Chapter 6

991 17 6
                                    

Hello~!! eto na ang Chappie 6!!! enjoy reading!

@PrincessCeres para po sa'yo ang chappie na 'to.. thank you po sa pag encourage sa akin.. ^O^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"bukas na bukas, kelangan maging handa tayo sa muling pakikipagtuos sa atin ni Ms. Palasan"- Gellai

Gellai's POV

nagsipaghandaan na kami sa pagpasok namin sa paaralan...

noon, isang normal lang kaming mga estudyante at walang problema sa buhay.. pero ngayon, kelangan naming harapin ang aming GURO na magpaparusa sa amin...

"Oh.. sige na mga bata, dinamihan ko na ang mga niluto ko para meron na kayong pananghalian sa classroom ni Liza" sabi ni manang

alam namin na nag-aalala siya sa amin at kung ano ang maging kahahantungan namin sa classroom ng kanyang anak. sa room 9

pero ginawa rin namin ito para sa kanya para mabigyang kasagutan ang mga katanungan ng bawat isa lalung-lalo na sa kanya...

*KRIIINGG!!!*

at nagsipasukan na kami sa aming mga classroom... kakatapos lang ng flag ceremony...

parang kakaiba tong araw na to... I mean, palagi namang kakaiba ang araw namin simula nung nandito na kami sa room 9 pero mas lalung naging misteryoso ang araw na to... ibang-iba siya sa mga nakaraang araw... ewan ko ba. baka ako lang ang nakaramdam nito..

"Good Morning class.. " - nandito na pala siya.. biglang sumulpot sa ere ang ADVISER namin, si Ms. Palasan

"Ano!!??? wala bang sagot?? aba.. kayung mga estudyante!! MGA WALA KAYONG RESPETO!" gigil na gigil na siya at handang handa na siya para saktan kami.

"Good morning ma'am.." - at biglang nagsulputan ang mga estudyante, MGA MULTONG ESTUDYANTE

napatigas kami sa aming kinauupuan.. nagmamasid sa kapaligiran.. ngunit biglang napukaw ang aming atensyon nung nag-iba ang takbo ng oras

Flashback

(si Gellai ang nag narrate nito sa mga nakita niya)

"hahaha!!! tingnan mo nga ang bago nating teacher!! parang MARIA CLARA!!" bulong ng isang maarteng estudyante

"Oh my Gosh, di ko to ma carry na may pulubing makikihalo sa sosyaling school natin noh!!"- sagot naman ng mas maarteng estudyante. Grabe pala ang mga estudyanteng ito, ang kikinis ng kutis, ang mukha naman puno ng sari-saring kulay, ang kuko naman nila may nail polish at ang taas pa ng mga ito na halos magkapantay na. At ang mga damit naman nila, ang iksi at masyadong LIBERATED.

may pumasok na isang guro.. makikita mo sa kanyang kasuotan na hindi siya ganun ka yaman pagka't ang uniform niya ay halatang tahing-kamay, at hindi naman ganun ka kinis ang balat niya... ang mga estudyante naman, todo pagpaparinig sa gurong iyon pagka't halos lahat sila ay matapobre at mayayaman

"Good morning class, I am miss. Elizabeth Palasan, your new teacher for the whole school year."- kaswal na sabi ng guro..

"walang good sa morning kung 'yang pulubing mukha mo ang pambungad namin sa araw na ito." sabi ng isa,

Room 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon