Side A

144 5 0
                                    

General POVs

Dahil sa tapos naman na ang birthday ng lola mangga ni Karylle ay bumalik na ang dalaga sa Pilipinas.
Sabay pa sila ni Yael umuwi dahil same plane ticket lang sila.

Nang makauwe na siya sa condo niya ay nagpahinga muna siya dahil may jetlag ito. Total linggo naman. Bukas pa naman siya papasok sa trabaho niya sa showtime.

Nagopen muna siya ng kanyang twitter account at facebook account dahil bored siya gawa ng siya lang mag-isa sa kanyang condo.

Madaming ngpopop-up na notifications sa screen ng kanyang phone. Sa kanyang twitter ay may ng dm sa kanya. Isa sa mga kaibigan ni Vice, which is Archie.

"Mommy K, asan ka ngayon? Nakauwe ka na bang Pinas?"

"Yes Chie. Kauuwe ko lang kanina and Im here sa condo ko." Reply niya.

"Pedeng dumalaw diyan? Kasama ko si Buern. Total pagod na kami kakawindow shopping dito sa mall."

"Sure. I'll wait for you" Reply niya ulit sa kaibigan.

After ng convo nila thru twitter ay pumasok na ito sa kanyang banyo upang maligo dahil nakakahiya naman sa kanyang parating na mga bisita/mga kaibigan.

After half an hour ay tapos na rin si Karylle sa pag-aayos sa kanyang sarili at pagbebaked ng macaroni pang miryenda nila ng kanyang mga kaibigan.

***Buzzzz...

Binuksan niya ang pintuan ng kanyang condo dahil tiyak siyang iyon na ang kanyang mga kaibigan. At di nga siya nagkamali.

"Hello mommy K" sabay beso ni Buern sa kanya.

"We miss you" its Archie's turn para bigyan naman ng beso ang kaibigan.

"Miss ko na rin kayo. Its been how many months na ndi tayo nakakapag-usap. Puro tayo batian lang pag nagkakasalubungan tayo sa studio." Sabi niya sa dalawa.

"Its been barely 3months I think?" Tawang sagot ni Buern.

"Hahahah. Ganoon katagal. Tara sa sala." Paanyaya niya sa mga kaibigan.

"Upo muna kayo at kukunin ko lang yung miryenda natin." Segunda niyang sabi.

"Tulungan ka na namin" sabi naman ni Archie.

"Nah. Its fine. Bisita kayo. Just relax there. Madali lang to." Pahayag niyang sabi sabay tungo sa kanyang kitchen.

After a minute ay bumalik na si Karylle sa living area dala-dala ang miryenda nila. Inalalayan lang siya ni Archie sa mga miryenda na dala niya.

"So kumusta kayo?" Tanong niya sa dalawa.

"Ayun, malungkot kasi dahil sa nangyari sa inyo ni Vice. Di pa kami nakaka move on sa inyong dalawa e." Sagot ni Archie.

"At saka sa ngayon kasi nagkanya-kanya muna kaming mga bakla kasi si Vice asa States eh. Matagal na siya doon simula nung naghiwalay nga kayong dalawa." Dagdag naman ni Buern sa kaibigan.

"Sorry sa nangyari." Tanging tugon niya sa mga kaibigan.

"We understand you naman e. Medyo nagtatampo lang kami sayo ng slight kasi di mo man lang hinayaan si Vice na magpaliwanag doon sa nakita mo." Hayag ni Buern.

"Sorry. Di na ako nakakapag-isip kasi noon ng matino dahil di ko naman ineexpect yung nakita ko." Paliwanag niya sa dalawa.

Side By Side (ViceRylle Story)(ON GOING AND VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now