Hello there!!! Thank you at napagtyagaan mong basahin ang story ko hanggang Chapter 5!!!
Dedicated to PrincessCeres..
para po sayu ang chappie na to.. hehehe
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
"m-ms. Palasan? Yan ba ang pangalan ng sinasabi ninyong teacher sa Room 9?" tanong ko sa mga bata
Manang's POV
Dalawang taon na ang nakalipas... at dalawang taon na rin akong nabubuhay mag-isa... Simula nung nawala siya sa akin, para na rin akong walang buhay...
Ako si Lolita Palasan... at ako nalang mag-isa ngayon na nabubuhay sa mundong ito...
May isa akong anak na babae, naging titser siya, sobrang saya ko nung nakita kong nagtagumpay ang aking anak... laking pasasalamat ko sa Maykapal at sa tulong na rin ng pagiging kasambahay ko, nakatapos ng kolehiyo ang aking anak.. si Liza
pero nung nagkatrabaho na siya, lagi nalang siyang umuwing luhaan... Nagtataka ako kaya tinanung ko siya ng panahon na yun..."Anak, okay ka lang ba? Kamusta na ang trabaho mo?" - tanong ko
"N-Nay, a-ang h-hirap pala... B-bakit ganun sila? D-di nila ako nirerespeto... " sagot niya.. nakita ko sa mukha niya na sobrang pagod na siya...
"A-anak, nandito lang si nanay, handa akong makinig sa'yo"
"Nay, gusto ko na mai-ahon kita sa kahirapan nay, kaya di ako susuko... Ipapakita ko sa kanila ang tunay na lahi natin..." - nung sinabi niya yun, bigla akong nakaramdam ng takot... baka magaya siya ng yumaon niya ama... Diyos ko po, sana huwag Niyo sana siyang pababayaan.
"A-anak.. kung napapagod ka na, pwede namang ibang trabaho nalang ang papasukan mo... "
"Hindi nay, hindi... "at kinabukasan, tuwing gabi nalang kami makakapag-usap dahil gagabihin siya sa kanyang pag-uwi, minsan naman may mga kalmot siya sa braso at madungis ang itsura niya ..
"anak, anong nangyari diyan sa braso mo?" - tanong ko sa kanya
"Wala po ito nay..." yan ang sagot niya. minsan naman "Ah, ito ho ba? Naglilinis kasi kami sa Classroom kaya nadumihan ang damit ko"wala namang pinagbago sa pakikipagtungo niya sa akin pero yun nga lang, gagabihin siya sa paaralan.. di ko naman maiwasang magtanong sa kanya
"anak, bakit ngayon ka lang? "
"ah.. kasi marami pa akong inasikaso sa eskwelahan.. mga bagay na dapat TAPUSIN..."
"Pero bakit gabi-gabi nalang?"
"Naku inay, MATITIGAS kasi ang mga GAWAIN eh... " sabi niya... kaya nagtaka ako.. MATITIGAS?
"Matitigas o mahihirap ang mga gawain mo sa paaralan?"
"oho inay, ganun na nga..." at yun ang huling pag-uusap namin... sa sumunod na araw, sabi niya papasok na siya sa paaralan.. pero nung nag hapon na, hanggang sa makulimlim na... hanggang sa maghating gabi na, di ko na siya nakikita... di pa siya umuwi
nagdaan na ang tatlong gabi, di pa rin siya umuwi sa bahay... nag-aalala na ako sa kanya... Diyos ko, sana okay lang ang aking anak...hanggang sa isang gabi, nakita ko siya sa labas ng aming bahay... malungkot at maraming dugo ang kanyang uniporme...
"anak? anong nangyari sa iyo?? Halika pasok ka.. bakit ka nagkakaganyan???" - tanong ko sa kanya, pumasok ako sa kwarto para magkuha ng tuwalya at dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig
nung bumalik ako, nawala nalang siya ..
"Liza, san---""Magandang araw ho Misis, kayo po ba ang ina ni Elizabeth Palasan" tanong ng isang pulis sa akin...
bigla akong kinabahan, baka ipapakulong nila ang anak ko...
"Oo, anong kailangan nila?"
"Ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na PATAY na po siya.. natagpuan namin siya sa Room nine sa Azura National High School... Dinala na namin siya sa punerarya..."
bigla akong nakaramdam ng pagkirot sa puso ko... pero naglakas loob akong magtanong sa pulis,
"A-ano ba ang nangyari?"
"Misis, ang mga estudyante po ang nakakita sa kanya, dahil kanina, biglang nangangamoy na umalingasaw sa paaralan na yun, kaya naglinis sila dahil akala nila na mga basura lang yun.. pero nung nakalapit sila sa Room Nine, mas naging malakas pa daw ang baho na naamoy nila... sobrang baho daw nito na halos masusuka sila..."- sabi ng pulis
ilang sandali... nagsalita muli ang pulis.
"at dahil sa kyuryosidad ng mga estudyanteng iyon, pumasok sila at dun nila natagpuan ang

BINABASA MO ANG
Room 9
Misteri / ThrillerIsang paaralan na makulay at puno ng KASIYAHAN Paaralan na konti lang ang mga ESTUDYANTE Paaralan na kahit hindi gaano kayaman ay disiplinado at puno ng RESPETO ang mga ESTUDYANTE sa bawat isa Paaralan na may 25 na silid-aralan sa kabila ng lahat...