Azekiel's POV
"Wooooow!!!! Bagong dish?? *O*" sabay na tanong nina James at Rain nang makita ang mga ulam na nakahanda sa mesa naminSheeesh..... Pinagtinginan tuloy kami -____-
"Waaaaah!!!" sabay rin nilang sigaw at nag-unahang pumunta sa kaniya-kaniyang pwesto ng upuan then nagsimulang kumain
Sumunod naman kami sa kanila sa pag-upo at nagdasal, syempre pinagalitan sina James ni Dre dahil daretso lang sila sa pagkain. Pagkatapos ay isa-isa nilang tinitignan ang mga ulam na nasa harapan namin, nanibago kasi sila. Mga pagkaing pinoy kasi ang pinaluto namin ni Kambal. Mayroon kaming Pancit, Isaw, Balot, Adobong Paklay, Pusit, Sinigang, Adobong Manok, at Kaldereta lahat nang iyan ay bago sa kanila, maliban sa sinigang, adobong manok at kaldereta na nailuto ko na sa kanila.
Nagtataka namang tiningnan ni Dre ang pancit. May kinuha siyang isang hibla ng pancit gamit ang chop stick niya.
Pinag-aralan niya yon ng husto.
"Ang haba naman ng uod na ito, atsaka ang payat." inosente niyang sabiHahahaha! Ano raw? Uod? Niyahahahahaha!
"Tss..... Pancit tawag diyan, ang ignorante mo...... Atsaka hindi yan uod no tss -___-" maikling explain sa kanya ni Kambal
"What the..... What kind of food is this? Uod ba to? Or caterpillar?" takang tanong ni Shawn habang nagtatakang tinitignan ang isaw
"That is called ISAW bro, bbq yan." natatawang sabi ko
"Patikim nga!" excited na sabi ni Elle at inagaw kay Shawn ang Isaw
"Wow! Matagal-tagal na akong hindi nakakain ng itlog!" sabi ni Dev at kinuha yong balot tsaka pinukpok
"Hehehehe miss ko na to!" sabi pa niya habang binabalatan iyon
Natigil siya sa pagbabalat ng may likidong tumulo mula doon. Bigla naman siyang nagtaka at sinilip ang nasa loob ng itlog.
"Kyaaaaaaaaaah!!!! May itim na daga sa looooooob!!!!" natatarantang sigaw niya at dali-daling binalik ang itlog
"Hahahahahaha!" tawa ko at si Kambal
"Hahaha! Balot yan Dev! Niyahahahahaha!" sabi ko sa kanya
"B-balot? Ano yon?" tanong niya habang inaamoy ang likido na tumulo sa kamay niya
"Itlog ng manok yan, na may maliit na sisiw sa loob, masarap at masustansya yan." nakangiting sabi ko
"Pwedeng tikman?" tanong ni Halimaw, hehehehe ang cute niya
"Oo ba, sandali, ako na ang magbalat para sayo." sabi ko habang kinuha yong isa pang balot at pinukpok yon.
Dali-dali naman sina James, Rain, Devon, Daniel, Shawn at Elle sa pagkuha ng balot at sinunod ang ginawa ko.
"Pagkatapos pukpukin ay balatan niyo, pero yong sa tuktok lang ah, baka tutulo yong katas niya sa loob." sabi ko sa kanila habang dinidemo sa kanila ang gagawin. Sinunod naman nila ito ng dahan-dahan.
"Eiiiihhh... May daga----- esteh my sisiw sa loob." may halong takot na sabi ni Devon
"Oo nga, pero mukhang masarap din naman." sabi ni Elle
"Then? What's next?" Tanong ni Daniel
"Pagkatapos ay lagyan niyo ng kaunting suka. Gaano ka kunti? Depende na yon sa inyo, ay wait lang, hetong may pulang takip ay maanghang at ito namang may asul na takip ay hindi, baka magkamali kayo ah." sabi ko sa kanila habang nilagyan ng suka ang balot ni Halimaw na tutok na tutok sa ginagawa ko, ang cute niya talaga ^___^
BINABASA MO ANG
Jasper Academy Season 1&2
FantasíaMaayos naman buhay namin ni Kambal doon sa mortal world, pero putcha tong si Dad nilipat ba naman kami dito sa magic world?! Tapos hindi pa nakontento, nilipat pa talaga kami ng school..... At alam niyo kung saan? Sa JASPER ACADEMY lang naman, ang s...