JA(S.2) 18: Date Part II

624 7 12
                                    


Zabea's POV

"Huwaaaaaa! Ang gandaaaaa! *O*" namamanghang sigaw nina Natz

"Woah.... Pare mukhang ahas na malaki oh!" sigaw ni James sabay turo sa pulang rollercoaster

"Picture tayo!" sigaw ni Dev, kaya may pinaki-usapan kaming mama at nagpapicture.

*click*

*click*

*click*

"Tara!" excited na wika ni Rain

Natatawa naman akong sumunod sa kanila.

Nang makapasok kami ay agad naming nakita sina Sandra, Lim, at Kaizer na naghihintay.

Lumapit naman sila sa amin.
"Pare! Miss ka na namin! Pahug naman diyan!" sigaw nina Lim tapos tumakbo patungo kay Kambal habang naka-open arms.

Pero nanlaki ang mata ko'ng lumiko siya at tumakbo patungo sa akin.

Isang dipa na lang sana ang layo naming dalawa nang pingutin siya ni Kambal, napatawa tuloy ako.

"Nandito ako buloy! Tsk! Ikaw talaga Para-paraan!" saway sa kanya

"Hehehe..... Sorry naman." nakangising sabi ni Lim, lumapit naman sina Sandra at Kaizer.

"Hi." tipid na bati ni Kaizer.

"Hello! Hahaha! Shawn! May kapareho ka na oh!" wika ni Rain

Nagtawanan naman kami except sa dalawa na alam niyo na kung sino-sino.

"Good Morning Guys!" matamis na bati sa amin ni Sandra, bumati rin kami pabalik sa kanya

"Ah, Sandra, okay ka na ba?" tanong ni Kambal

"Yep! Pinabuhat niyo pa nga ako kay Mariah kagabi eh!" masiglang sagot niya

O_______O!!!

"What?! Pinabuhat niyo siya?!" nabiglang tanong ko

"Oo! Pati nga si Mariah eh!" proud pang sagot ni Mayabang

"What the effin' H?! Mga baliw ba kayo?!" galit na tanong ko

"Ikaw Shawn! Bakit mo sila pinabayaan?! Akala ko ba matino ka??" tanong ko kay Shawn

"Trip ko." nakakibit balikat na sagot niya

Natampal ko na lang ang noo ko.

"Haaaaysh! Huwag na nga kayong mag-argue diyan! Nakapagbili na ako ng tickets! Oh ayan!" natatawang saway ni Carl at pinagbigyan kami isa-isa.

"So, anong uunahin natin?" tanong niya

"Yun! Yun! Yun!" turo ni Rain sa carousel. Seriously? Yan?

"Rain, huwag yan pangbata lang ya-----" naputol ang sasabihin ko nang sumabat si Sandra

"Game! Tara! Rain tama?" tanong niya sabay kapit sa braso ni Rain

"M-hmm! Lego!" excited na sabi ni Rain

Natatawa nalang kaming sumunod. Habang naglalakad ay nabigla akong may humigit sa akin papalayo.

"Carl? Bakit?" tanong ko

"Hehehe.... Doon tayo sa Nightmare House?" nakangising tanong niya

'alam ko kasing takot ka sa mga multo eh.'

yan ang nababasa ko sa ngisi ni Carl, ha! Talaga lang ah? Matapos kong makaharap ang mga nakakasuka na itsura ng mga DS matatakot pa ako? Tignan lang natin!

Ngumisi ako
"Call."

Ngumiti siya tapos hinigit na naman ako, mahilig talaga siyang manghigit no?

Jasper Academy Season 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon