Sowwyyy for the VERY LATE update.. tambak kame ng gawain ee.. XD
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
*Flashback* 6th Grade
Drew's POV
"HAHAHA!! Drew! Nakakatawa talaga tong si Gellai noh? Man hater talaga."-sabi ni Greg sa akin nung nakita niya si Gellai na nang busted ng manliligaw. At sinabi niya pa na, "You love me? Tsk. I.. HATE YOU MORE.."
"Di ka pa ba nasanay? eh tayong tatlo lang ata ang kaibigan niyan ni Gellai diba?"- Kier
Ako naman.. tahimik lang na nakikinig sa kanila, at pumunta na si Gellai sa garden kung saan dito kami laging nagtitipon magbabarkada.
"TSK. Kainis yung lalaking yun. Nagutom tuloy ako. Kain na tayo?"- Snack time na kasi. kaya nasa garden kami..
"Ok.."-ako
Grade 6 kami... simula nung nagkagusto ako sa kanya, pero tinatago ko ito. Eh baka layuan niya ako. Kaya ganun, ayokong sabihin sa kanya.
Duwag ako eh.
*end of flashback*
Blag!Blag!Blag! " Drew.. N..Natatakot ako dito drew... buksan mo ang pintuan please.. Drew.." mangiyak-ngiyak na sabi niya sa akin.. Kung pwede lang sana, ikaw ang nasa labas at ako ang nasa loob para makatakas ka na.
"Drew? Bakit ayaw mong sabihin sa kanya ang nararamdaman mo? Tutal, papatayin ko naman kayo eh."- sabi ng isang babae na nasa likuran ko.. at nakita ko si manang Lita.
"Manang?"
"Bawat pagsulyap mo sa kanya, halatang higit pa sa kaibigan ang pagmamahal mo sa kanya."- siya
"Palayain mo na siya, kahit ako nalang ang patayin mo." pagmamakaawa ko sa kanya
"Talaga? Pwes, lumaban ka para sa kanya. Eto na ang pag-asa mo para makasama mo siya. Labanan mo ako Drew."- nakangising sabi niya sa akin.
"ARRGHH!!" Sabay lipad ng kamay ko na may hawak na bakal. Patawad Manang... pero sumusobra ka na. Baka si Gellai na ang isusunod mo..
"AH!!" Ungol niya dahil natamaan ko siya. Nakahiga na siya sa sahig.. kinuha ko agad ang susi na nasa tali sa leeg niya
"Drew!? ARAAAY!!!!!"-sigaw ni Gellai mula sa loob.
"Gellai?" ginamit ko ang bakal para mabuksan ko ang door knob. at nagbukas naman ito. Nakita ko si Gellai na nakahiga sa sahig at walang malay. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang makita ko ang dugong dumadaloy sa ulo niya.
"Gellai, gumising ka... Huwag mo'kong iwan! Gellai, please, takot ako mag-isa. Takot ako pag.. pag wala ka.. Gellai, please..." tinapik-tapik ko pa ang pisngi niya..
"D-drew?" Mahinang bulong niya at bahagyang namulat ang mata niya...
"Salamat at nagising ka na... Salamat at di mo'ko iniwan.." sabay yakap ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo niya.
Gellai's POV
Inalalayan ako ngayon ni Drew at papunta na kami sa Gate... Tumigil na sa pag-agos ang dugo sa ulo ko. Maliit lang naman ang sugat na natamo ko, pero may naamoy ako kaya nawalang ako ng malay. Hawak na ni Drew ang susi ng gate.. kaya makakalabas na kami..
"AHHH!" sigaw ni Drew at nakita ko na siya na nakahandusay sa sahig... Si Manang Lita, may hawak na kutsilo.. puno ng dugo.. dugo ni Drew..
"*huk* *huk*.." Hingal na hingal na rin si manang pero nakangiti pa siya.
"Manang... buti ka pa manang.. nagawa mo pang ngumiti kahit nakapatay ka na ng tao... yung mga pinatay mo pa, sila pa ang nagtitiwala sa inyo.. di mo lang ba alam na kaya kami nagtitiis sa classroom ng anak mo, dahil gusto naming matulungan ka. Pero. heto ka ngayon, INISA-ISA mo kaming inuubos. Manang, wala man lang bang natirang kaunting awa diyan sa puso mo? Utang na loob manang, nakatira pa ba yan diyan?" Tumulo na ang luha ko.
"Di mo kasi alam ang pakiramdam na mawalan ng anak Gellai."
"Pero bakit kami? Bakit sila?" Pagtataka ko.
"Di mo kasi alam Gellai! WALA KANG ALAM!!!" Singhal niya.
"Bakit di mo sabihin sa akin.. para malaman ko?"
"Plinano ko na lahat Gellai, simula pa nung paglipat ninyo sa bahay niyo dito. Simula nun, natuklasan kong ang mga magulang ninyo ay isa sa mga estudyante ng anak ko." - sabi niya.
"P-pero manang, 2 years ago pang patay ang anak niyo, impossible naman na maging estudyante niya ang parants namin."
"Hindi Gellai, ako ang naglagay nung class record sa room 9. Ang totoo niyan, ang papa mo at ni Darlyn, kasama ang mga Mama nina Drew, Greg, Kier at Cheska ay naging estudyante niya. At nakaligtas sila noon, dahil sa araw na gumanti na si Liza, ang magbabarkada.. ang mgaulang ninyo, ay absent dahil napag-isipan nilang magpakasaya muna... Kaya di matahimik si Liza, palagi niya akong binibisita sa panaginip ko... "- sabi ni manang at tumulo na ang luha niya.
"Manang, patawarin niyo po ang mga magulang namin, sa mga kawalangyaang ginawa nila sa anak mo. Oo, alam ko na mga matapobre ang magulang namin nung mga bata pa sila dahil hindi sila sanay maghirap.. Kaya manag, pawatarin mo na sila.. Please manang.. Palabasin mo na kami... Maawa ka ni Drew manang, nag-aagaw buhay na siya." sabay tulo na naman ng luha ko..
tiningnan ko si Drew.. Drew, please, wag kang mawala.. ikaw nalang ang natira sa akin Drew, huwag mo'kong iwan, wala na akong bestfriend..
"DREW!! GUMISING KA! MAGSALITA KA! DREW! HUWAG MO'KONG IWAN!"
"Aray! Gellai, ang sakit naman ng paghampas mo sa dibdib ko..." mahinang bulong niya.. kaya napangiti ako..
"DREW!" Di ko napigilan kaya niyakap ko siya. "Thank God at buhay ka!"
"Pano ba naman ako mamamatay, eh ang lakas ng sigaw mo, di ako makatulog.."
"Uwi na tayo Drew, umaga na, hinanap na tayo ng mga magulang natin.." sabi ko.
"Nasan na si Manang?" tanong niya.
"Pinalaya na niya tayo..Drew, ligtas na tayo."- sabi ko at napatingin agad ako sa kalangitan. "Salamat." bulong ko.
"D-Drew?? Drew!!!! Gumising ka!" Agad akong nataranta habang tinapik-tapik ko ang mukha niya, nasa tapat na kami ng gate at nandito ako nakaupo sa ground habang nakahiga sa hita ko si Drew..
"A-aray.. Gellai, hinay-hinay sa pagtapik mo, may pasa pa ako sa mukha..."
"Drew naman eh, akala ko iiwanan mo rin ako..." sabi ko habang tumulo na ang luha ko.
"Shhh. hinding-hindi kita iiwan..." at pinahiran niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
HAPPPPYYYY ONE LAST CHAPTER!!! lapit nang matapos.. HAHA! Sowwy short lang ang story... :3
sabaw na ba ang UD? XD
BINABASA MO ANG
Room 9
Mystery / ThrillerIsang paaralan na makulay at puno ng KASIYAHAN Paaralan na konti lang ang mga ESTUDYANTE Paaralan na kahit hindi gaano kayaman ay disiplinado at puno ng RESPETO ang mga ESTUDYANTE sa bawat isa Paaralan na may 25 na silid-aralan sa kabila ng lahat...