Chapter 4.0: 3 punches

487 17 13
                                    

chapter 4.0

==================

authors note:

thank you talaga ..sa lahat ng nagbabasa...:3 sana happy kau :3 alab alab you 1k + readers..xDD

==================

[John's POV] (twin brother of josh)

" please! I'm begging you! 1 month lang...or 3 weeks ..or 2 weeks..Oo two weeks nalang!!"

Wagas naman magmakaawa to..Halos nakasubsob na yung mukha nya kulang nalang halikan nya yung sahig eh. Ako naman nakaupo lang dito sa sofa ng kwarto ko..pinapanood lang sya..=__= at naiirita na ko.

" Ako? girlfriend mo? Iniisip ko palang ..pwede na kong mamatay!"

"Talaga?payag ka na? sabi na nga ba may crush ka sakin eh!" Bigla syang tumayo saka ngumiti abot hanggang tenga.

" PWEDE NA KONG MAMATAY SA BUGBOG MO! iniisip ko kung anong itsura ko nun! Alam mo ba yung ginawa mo sakin last year? Nawalan ako ng ngipin dahil sayo!"

Last year ..Hinding hindi ko malilimutan yung babaeng yun..

[ Flashback ]

" John..please..mahal kita.."Nasa likod kami ng school ng 'EX' ko..nagbreak lang kami kani-kanina kasi naiirita ako sa mukha nya..meaning..sawa na ko..pero nakakatuwa syang umiyak ..parang bata lang..kaso sawa na nga ako eh.

"Umalis ka na. UGLY HAG "

Buti naman tumakbo na sya dun sa sinabi ko..Pero nakakatuwa talagang saktan ang mga babae..Hindi naman sa galit ako sa kanila.. Sadista lang talaga ako..Pero namimili lang ako ng sasaktan.. Yung magaganda ..

"WAAAA~" 

 May nadapang babae sa harap ko ..pero medyo malayo-layo sya sakin..Subsob yung mukha nya saka nakakatawa kasi dun pa sya sa putikan bumaksak. Bigla na syang tumayo saka pinagpupulot yung dala dala nyang libro saka papel..buti sa may damuhan lang bumaksak yung mga libro..

Tumayo nako saka balak syang tulungan. Gentleman parin naman ako..

"Miss..tulungan na kita?" Nung pagharap ko sa kanya..medyo natulala ako kasi ang cute nya..sarap titigan ng matagal yung mata nya..Pwede kong masama to sa koleksyon ko :D

Kaso nung pagkuha ko dun sa isang papel..

Nagkadikit yung kamay namin ..

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

WAPAK! WAPAK! WAPAK!

"ARAY!" napaupo ako sa sahig kasi ang lakas ng impact sa pisngi ko..feeling ko parang nabunutan ako ng ngipin..

"s-s-s-s-ss-sorry.." Nagbo-bow lang sya sakin..saka yung mukha nya mukhang takot na takot..

"may androphobia kasi ako ..kapag nakakahawak ako ng lalaki o lumalapit sila bigla bigla ko nalang sila nasasaktan kahit wala silang nagawang kasalanan sakin..kaya sorry!"

"Hindi..okay lang.." HINDI OKAY! >:((

"T-T-T-T-Tutulungan na kitang tumayo.."

" WAG N---!" 

Kaso..hinawakan nya ko sa braso kaya..

WAPAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAK!!

Dear God,

Ayoko pang mamatay..pero kung sakali man..

Please..Kung sa Hell man ako mapupunta..Gusto ko yung may mga Hot at Sexy Girls para hindi ko maramdaman yung init dun..

My Otaku Girl (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon