. Palasan at ginaya-gaya pa si Darlyn.. Sinamaan siya ng tingin ni Darlyn... 

"Wala na kayong magagawa, kahit anong gawin ninyo ay mapapatay ko kayo... Kaya mag paalam na kayo sa isa't-isa.." Ayan na naman ang mapaglarong boses niya... Mas pina-iinis niya lang kami eh!

"Guys... n-n-nakita ko na ata ang susi ng gate... " sabi ni Kier na kakalabas lang galing Stock room... "Oh my."- sabi niya nang mapanisin niyang tinitingnan siya ni Ms. Palasan at parang galit na galit na ito...

"AHAHAHA.." malademonyong tawa niya at biglang nag iba ang kulay ng mata niya, naging pula ito. nakakatakot... "Gusto mo talagang ikaw ang unahin ko..."- sabi niya at humakbang siya palapit kay Kier...

"G-greg... p-paki sabi k-kay m-mommy at d-daddy.."- sabi niya habang humakbang paatras.. at si Ms. Palasan naman.. humakbang palapit.

"MAHAL NA MAHAL KO SILA!!! TUMAKBO NA KAYO!!!! OH ETO ANG SUSI!!!"- at inihagis niya ang susi... nahulog iyon sa sahig kaya pinulot ni Drew habang ako naman ay hindi makapaniwala sa ginawa niya...

"Kier!! Sumama ka na sa amin Kier!! Walang iwanan diba??? " - Nahawakan na siya ni Ms. Palasan at alam kong malapit na siyang kainin ng guro.

"Matagal-tagal akong maubos ng lokang babaeng ito!! Kaya may oras pa kayong tumakas at hanapin si Gellai at Chesk--- ARAAAY!!! TAKBO NA KAYOO!!!!!!!" sabi niya.. kinagat siya sa leeg ni Ms. Palasan at napisikan ako ng kaunting dugo sa may mukha ko pero mas natuon ang attensyon ko kay Kier na unti-unting nawalan ng malay... Kier....

Si Kier.. ang pabakla-bakla naming bestfriend.. Siya ang tinaguriang CLOWN sa aming barkada dahil kahit na malungkot na ang lahat at feeling DOWN na talaga, siya yung nagpapasigla sa amin sa pamamagitan ng mga corney ngunit bentang-bentang jokes niya.. Kumbaga, sa amin lahat, siya yung masayahin, laging nakangiti kahit deep inside malungkot na siya at nag-aalala.. pero eto ako ngayon.. pinpanuod siya habang kinakain ni Ms. Palasan..

"Greg! Halika na! Wag nating pag-aksayahan ang sakripisyong ginawa ni Kier para sa atin.!!"- at hinatak niya kaming dalawa ni Darlyn palabas sa room..

Room 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon