A/n:
Hey guys! Waaaaah!!! I'm so damn happy right now! Thank you so much! Waaaaah!!! Kung hindi dahil sa inyo, hindi aabot hanggang 1.01K ang readers! Hahahahaha!!! Thanks a bunch! Gomawo!!! ^_^ HAPPY 1.01K READS!!!!___________________________________________
Dre's POV
"Sa-sandali lang..... Iyang k-kwintas na iy-an....." Hindi makapaniwalang sambit ng Hari habang nakaturo sa kwintas ng magkambal, nagtataka naman kaming lahat maliban kay Principal na mukhang kinakabahan. Ang Reyna naman ay katulad ng Hari ay nabigla rin nang makita ang kwintas ng magkambal.
?_________________?
Oh? May kwintas pala sila? Eh? Bakit ngayon ko lang napansin?!
Napatingin na naman ako sa Hari't Reyna, bakit ganyan sila makareak? Ganyan na ba talaga ang pagkamangha nila sa pagkacool ng kwintas nila Masungit?
"Luh? Bakit? Ano ba ang meron sa kwintas ni---------- wow!!! *O* Ang cool pala ng kwintas nilang magkambal! Blue na blue! Ano yan? Twin necklaces?" Mahinang sabi ni Rain pero dinig ko
"B-bakit po?" Kinakabahang tanong ni Masungit
"A-antennae Gems-stone....." Nauutal na hindi makapaniwalang sabi ng Reyna
"N-na nakahati?" Takang tanong ng Hari pero nandoon parin ang pagkabigla sa mukha niya.
Dahan-dahan napatingin sa isa't-isa ang Hari't Reyna at napatingin na naman sa magkambal.
Sumeryoso bigla ang mukha ng Hari't Reyna.
"S-saan niyo nakuha ang kwintas niyong iyan? At paano?" Malumanay ngunit seryosong tanong ng Hari sa magkambal, napatingin naman kami sa kanila
"K-kung saan p-po namin natagpuan a-ang Ibong Adarna." Kinakabahang sagot ni Aze na nakayuko
"Tinatanong ko ang lugar iho at paano.." Malumanay pa rin na sabi ng Hari pero maslalong kinakabahan sina Aze
Siniko naman bigla ni masungit si Aze.
"Sa kanang bahagi po ng Guchi Jungle, may kweba po doon, kaya pinasok po namin. Habang naglalakad may napansin po akong mga word blocks sa paanan namin-------" hindi natuloy ni Masungit ang pag-eexplain niya dahil nagsalita ang Hari
"At ano naman ang nakalagay doon iha?" Interesadong tanong ng Hari, wow bakit naging masungit ata ang Hari ngayon?
"N-nakalagay po doon ang mga letters ng Antennae na pero hindi po nagkasunod-sunod. Wala po kaming edeya sa una pero nakakita po kami ng clue at narealize ko po na Antennae pala ang--------" nagsalita na naman ang Hari
"Paano mo nalaman ang tungkol sa Antennae Gemstone? Sa pagkakaalam ko ay hindi ito kasama sa mga Lessons niyo, dahil isa itong malaking sekreto namin." Sabi ng Hari
"B-before the day po kasi kami pumanaw para sa mission namin ay pumunta po ako sa library upang magbasa ng mga libro dahil nabored po ako, habang naghahanap ng libro ay--------" nagsalita na naman ang Hari
"Ay iyon ang nakita at interesado kang basahin iyon tama ba ako iha?" Tanong ng Hari
"O-opo" sagot naman ni masungit habang nakayuko
"Pero paano? Walang libro tungkol sa Antennae Gemstone sa Library ng Academy. Dahil nga isa itong 'malaking sekreto'." madiing sabi ng Hari na ikinabigla ng tudo ni Masungit
"Hi-hindi ko po alam kung bakit nakita ko po iyon kamahalan, pa-pangako po, nakita ko lang p-po talaga iyon sa ika-benteng shelf." depensa ni Masungit
"Mm...." patango-tangong sambit ng Hari "Patuloy." Utos pa ng niya
"Doon ko po nalaman ang tungkol sa Antennae Gemstone, pero hindi po lahat. Ang nakita po kasi naming clue ni kambal ay King Nickolas Arck, at sa nabasa ko po sa libro ay si King Nickolas Arck ang nagmamay-ari nito, at nawala niya ito noong may pinuntahan siya dahil sinalakay sila ng mga Goblins." Paliwanag ni Masungit, buti na lang at hindi siya binara ng Hari.
Ano ba ang nangyayari dito? Para kaming nagleleksyon sa History ah......
"Patuloy iha." Sabi ng Reyna
"Kaya po inasemble po naming dalawa ang mga blocks, at nung nasemble na namin ay bigla na lang lumindol at biglang may mga hagdanan ang nagpakita paakyat. Tinahak namin ni kambal ang hagdanan at lumipas ang bente minuto ay nakarating kami sa taas. Doon namin nakita ang isang weirdong puno na may hugis bilog na nakakasilaw sa gitna nito, nilapitan po namin iyon tapos kinuha ang nasa loob ng bilog at doon po namin nakita ang Antennae Gemstone, pero buo pa po ito sa simula pero nong kami nang pong dalawa ang humawak ay bigla-bigla nalang po itong nahati sa dalawa tapos may lumabas po na metal sa tig-isa naming bato at iyon po ay ang lace nito. At dahil po cool sa paningin namin, sinuot po namin iyon, pero nong nasuot na po namin ay bigla na lang po na parang may mga sandamakmak na mga karayom ang tumusok po sa leeg namin na para bang komonekta sa backbone po namin, at subrang sakit po non. Nong nawala na ang sakit, huhubarin na po sana namin ang dalawang kwintas pero laking gulat po namin na hindi na po mahubad dahil nakadikit na po sa leeg namin. Tinry na po namin ang lahat, binugahan ng apoy, nilaslas ng mga special weapons namin, at sinubukang tunawin pero hindi po talaga eh nakadikit na po talaga at subra pong tibay ng lace kaya pinabayaan na lang namin, ang hula po namin ay baka yung parang mga sandamakmak na karayom ay totoo at yun ay ang silbing komonekta sa buto namin." Mahabang paliwanag ni Masungit....
*______________*
Ganyan ang mukha naming mga royalties except sa magkambal.
Wow......... As in WOW!!! May ganyan pala silang pinagdaanan, bakit hindi sila nagkwento?!"Hmm......" Patango-tangong sang-ayon ng Hari
"Principal Isaac, ipatawag mo lahat ng mga officials sa J.A at ang mga headmasters, may meeting tayo mamayang gabi. Sabihin mo'ng emergency ang meeting natin." Mautoridad na utos ng Hari kay Principal
"Masusunod po Kamahalan." Malumanay na sagot ni Principal Isaac
"Royalties, salamat sa inyong oras. At muli, maraming salamat sa inyo, dahil sa inyo humihinga pa rin kami ngayon ng Hari. Pwede na kayong makaalis ^_^" nakangiting sabi ng Reyna
"Maraming salamat rin po kamahalan." Sabay naming lahat at sabay rin kaming umalis.
__________________________________________
Hello po!!!! ^_^
Thank you for Reading!!!! Muah! :*
BINABASA MO ANG
Jasper Academy Season 1&2
FantasíaMaayos naman buhay namin ni Kambal doon sa mortal world, pero putcha tong si Dad nilipat ba naman kami dito sa magic world?! Tapos hindi pa nakontento, nilipat pa talaga kami ng school..... At alam niyo kung saan? Sa JASPER ACADEMY lang naman, ang s...