Chapter 10

773 22 3
                                    

Happy 1k reads.. :D

Maraming salamat sa patuloy na pagsusuporta sa Room Nine!! :D Super appreciated ko ang efforts ninyo sa pagbabasa ng story ko.. Salamat.. :)

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

 "Diba multo lang siya?"- Darlyn

Gellai's POV

Nabuhayan naman ako nang marinig ko ang sinabi ni Darlyn.

"Oo nga noh?" - Pagsisigunda ni Cheska.

"Teka muna, di ko naintindihan ang mga pinagsasabi ninyo." -Drew

"Kung multo siya, di niya tayo mapapatay dahil wala namang kapangyarihan ang mga multo para manakit ng tao dahil isa lamang silang multo na may kayang manakot." sabi ko.

"Tama, tama.. Kung ganun, hindi si Ms. Palasan ang nagpatay kay Kier?"

"Baka buhay pa si Kier!!" - Ako..

nandito kami ngayon sa playground. Papunta na kami sa gate ng school...

"Siya ba ang hinahanap ninyo?"- sabi ng isang malamig na boses...

"K-kier!!!.. Ibaba mo siya! Please!! Maawa ka sa kanya!" Sigaw ni Cheska

"M-manang?!!"- nakakagulat... b-bakit? bakit siya pa? Nakita nalang namin siya na hinila si Kier na wala nang malay at naliligo na ng sarili niyang dugo.

"G-ginawa namin ito para sa'yo pero trinaydor mo kami manang??? Pano niyo nagawa sa amin ito?!"- Singhal ni Greg

"Tumahimik ka Greg!" - singhal pabalik ni manang kay Greg

"Unang-una, napakabobo niyo naman kung di niyo namalayan na ako ang kumatay sa lamang-loob ni Kier. Tsk, kawawa naman kayong mga bata kayo." sabi ni Manang

"Bakit niyo nagawa sa amin 'to? Ikaw pa naman ang pinagkatiwalaan ni Daddy para mag-alaga sa amin!!!" - ako di ako makapaniwala na magagawa sa amin ni manang ito. 

"At nagtiwala pa talaga kayo sa akin??? Diba nalaman niyo na... na isang cannibal ang anak ko? Malamang nag mana yun sa nanay... HA.. HA... HA.. "

"Oo, ako ang nagpatay kay Kier. At kayo naman ang isusunod ko... Ikaw Gellai, di mo ba alam na ako rin ang naglagay ng mga kutsilyo dun sa covered court? HAHAHA.. para malaman niyo nang lahat, PINLANO ko na ang kamatayan ng bawat isa sa inyo.. kaya..."- tumalikod siya at ..

"Bibilang ako ng sampo... pero di pa kayo nakatakas, malamang, makauwi na ang bangkay ninyo. HA HA HA..."- sabi niya.. at nagbilang na

"Isa...."- nagtakbuhan na kami at papunta kami sa likuran ng isang classroom... malayo na kami sa kanya kaya di na namin narinig ang bilang niya.

"Huhuhuhuhuhuhu..." may narinig kaming iyak sa bandang kanan namin... pareho kaming nakatago sa likod ng classroom at sumilip kung nandito na ba si manang Lita, oo si Manang Lita ang kalaban namin...

"Huhuhuhu..." nakarinig ulit kami ng iyak. kaya napalingon kami at nakaita namin si Ms. Palasan na nasa ere at umiiyak ng dugo... 

"K---" di na ako napasigaw kasi tinakpan ni Drew ang bibig ko 

"Gellai, enerhiya lang siya... kaya niya tayong takutin pero di niya tayo kayang saktan kaya pmikit ka nalang at wag siyang pansinin." bulong niya sa akin...

Room 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon