JA(S.2) 1: It begins

736 22 0
                                    

Azekiel's POV

  

      Lumapit sa amin ang Hari.
"Kayo ang chosen ones ng Mythical Gods. Kayo ang magmamana ng kaharian, Prinsesa Zabea Montreal at Prinsipe Azekiel Montreal." sabi ng Hari habang nakangiti

  
"P-p-po?!" sabay naming tanong ni Kambal

   Ngumiti lang ang Hari bilang sagot sa tanong namin. At kumalas na rin ang Reyna sa pagkayakap sa amin.

    Anak ng.......... Totoo ba yon?!

  I'm speechless, tameme, hindi makapagsalita, and I can't talk. Hindi maabsorb ng utak ko ang lahat ng sinabi ng Hari. Siguro lahat ng emosyon ay nafefeel ko ngayon, ay hindi pala..... Hindi pala ako galit.

     "Iwan muna namin kayong magpamilya para makapag-usap." sabi ng Hari at dahan-dahan na silang umalis kasama ang reyna at ang iba pang mga elders, at doon ko namalayang nagpipigil na pala ako ng hininga mula kanina.

     Lumapit sa amin si Dad at niyakap niya kaming dalawa na tulala pa rin hanggang ngayon.

     Ilang minuto na kami sa ganoong pusisyon, pero walang pumalag sa amin.

    "I...... I........ I'm happy to know that finally, nareveal na ang tunay na pamilya ng mom niyo, b-but I'm also sad dahil magkakaproblema kayo in the future." sabi ni Dad at kumalas na sa yakap

    Mas naguluhan naman ako doon.
   "Po? Si mom? What about her?" sabay naming tanong ni Kambal

     "Umupo muna kayo, bago pag-usapan yan." sabi ni Lolo

     "Yeah." sang-ayon ko at umupo na sa sofa bale

Ako             Lolo
Kambal     Dad
                   Tita

     Nakaharap silang tatlo sa amin ni Kambal.

    "Aherm..... Let's talk about the life of Princess Elysse first. You're first Dad." panimula ni Tita Irene at tumingin kay Lolo

    Bumaling naman kami ni Kambal kay Lolo upang makinig.
    "73 years ago, first year collage pa kami non. Ako, si Isabella ang Lola niyo, si Nickolas, si Rodolfo, si Esmeralda, si Reynaldo, si Terisita, at si Princess Elysse ay magkaklase at parte rin kami sa mga royalties. Magkakaibigan kaming siyam, though nagka-ibigan kami noon ni Isabella pati na rin sina Rodolfo at Esmeralda." nakangiting panimula ni Lolo habang nakatingin sa silya

      Ahh.... Part rin pala ng royalties si Lolo nong sa kabataan niya. Though hindi halata

"Palagi kaming binibigyan ng mga mission. Pero one day, binigyan kami ng misyon na bantayan ang Wind Town within 3 weeks which is only 3 kilometers away from Aertania. Hindi pinayagan noon nina Queen Alisia at King Edmund si Princess Elysse na sumama sa misyon dahil subrang delikado pero nagmatigas si Princess Elysse kaya wala'ng nagawa ang Hari't Reyna that time. Ginawa namin ang misyon, binantayan namin sila." huminto muna siya para uminom ng kape

    "Sa umaga sina Esmeralda at Rodolfo ang nakaasign, sa hapon sina Reynaldo at Terisita, sa gabi naman kami nakaasign ni Isabella at sa madaling araw nakaasign sina Nickolas at Princess Elysse. Pero hindi nagsasama sa iisang lugar ang magpartner, ibigsabin, kung sa west ang isa, sa east naman ang isa. Kaya lingid sa kaalaman namin na pagtime na nina Nickolas ay nagkikita ang aming prinsesa at prinsipe ng Aertania na si Adolfo." sabi ni lolo na parang inaalala ang nakaraan

   
     "Lumipas ang tatlong linggo, kelangan na naming bumalik sa J.A dahil tapos na ang misyon namin. Nahirapan pa nga kami sa pagkumbinsi kay Princess Elysse dahil sa ayaw niyang umalis doon, kesyo daw baka kelangan pa nila ang tulong namin, o di kaya ay baka raw sa pag-alis namin ay baka bigla nalang atakehin ng kalaban ang Wind Town, pero nakumbinsi naman siya ng mga babae naming kasama pagkatapos. Nang makabalik kami, palagi na lang siyang malungkot, at wala sa sarili, bumaba na rin ang grades niya. Ilang beses na siyang pinagalitan ng Hari't Reyna pero hindi siya nakinig. Hanggang sa dumating ang kanyang ikalabing-walong taon." sabi niya na may mapait na ngiti sa labi niya

Jasper Academy Season 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon