Side B

81 0 0
                                    

General POVs

Nakarating si Karylle ng matiwasay sa California nang madaling araw kung saan nakahanda na siya sa kanyang operasyon. Operasyon: ibalik ang ViceRylle. Nasa airport pa rin siya at inaantay niya na lang ang kanyang mga bagahe.
Habang nag-aantay ay naisipan niyang iupdate ang dalawang kaibigan ni Vice na sina Archie at Buern kung saan sasabihan nito ang dalawang binabae na nasa California na siya sa mga sandaling ito.
At gaya ng huling mensahe sa kanya ng dalawang kaibigan ay iyon din ang kanyang natanggap. Ang "Goodluck and Godbless at payt lang" na encouraging words ng dalawa sa kanya.
Tinatamad siyang ibalik ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang sling bag at umiiling iling na hinila ang kanyang trolley bag palabas sa vicinity ng airport.
Pumara siya ng taxi at didiretso muna siya sa bahay ng kanyang lola mangga upang idaan ang mga gamit niya. Tiyak na magugulat ang kanyang lola mangga kapag nakita ito mamaya dahil ang alam nila na nasa Pinas na ito sa mga oras na ito.

Samantala...

Si Vice ay nakatanggap naman ng message sa kanyang Viber.

From Archie:

"Meme nasa California na daw si Karylle."

From Buern:

"Woi bakla saang lupalop ka na ba ng states? Naku yung buhay mo baka papunta na iyon sa bahay niyo kina nanay Rosario. Come madali!"

At dahil doon naisipan niyang mag book ng kanyang flight papunta sa California thru internet. At dahil sa teknolohiya ay karakaraka siyang nakakuha ng kanyang flight.
Magpapaalam na lang ito mamaya sa dalawang kaibigan na sina Liz at Divine .
Dahil maaga pa naman ngayon at alam niyang di pa gising ang mga kaibigan ay naisipan niyang mag empake muna ng kanyang mga gamit.
Habang naglalagay ng kanyang mga damit at iba pang gamit sa kanyang luggage ay nahagip ng kanyang mga mata ang maliit na kahon na kulay pula kung saan andoon ang engagement ring na para kay Karylle.
At kahit ayaw niya na sanang isipin ang nakaraan ay tila bumabalik ng kusa sa kanyang alaala ang ginawa sa kanya ni Karylle at lalong nabuhay ang inis at galit nito para sa dating kasintahan.
Kung sana noon nakinig lang si Karylle sa kanya edi sana kasal na sila ngayon.
Kung sana noon hindi siya pinagtabuyan ni Karylle edi sana masaya na sila ngayong nagsasama at baka nga may anak na sila sa ngayon.
Kung sana... maraming "sana" pero wala na siyang magagawa kundi ang magmukmok at magtampo at magalit ng bahagya sa dating kasintahan.

"Ughh!!! Damn you Karylle for not trusting my love for you!" Nanggigigil na saad niya sa hangin.

Naiinis siya sa kanyang sarili habang nagreready ng kanyang mga gamit. Naiinis siya dahil sa di niya magawang magalit ng pangmatagalan sa babaeng pinakamamahal niya- sa buhay niya.
Noong una, inaamin niyang kinamumuhian niya si Karylle. Sagad to the bones kumbaga. Pero habang nagtatagal ay namimiss niya ang dating kasintahan and he admitted to himself that he is still deeply madly inlove with his one and only Binibing Kurba.
At habang ginugunita niya ang mga sweet memories nila when they we're together ay napapangiti siya ng di niya namamalayan. Muntanga lang ang peg.

At nahinto lang ang kanyang imahinasyon ng ng beep ang kanyang cellphone. Signalling him na may ngmessage sa kanya thru Viber.
At binasa niya ang nilalaman ng mensahe.

From Archie:

"Naku meme ang iyong kurba naroon na raw sa bahay ninyo kina nanay Rosario" pag-u-update sa kanya ng baklang kaibigan.

To Archie:

"What?! Agad-agad?!!" Gulantang aniya sa kaibigan.

Malalagot siya ngayon dahil hindi naman alam ng kanyang pamilya na matagal na siya sa America. At hindi rin nila alam ang nangyayari at pinagdadaanan niya sa ngayon lalo na sa nangyari sa relasyon mayroon sila ni Karylle.

Side By Side (ViceRylle Story)(ON GOING AND VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now